LIMIEN made herself busy while practicing Braille writing. Nag-aral siya ng paraan ng pagsusulat ng mga tulad niyang bulag. Bagama’t alam niyang may greater chance na makakita siyang muli, nag-aral pa rin siyang magsulat gamit ang Braille. Her mom hired her personal tutor for this. Ito ang isa sa naging diversion niya para hindi siya malunod sa pagluluksa. Nagkaroon siya ng goal nang matutunan niya ang Braille. She would write poems and songs dedicated to Hamiel. At gusto niyang pati mga bulag tulad niya ay makababasa noon. She was in the garden at the side of the villa inside the Green Haven Farm. Biglang umihip ang malakas na hangin. Natangay ng hangin ang ilan sa mga papel na natapos na niyang sulatan ng tula. At dahil importante iyon sa kanya, kailangan niyang hanapin ang mga pape