TAHIMIK na ibinalik ni Hamiel sa dati ang ayos ng bahay. His plan failed. Ang plano sana niya ay sanayin si Limien sa pabago-bagong environment para lalo itong maging matatag. Pinayagan siya ng mama nitong gawin iyon. But everything turned wrong. Ang pag-iyak nito ang nagpahiwatig sa kanya na tama na. He needed to go kahit ayaw na niya. “Pinagsisisihan kong minahal kita!” Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang linyang binitiwan nito. Para iyong kutsilyong unti-unting pinapatay siya. Sobrang sakit. Kung tutuusin may kasalanan din siya. Ang simple lang naman ng role niya—alagaan si Limien at ang relasyon nila. Pero hindi niya iyon nagampanan nang ayos. Habang inaayos niyang muli ang bahay ay naririnig niyang umiiyak sa loob ng silid nito si Limien. Nasasaktan siya sa bawat paghikbi