“THANK you po sa inyo. See you later po.” Inihatid ni Limien sa lobby ng building ang mga actors na gumanap sa life story movie ng kanyang ama. Natapos na nga ng kanyang ina ang script at agad din iyong isinapelikula. At ngayon, malapit nang ipalabas sa sinehan ang pelikulang iyon. Katatapos lang din ng presscon para sa nalalapit na showing ng movie. Limien also had a participation in the movie. Siya ang nag-train sa actor na gumanap sa role ng kanyang ama. There were scenes wherein the character of her dad was playing piano. Siya rin ang tumayong music director ng movie. At may minimal exposure din siya sa last part noon. Nang makaaalis na ang lahat, bumalik siya sa office ng kanyang mama pero wala ito roon. Isang note ang iniwan nito. I’m on emergency meeting. Hintayin mo na lang