LIHIM na napapangiti si Hamiel habang pinagmamasdan ang natutulog na si Limien sa tabi niya. Ang balikat niya ang unan nito. Lulan sila ng company van ng HC Talent Agency. Kagagaling lamang ng Karisma Band sa isang mall show. Si Cielo lang ang wala sa kanila dahil bumalik na ito sa South Korea. They were now on their way back to Pontez Media Productions office for a meeting with the bosses. Dahil naipit sa traffic, nakatulog na si Limien. He felt so light having her beside him. Sinunod nito ang payo niya. She’s still wearing the same perfume she had during their Keithan Apparels endorsement shoot and he found it lovely. Napahikab na rin si Hamiel. Wala pa siyang masyadong tulog. “Bakit parang ubos na ubos ang energy n’yo ni Limien?” komento ni Christella. “Lima lang naman ang tinugtog