DAHLIA POV :
"Thana, busy ka ba today?" Tinawagan ko si Thana ng matapos akong maligo.
Hindi ko alam kung ano na naman ang gagawin ko ngayong araw. Kailangan kong umalis kung ayaw kong mainis sa Thunder na iyon.
Napakapakilamero niya! Katulad kahapon, magswi-swimming sana ako after kong kumain ng cake pero hindi raw p'wede dahil masama raw iyon.
Anong masama roon? Bwisit talaga!
Wala naman na akong nagawa dahil tinabunan niya iyong pool ng mga dahon na nalagas sa mga puno malapit sa pool area namin.
Oh diba? Sino hindi mabi-bwisit?
Kaya ayon, nagkulong na lang talaga ako rito sa room ko.
"Why, Dahlia? Hindi naman ako busy ngayong araw. Saan naman tayo pupunta?" Napaisip ako sa sinabi niya.
Saan nga ba kami pupunta ngayon?
"Dahlia, are you there? Kung sa favorite place kaya natin? Minsan na lang tayo makapunta roon dahil busy na tayo now a days. G?"
Oo nga, nuh? Minsan na lang namin puntahan niyo.
Ngumisi ako habang nakaharap sa aking vanity mirror, "G!"
"Okay. See you later, D!" Sabay baba ko ng phone.
Bumalik ako sa walking closet ko at pumili ng casual wear, iyong komportable lang suotin.
I wear tattered pants, white v-neck and sneakers. Pinili ko ang body bag, kasya na rito ang wallet and cellphone ko.
Lumabas na ako ng room ko, pagkababa ko pa lang nandoon na agad si Thunder.
Naka-maong short siya, black shirt and kakie shoes. Wow! Casual wear nga.
"Good morning, Ms. Dahlia." Bati nito sa akin ng makita ako.
Lumakas lalo ang appeal niya.
"May pupuntahan ako. Kahit hindi ka na sumama." Sabi ko rito at nilagpasan siya.
Humarang ulit ito sa harapan ko at ngumisi sa akin, "hindi ho p'wede, Ms. Dahlia, kung nasa'n ka nando'n din dapat ako."
"Urgh! Bahala ka nga! Oh," sabay hagis ko rito ng susi.
Hindi talaga siya magpapapigil, e.
Binuksan ko agad ang backseat at doon umupo.
Nakatingin lang ako sa harapan pagkatapos ko sabihin dito kung sa'n ako pupunta. Sa Greenhouse.
Hindi ko alam kung alam ba niya papunta sa lugar na iyon, bahala siya, ginusto naman niya iyan, sinabi kasing 'wag na sumama. Bwisit na Thunder na 'to.
Sinira na naman niya ang umaga ko!
Hindi ko alam pero tama ang daang tinatahak niya. Alam ba niya ang tungkol dito?
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya sa rear mirror. Chill lang ang mukha niya habang nakasuot sa kanya ang sunglasses niya.
Pumarada ito. Nandito na kami.
Nahihiwagaan man kung paano niya nalaman, bumaba na ako. Hindi ko na siya hinintay magsalita pa.
Lalo lang ako maiinis dito.
Nilibot ko agad ang lugar, may iilang mga taong nakatambay. Iyong iba mukhang nag-jogging kaya nandito at nagpapahinga ngayon.
Nasa mataas na lugar ang greenhouse, kaya kita rito ang buong bayan namin. Maganda rito kapag gabi, kita ang buong city lights.
Lumingon ako kay Thunder na nakasunod sa likuran ko, "d'yan ka na lang maghintay. Nakita ko na iyong friend ko." Ani ko rito at pinang-ikutan siya ng mga mata.
Ewan ko pero kumukulo talaga ang pagkatao ko kapag malapit ako kay Thunder.
Pakiramdam ko may nagawa akong kasalanan 'tas nakita niya iyon.
Dumiretso ako kay Thana kung sa'n siya nakaupo. Early bird? For the first time.
Pagkaupo ko sa tabi niya, "early bird ha? For the first time, T?" And, I grinned to her.
Pinag-krus niya ang kanyang mga kamay sa tapat ng kanyang dibdib at sumimangot, "si Alaric kasi, e. Sinabay na ako kaya ang aga ko ngayon."
Sobrang salungat talaga nilang dalawa.
Tumingin siya sa likuran ko, napakunot ang kanyang noo, "new bodyguard?"
I rolled my eyes to her, alam kong aasarin na naman niya ako.
Tumango ako rito, "yah. New bodyguard. Na ipapahamak ko agad." Then, I winked.
Umiling ito sa sinabi ko, "mukhang malabo, D. Mukhang malabo. . ." Ani nito at tumingin sa harapan namin.
Naguguluhan man sa sinabi niya pero sure akong mapapaalis ko agad si Thunder.
"Trust me, T. You know me already since we're childhood days." Matapang na sabi ko rito at tumingin na rin sa paligid.
Ilang araw ka na lang Thunder, aalis ka na rin katulad ng mga pinahamak ko.