Chapter 2

708 Words
DAHLIA POV : "Maxine, this is your new body guard. He's Thunder. . ." Napatingin ako sa kanya, parang nakita ko na siya. Iyong katawan niya. . . Imposible, maraming ganyang katawan sa mundo. Tumingala ito sa akin, brown eyes. Hindi nga siya iyon. "Hi, I'm Dahlia Desiderio. Nice to meet you." Ani ko rito. "I'm Thunder, Ms." Tumango ako sa kanya. Tumayo na ako, "siguro naman Dad sinabi mo na sa kanya na ayokong naka-uniform siya katulad ng suot niya ngayon." Pagtatanong ko kay Daddy. Ayoko kasing agaw-pansin sila! "I already told him about that. Where's your kuya?" Kumibit-balikat ako sa kanya. "I don't know. Baka naroon na naman sa Yassi? Kuya is obsessed to that girl, Dad!" Ani ko rito at lumabas na ng office niya. Pumasok ako sa k'warto ko at humilata sa kama ko. Oh gosh! Panibagong body guard na naman. Hindi ko naman kailangan ng body guard, e. Paano ko naman yata siya ipapahamak kay Dad? Lahat ng body guard ko, tinatanggal dahil sa ginagawa ko sa kanila, pinapahamak ko lang naman ang sarili ko. Tumayo ako at umupo sa working area ko, binuksan ko ang laptop at nagsearch kung anong p'wedeng pakulo ang gagawin sa kanya. I-search in google to how to rid a body guard. Pero, puro definition ang lumalabas. Alam ko naman kung anong meaning ng body guard, e! Nakakainis! Anong p'wedeng gawin ko ngayon? Tutunganga lang dito maghapon? Habang si Thana masayang nagda-date? Napatingin ako sa pinto ng k'warto ko nang may kumatok dito. "Sino iyan?" Malakas na tanong ko kung sino man ang kumakatok sa pinto. "Ms. Dahlia? Si Thunder ito, may ipag-uutos ba kayo?" Nagsalubong ang kilay ko dahil sa boses niya. Buong-buo iyong boses niya. Ilan taon na nga ba ang isang 'to? Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Nakapagpalit na siya ng damit. Good. Tinitigan ko siya nang mabuti. Matangkad siya, matipuno, tambay siguro siya sa gym dahil iyong braso niya pumuputok na, nakikita ko na nga iyong ugat, e. Okay, gwapo siya. Sobrang manly niya tignan at mukhang mayaman naman siya ha? Bakit namasukan siyang body guard? "Tapos na ba kayong titigan ako, Ms?" Napalunok ako at napapitlag dahil sa sinabi niya, "w-what? Hoy? Hindi kita tinititigan ha? Ang kapal ng mukha nito." "I heard it, Ms." Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinabi. He's a jerk. "Ilang taon ka na?" I asked him. Sinarado ko ang pinto, nilagpasan siya at bumaba ako sa sala. Ramdam kong nakasunod ang huli. Umupo ako sa sofa at tinignan ulit siya, "ilan taon ka na?" Ulit kong tanong dito. "Twenty-eight." "Twenty-eight?" Ulit na tanong ko rito at tumango siya sa akin. "Akala ko nasa late thirty's ka na. Mas matanda ka sa akin na apat na taon, Thunder." Ngisi ko rito. "Wala akong gagawin today, Thunder. You may go. Tatawagan na lang kita kapag may pupuntahan ako." Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Magba-bake na lang ako. Wala naman talaga ako gagawin ngayon, e. Kinuha ko na ang All purpose flour, sugar, pinch of salt, baking soda, eggs, vanilla, milk and strawberry. Gagawa na lang ako ng strawberry shortcake. Buti na lang may strawberry pa rito. Bigla akong nag-crave sa strawberry, e. Tinulungan ako ni Manang na kuhain ang stainless bowl and baking pot. Una kong hinalo ang all purpose flour, ginamitan ko ito ng strain para hindi mamuo sa bowl, sinunod ko rin agad ang baking soda, next ay sugar at dinissolve ito, pagkatapos ay salt at sinunod na ang wet ingredients. Nang ma-mix ko na ang lahat, nilagay ko na ito sa oven, inayos ang temperature at timer. Umupo ako sa bar counter habang hinihintay maluto ang binake ko. Luminga ako sa likuran ko ng makita roon si Thunder, diba sinabihan ko na itong umalis at umuwi na sa kanila. "Pinapauwi na kita diba? Bakit nandito ka pa?" Pagtatanong ko rito. Hindi ko alam pero kinikilabutan ako kapag malapit siya sa akin. "Sabi ni Mayor, Ms, hanggang hindi ka pa nakakatulog hindi ako aalis sa tabi niyo. Pinapangalagaan ko lang ang tungkulin ko sa inyo." Ani nito habang nakatitig sa akin. Sa una lang naman niyan. Inirapan ko ito at binalewala na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD