DAHLIA POV :
"Hmm. . ."
Hindi ko alam pero nakikiliti ako sa bandang binti ko parang may humahaplos sa akin.
Pilit kong dinidilat ang mga mata ko pero parang may pumipigil sa akin.
Nangilabot ako ng may maramdamang basa na bagay sa aking binti na humahagod pataas at pababa rito.
"Uhm. . ."
Hindi ko magalaw ang buong katawan ko, ano bang nangyayari sa akin?
May naaaninag ako.
Oh my gosh! M-may nakapasok sa room ko, papatayin ba niya ako? P-paano siya nakapasok?
Lalong lumakas ang boses ko, hindi ko alam kung humihingi ba ako ng saklolo o kusang umungol ang aking bibig.
Oh my gosh!
Pwinersa ko ang aking sarili na tumayo at nagawa ko iyon.
Napaupo ako sa aking kama habang nakalagay ang aking kamay sa dibdib ko. Hinihingal ako.
Inikot ko ang aking paningin sa buong silid ko, walang tao. Walang bakas na may tao rito.
Sleep paralysis?
Pero, ramdam ko iyong paghaplos niya sa aking binti. Hindi panaginip niyon nor sleep paralysis.
Tumayo ako at tinungo ang bathroom para mahismasmasan ako. Hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako dahil doon.
Bad dream.
Lumabas ako at pumuntang kitchen, magtitimpla na lang akong kape hindi na talaga ako makakatulog nito.
Habang nagtitimpla ako, may narinig akong kaluskos. Hindi ko pinansin niyon at kumuha rin ako ng cookies, manonood na lang ako ng kdrama-ng It's okay not to be okay.
May narinig na naman akong kaluskos. Saan ba nanggagaling niyon?
Minumulto na ba ako?
Napahinto ako ng may marinig naman akong yapak papunta sa gawi ko. Lalong lumakas ang mga yapak niya hudyat na malapit na siya sa akin.
Baka si Manang lang 'to. Baka nga si Manang.
Napapikit ako ng maramdamang malapit na siya makarating sa p'westo ko, hawak-hawak ko pa man din ang mug and isang plate kung nasa'n ang cookies ko.
"Anong ginagawa mo? May nangyari ba sa'yo, Ms. Dahlia?"
Napadilat ako ng mabosesan ang boses na iyon.
Si Thunder.
Kainis talaga ang isang iyon kahit kailan!
Inangilan ko siya, "anong ginagawa mo sa bahay namin?" Asik ko rito.
"Dito ho kami pinatulog ni Mayor, Ms. May pinaasikaso siya sa amin." Ani nito sa akin.
Grabe! Aatakihin yata ako sa puso dahil sa isang ito.
Hindi ko na siya sinagot at iniwan siya roon. Sinira na naman iyan ang araw ko! Nakakainis na talaga siya!
Papasok na sana ako sa room ko ng makita si kuya palabas sa kanyang room, ang aga niya ha?
"Where are you going, kuya Dom?" I asked at tinignan ang suot niya.
Sweater? Hindi naman gaanong malamig ha?
"I have a meeting abroad, Maxine. What about you? You wake up early?" Sabay sinuri ang hawak ko.
Umismid ako sa kanya, "hindi na ako makatulog, e. Kumuha na lang ako ng pagkain para libangin ang sarili ko. Manonood na lang ako sa room ko."
Tumango ito sa akin, "you have a new bodyguard?"
I nodded.
"Nakasalubong ko nga sa baba. Nakakainis!" Sabay sipa ko sa pinto ng room ko.
Hinila niya ang kanyang dalang maleta. Ilang araw kaya ang meeting niya?
"If I were you, behave to him, Maxine. You don't know him."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"What? No way, kuya! I don't need bodyguard naman! Sina Dad and Mom lang talaga ang makulit. Kaya ko naman ang sarili ko, e!"
"Really?" Sabay taas ng kanyang labi.
He fcking grinned at me?
"Yah!" Desidido kong sabi rito.
I'm Dahlia Maxine Desiderio.
"Okay! What about your ex? I heard na nagpaparamdam ulit siya sayo?"
I rolled my eyes to him.
"What about you, kuya? Are you done with that girl? Nauntog na ba ang ulo mo na talagang hindi na magbabago iyong Yassi na iyon?" I mocked him.
Akala niya ha?
"I'm done with her, little sis. Okay? I gotta go!" Sabay lagpas nito sa akin.
See? Galit na iyan. Kapag talaga pinag-uusapan iyong Yassi umiinit talaga agad ulo niya.
"Hey, kuya? Don't forget my pasalubong, okay?" Habol ko rito.
"Of course, little sis."
####
Nandito ako sa mall, namimili na p'wedeng gamitin sa office, papasok na kasi ako bukas.
Winery pala ang business namin. About alcohol drink.
Hindi ko alam ba't niyan ang naging business nila Dad, sabi ni Mom sinubukan lang nila kung tatangkilikin ng mga tao, tinangkilik naman kaya lumago ang business namin dito.
Nag-eexport na rin kami sa ibang bansa, mga kalapit bansa lang ng Pilipinas.
Hindi na nga ako masyadong umiinom ng alcohol drink dahil sa nangyari sa akin. Ilang linggo na ba nakakalipas?
Hindi ko talaga siya makakalimutan, sana lang talaga nakalimutan na niya ako.
One night stand lang iyong nangyari sa aming dalawa. Pero, he's good. . .
Ano ba, Dahlia, kakalimutan mo na nga diba? Bakit inaalala mo pa iyong performance niya nu'ng gabing niyon?
Paano ba naman kasi isang araw akong iika-ika that time. Buti talaga hindi ako napagalitan nila Dad at hindi nila nalaman.
"Ms. Dahlia, are you okay?" Sumingkit ang mga mata ko ng magtanong ang Thunder na 'to.
"Get lost. I don't need you." Sabay bangga ko sa kanya.
Nakakainis talaga presensiya niya.
Kumuha ako ng sticky notes, notebook, ballpens -- isang red, black, blue and green, iba-iba ang purpose nila at nilagay sa basket na buhat-buhat niya.
Bumili rin ako ng book tungkol sa panaginip at kahulugan nito pamagat ng libro.
Hindi ko alam pero naaalala ko pa rin iyong panaginip ko kanina. Kaya aalamin ko kung anong meaning nu'n.
"Bayaran mo na." Ani ko rito at binigay sa kanya ang dalawang libo.
Hindi nga siguro aabot sa isang libo niyan.
Nakatayo ako rito sa gilid at tinitignan siya habang nakapila.
Naalala ko na naman iyong lalaking naka-one night stand ko. Magkasing-laki talaga sila ng pangangatawan, e. Iyong height parehas din. Iyon nga lang 'di ko makita ang tattoo niya. May tattoo iyon sa kanyang dibdib bago ako mag-passed out that time.
Nawala ako sa iniisip ko ng may kumalabit sa akin.
Teenager.
"Ate? Boyfriend niyo po siya?"
Napakurap ako sa sinabi niya.
I chuckled at umiling dito, "no way."
"Akala po namin boyfriend niyo, bagay po kasi kayo and kanina pa rin po siya nakatingin sa inyo habang namimili kayo."
Nagsalubong ang aking kilay sa sinabi niya, hindi ko naman p'wedeng sabihing bodyguard ko iyan.
"Hindi ko siya boyfriend." Ani ko rito at umalis sa p'westo ko.
Call me rude person pero ayoko lang talagang nakikipag-usap sa iba.
Nakita kong papalapit na siya ulit sa akin, kanina pa raw niya ako tinitignan?
"Ayos na ho, Ms. Dahlia." Tumango ako sa kanya at nauna ng lumabas.
Habang tumatagal lalong nagiging weird ang pakiramdam ko sa kanya.
to be continued...