**AUCTION ROOM Kaswal na nakaupo si Lukas sa isa sa mga upuang nasa unahang hilera, mismong nasa pinakatapat ng stage. Hindi siya mahilig sa mga ganoong event. Ang dahilan lang kung bakit nandodoon siya ay dahil kay Ireta. He leaked information about attending the auction to ensure Ireta's team would find out and she would attend as well. Si Filipo Consarte pa ang mismong nagsabi kay Ireta ng tungkol sa pagpunta niya sa auction. Tumunog ang cellphone niya. Hinugot niya iyon mula sa bulsa at itinapat sa tainga, pero hindi siya nagsalita at pinakinggan lang ang sasabihin ng nasa kabilang linya. Klaver: “Subject has crossed the perimeter. Three minutes from the target location.” Pinindot na ni Lukas ang end button para tapusin ang tawag. Si Ireta ang 'subject' na iyon. Hindi nagtagal ay