“Dance with me, Lukas.” Sa likod ng maskara ni Lukas ay gumuhit ang isang matagumpay na ngisi. Sa isang laro ay palaging may hakbang o plano para ikaw ang may kontrol at ang ideklarang panalo. May mga stratehiyang kailangang isagawa. Sa kaso niya ay hindi siya maaaring magpakita ng interes kay Ireta, lalo na at hindi pa tuwirang malinaw sa kanya kung ano ang layunin nito sa ginagawa nitong paghahabol sa kanya. “Get lost,” matabang niyang sabi rito. He even masked the emotion in his eyes with the look of contempt and disgust. Dahil hindi puwedeng may masilip ito sa mga mata niya na puwedeng magkanulo sa kanya. “Stay the f*ck away from me," mariin niyang pagtataboy dito. Napasulyap siya sa daliri ng dalagang may marka pa rin ng mga ngipin nito. She said that was her engagement ring. Hah!