“May bago akong natutunan, Ireta, gusto mo bang malaman kung ano iyon?” tanong ni Lukas sa kanya. “Ano iyon?” Bahagya siyang lumingon sa binata at nakita niyang kumikislap ang maigting na kabaliwan at kapilyuhan sa mga mata nito. Ano na naman ang pinaplanong gawin ni Lukas? “I’ll demonstrate.” Pagkasabi niyon ay lalo nitong hinila ang katawan niya padikit sa katawan nito at pinaggapang ang mga kamay nito. Itim na evening gown ang suot niya, kaya ni hindi ito nahirapang ipasok ang mga kamay sa ilalim ng laylayan ng kanyang gown at pinaggapang ang mga palad nito pataas at paikot sa kanyang malambot na katawan. Ang mga bisig nito ay pumulupot pa sa baywang niya, ang mga palad nito ay kumubkob sa magkabilang dibdib niya, ang mga daliri nito ay pumipisil sa tagiliran at kurba ng balakang