“Do you really want to kill her?” madilim ang mukhang tanong ni Lukas kay Ireta. Tuwid na nakatayo sa bungad ng kusina si Lukas. Matikas ang pagkakatayo nito. May madilim na anino ang naglalaro sa mukha ng lalaki. Ang mga mata nito ay matalim at tila malalim na lagusang kayang patahimikin ang sinumang pangahas na magtatangkang titigan ito sa mga mata. Nabuhayan ng loob si Eliana. Inangat nito ang kamay patungo sa direksiyon ng lalaki, nanghihingi ng tulong. Nagpapasaklolo. Para itong inapi at inginudngod sa sahig kung ang pagbabatayan ay ang nakakaawang anyo ng mukha nito. “Tulungan mo ako,” sumamo nito, nakadiin ang isang kamay sa sugat nito sa braso, pero umaagos pa rin ang dugo mula roon. May mga patak na ng dugo sa sahig. “Ireta, kinakausap kita,” baling sa kanya ni Lukas. Sumi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books