Habang nasa kusina at nagluluto ay pumuwesto sa likod niya ang asawang si Lukas at inipon ang nakalugay niyang buhok palikod at sinuklay gamit ang mahahaba nitong mga daliri, paulit-ulit na hinahagod mula puno hanggang dulo, tinitiyak na walang ligaw na hibla ang humulagpos mula sa pagkakahawak ng kamay nito sa buhok niya. Tapos ay tinalian nito iyon ng lasong kulay pula. “Ano ang ginagawa mo, Lukas?” tanong niya sa asawa. “Para hindi nakatabing sa mukha mo ang mga hibla ng buhok mo habang nagluluto ka,” pabulong nitong sabi sa kanya, gahibla lang ang layo ng mainit na mga labi sa kanyang punong-tainga. Sinasadya talaga nito iyon. Hindi niya alam kung inaakit siya nito o tinutukso. Ito rin ang nagpasuot sa kanya ng apron kanina, para raw hindi madumihan ang damit niya. Nagtatalsikan