“Kill her,” nayayamot na utos ni Lukas sa miyembro ng Kratos na lumapit sa kanya, upang ipaalam na nasa labas ng headquarters ng Kratos si Ireta Regueler. Tatlong araw na buhat nang may nangyaring sekswal sa pagitan nila. Sa tatlong araw na iyon ay nanahimik ito, kaya bakit bigla-bigla itong sumusugod ngayon? At sa headquarters pa talaga ng Kratos, hah! Kasalukuyan siyang nasa basement ng HQ at may ‘pinaglalaruang’ bihag—isang espiya galing sa ibang organisasyon. Hindi naman nauubos ang mga kagaya nito. Normal na sa Kratos ang mga ganoong sirkumstansiya. Palaging may itinatanim na espiya sa paligid nila, na palagi rin naman nilang nahuhuli. Puno na ng dugo ang mga kamay niya at may mga tilamsik ng dugo ang kanyang mukha. Marami nang hibla ng buhok ang umalpas mula sa maluwag niyang pagka