Chapter 34: Istorya ng Nobela 7 Abalang-abala si Pear habang ginaganap ang first shooting nila, tumutulong siya sa pag-instruct kung anong ekspresyon dapat ang gagawin. Nakakita na sila ng gaganap sa karakter ng dalawang bidang lalaki, ang isa ay artista na talaga ito ngunit nawalan ng break at ang isa naman ay isang model. Bagay na bagay sa dalawa ang role dahil mga gwapo ito at may kakaibang karisma. “Salamat, ha.” Pasasalamat ni Tita Vanessa sa kanya. “Naku, Tita, ako dapat ang magpapasalamat sainyo, binigyan mo ako ng chance.” “Wala iyon, nagpapasalamat ako dahil tumutulong ka kung ano ang dapat gawin nila.” Hinawakan siya sa pisngi ng director, parang ina na niya rin ito, madali silang nagkahulugan ng loob. Ang mama naman niya ay nasa condo lang, minsan dumadalaw ito sa kanya. “D