Chapter 10: Pantasya ng mga mata HINDI naging madali para kay Maureen ang buong araw niya bilang isang kasambahay sa malaking mansyon ni thouyer. Naging ganoon parin ang pakikitungo ng lalai sa kanya ngunit hindi niya nalang ito pinpansin dahil alam niya na ang lalaki na mismo ang susuko para sa kanya. Habang nagpupunas ng mga gamit sa sala ay biglang dumating ang lalaki. Kaagad na napaiwas ng tingin si Maureen baka ano naman ang maisip niya sa lalaki. Sobrang napakamakasalanan ng kanyang mga mata. Hindi niya alam kung bakit ngunit ganoon talaga ang kanyang mga maiisip. “Bakit ka nag-iwas ng tingin Maureen? Nababastosan ka ba sa katawan ko?” tanong ng lalaki. Dahan-dahan niyang dinala ang kanyang paningin sa lalaki at nahihiyang tumingin rito. “Hindi naman po Sir Thouyer. Nahihiya l