Chapter 11: Pagtimpla ng Kape GABI nang maisipan ni Maureen na lumabas muna sa kanyang silid. Napagpasyahan na niyang sa kanyang silid nalang siya matutulog dahil iyon ang itinilagang room para sa kanya. Baka magalit pa si Thouyer sa kanyang bakit natutulog siya katabi si Cuticle gayong may sarili naman siyang lugar na matutulugan. Hindi na niya pinailaw ang mga ilaw sa loob ng mansyon. Kahit may takot ay nilakasan niya talaga ang kanyang loob upang makalabas lang ng mansyon. Gusto niyang magpahangin na muna dahil hindi siya makatulog. May aircondition naman sa loob ng kanyang silid ngunitn ibang lamig ang hinahanap ng kanyang katawan. Pagkabukas niya sa pinto ay mabilis na sumalubong sa kanyang ang malamig na simoy ng hangin. Naipikit ni Maureen ang kanyang mga mata at kumuha siya ng