Chapter 47: Takot HABANG kumakain ay panay yuko lang ng ulo ni Maureen. Nahihiya siyang tumingin sa dalawang kasama na noo’y masayang nagku-kwentuhan. Random thoughts lang ang mga iyon ngunit kung kaya’t paiba-iba ang mga ito ng kanilang usapan. Nang sumasakit na ang kanyang leeg sa kayuyuko ay kanyang napagpasyahan na tumingin paminsan-minsan. Nakuha ni Thouyer ang kanyang mga mata. Sa pamamaraan ng pagsubo at pagnguya ni Thouyer ay tila inaakit siya nito. Hindi iyon nakikita ni Cuticle dahil kumukuha lang ng sapat na pagkakataon ang lalaki upang hindi ito mahuli. Minsan ay natutuwa si Maureen sa pinagagawa ng lalaki sa pagkain. Ngunit hindi niya mapigilan ang mailang dahil alam niyang inaakit lamang siya ng lalaki. At kung bibigay siya rito ay alam niya kung ano ang magiging kahihinat