Chapter 48: Mga Istorya HABANG hinihintay ni Maureen na matapos ang kaibigan ay may kung anong pumasok na isipin sa kanyang isipan. Hindi niya inakala na sa pagdating niya dito sa mansyon ay sobrang daming bagay na nangyari sa kanya. Una, hindi niya maitatanggi na naisalba siya sa kahirapan buhat nang mamatay ang kanyang lola. Pangalawa ay ang mga nakikita niya sa kanyang isipan na hindi niya maipaliwanag kung ano ang mga iyon. Pangatlo ay ang kanyang nakikitang maliit na nilalang. Alam niyang hindi iyon mapanganib dahil si Thouyer na mismo ang nagsabi ngunit hindi niya pa rin mapigilang huwag mabahala! “Kanina ka pa ba dito?” tanong ni Cuticle nang lumabas ito sa galing sa banyo. “Hindi naman... sinundan lang kita dahil nag-aalala ako saiyo. Mukhang natakot ka o balisa, basta, hindi ko