Chapter 19: Napapadalas na Pag-iisip MAAGANG nagising si Maureen upang maglinis. Medyo nakalimutan niya na ngayon pala ang alis ni Thouyer at tatlong araw itong mawawala. Eksaktong paglabas niya ng kanyang silid ay siyang paglabas rin ng lalaki sa kwarto nito. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin dahil nahihiya siya sa lalaki. Unang pumasok sa kanyang isipan ang nangyaring halikan sa pagitan nilang dalawa at ang nakitang maliit na maligno at hindi niya na muna ito binigyan ng pansin. “May ipag-uutos po ba kayo sa akin, sir?” magalang niyang tanong nang makalapit ang lalaki sa kanyang harapan. “Wala, pakisabi kay Cuticle napaaga ang aking alis para mapaaga din ang aking pagdating sa aking pupuntahan” “Mag-iingat po kayo.” Nahihiya may tiningnan ni Maureen ang lalaki sa mga mata nito at mata