Chapter 2

991 Words
The Lounge hotel Baguio Makalipas ng halos ilang oras na paglalakbay ay nakarating din sila sa Baguio.  sa isang 5 star hotel sila nag check-in. kilala ito at talaga naman maganda kahit meron kamahalan ay dinarayo ito ng mga bisita at mga turista maging mga ibang lahi. Kumpleto ito sa mga gamit. meron itong sariling kusina sa loob, king size bed at malaking jacuzzi. Bea:"Ang ganda dito grabe! Parang hotel sa ibamg bansa ah!" Mangha talaga sila dahil sosyal na sosyal ang design ng kwarto. Gerald:"Oo nga sulit ang 10,000 per night dito free breakfast pa" Bea:"hmm sana masarap din ang food parang puro mamahalin din ang mga kainan dito haha mag jollibee nalang tayo  baka magamit ko pa ang manager's discount ko" Gerald:"Hindi ka pa ba nagsasawa? Mahigit 8 years na araw-araw ka roon?" Bea:"Bakit ako magsasawa? Kapag gusto at mahal mo kahit ilang taon pa ang dumaan dapat loyal" Gerald:"eh kumakain ka rin naman sa ibang fastfood ah?" Bea:"Oo pero para icompare lang hahaha bakit ikaw din noh!" Gerald:"Siyempre dapat din naman tumikim ng iba nakakasawa kung paulit ulit nalang" Bea:"So sa akin magsasawa ka rin pala" natahimik naman bigla si Gerald sa sinabi ng asawa. Bea:"Joke lang hahaha!" Napailing nalang ang lalake at inaya na muna na magpahinga ang asawa napagod din kasi siya mag drive. Nagpahinga lang sila ng konti at nag simula ng mamasyal. Halos lahat ng pwedeng pasyalan ay pinuntahan nila. Todo picture rin at video si Bea para maging alaala nila. Hindi nalang nila pinapansin ang mga buong mag anak na nakikita lalo na ang mga nag tatakbuhang mga bata para di sila mastress. Nag simba rin sila sa groto at mga simbahan na nadoon at humiling na sana ay dito mabiyayaan na sila agad ng anak. Mag gagabi na ng makabalik sila sa hotel kumain na muna sila sa resto na nandon bago umakyat sa kuwarto. Naunang naligo si Gerald Samantalang si Bea naman ay hinahanda ang isosoot ng asawa maging ang kanya. Nag dala siya ng mga sexy na nightwear para naman mas maging romantic ang gabi nila ng asawa. Matagal na rin na hindi sila nakakapag bakasyon na silang dalawa lang minsan kasi ay kasama nila ang mga kamag-anak o ang mga barkada nila sa mga outing. Pagkatapos ayusin ang mga damit ay sinindihan nuya ang mga scented candles at ginawang dim ang ilaw. Nag patugtog din siya ng mahinang violin music para mas maging sweet ang paligid. Pagkatapos ni Gerald maligo ay lumabas na ito. nakita niya ang mga ginawa ni bea natuwa naman siya at niyakap ang asawa pero  pinigilan siya nito. Bea: "wait maliligo muna ko love"  Agad naman kumalas si gerald at nakangiting umupo sa kama. Nagmadali naman naligo si Bea at nagpabango. Nag lagay din siya ng make up at inayos ang buhok. nang bigla meron siya parang naririnig na bumubulong nung una ay akala nya na sa shower lang pero ng dinikit nya ang tenga sa pinto ay narinig nyang parang kay gerald nanggagaling ito. Hindi niya pinatay ang shower dahil Gusto nyang malaman kung bakit parang bumubulong ito sa kausap. Mas dinikit pa niya ang tenga at bahagyang binuksan ang pinto. Nasilip niyang nakatalikod ang asawa at nakaharap sa bintana at parang seryoso sa kausap. Nang medyo nilakihan niya ang bukas sa pinto ay mas malinaw niya narinig ang mga sinasabi nito na kinabigla niya. (Pabulong habang may kausap sa cellphone) Gerald:"ano kaba? Tsk. sabi ng wag kang tatawag diba? alam mo naman kasama ko si bea baka marinig nya ko...Sorry hindi ko masagot ang tawag ang text mo. Maghapon ko kasama si Bea ayokong mag-isip siya ng masama naiintindihan mo naman di b? Please naman alam mo ang sitwasyon ko..basta tatawagan na lang kila...ano ka ba siyempre oo naman mahal kita... alam mo naman yun ...pero please...please huwag ngayon mas gugulo ang sitwasyon. Huwag ka magpaistress diyan baka mapano ang baby natin. Sige na matulog ka na please. Tsk Oh my gosh julie asawa ko si bea malamang magtataka yun kapag walang mangyari sa amin kaya nga kami nagpunta dito sa Baguio gusto namin magkaanak din. ..Okey okey i understand pero please unawain mo ako alam mo naman ang estado ko kasal kami. oo ikaw na ang mahal ko lalo na iyang magiging anak natin pero mahirap ang sitwasyon ngayon please sige na. naliligo siya baka lumabas na yon. Matulog ka na tatawagan kita agad kapag nakahanap ang ng tiyempo sige na ibababa ko na. please take a rest na i love you ingatan mo ang tiyan mo" tapos ay binaba na nito ang cellphone at napahilamos sa mukha nahiga na ito sa kama. Halos madurog naman ang puso ni Bea sa mga narinig agad niya sinara ang pinto ng at tumapat bigla sa shower ang lakas ng t***k ng puso niya sa narinig. nabasa at nagulo ulit ang buhok niya pati make up ay natanggal na rin. Para siya nauupos na kandila sa narinig. Gaano na siya katagal niloloko ng asawa niya? At tama ba ang narinig niya may anak pa ito dito? Ganoon na ba ito kasabik talaga na mag kaanak kaya naghanap na ito ng ibang babae na pwedeng mag bigay dito. Naiiyak siyang napaupo at tinanggal ang make up..nanginginig siya sa galit at sama ng loob pero maya maya pinilit niya tumayo at nagpunas ng towel kinuha na lang niya ang isa pang damit na pinagpilian at ito ang sinuot. Dahan dahan siya lumabas ng at pinilit na huwag ipahalata ang mga narinig. Tumabi siya sa asawa na agad naman siya niyakap at hinalikan. Buti nalang at madilim hindi nito napansin ang pag iyak niya. Nang gabi rin na iyon ay may nangyari sa kanila pero hibdi niya maenjoy gusto niya magalit, gusto niya magwala, gusto niyang kastiguhin ito at pagsasampalin sa galit na nararamdaman niya pero wala siyang maramdaman parang naubos ang lakas niya. Nakatulog na ang asawa pero siya ay tahimik lang na umiiyak hindi niya lubos na maisip na ang kagustuhan na magkaanak nito ay hahantong sa paghahanap nito ng ibang babae na pupuno ng pagkukulang niya. hanggang sa makatulog na rin siya na masama ang loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD