Chapter 1

1776 Words
Parish of the Holy Angel Nasa gitna ng misa si Bea kasama ang asawa na si Gerald pero hindi siya makapag concentrate sa pakikinig sa sermon ng pari dahil natutuwa siya sa baby na nasa harapan nya na karga ng ina nito. Tumatawa kasi ito kapag nag pe-peak a boo siya dito. Lumalabas pa ang mga dimples ng baby kaya lalong natutuwa si Bea sa tawa nito. Siniko naman ni Gerald ang asawa dahil nakakaagaw ng pansin ang ginagawa nito sa baby.  Ang lakas kasi ng tawa ng baby kaya napapatingin sa kanila ang ilang tao. May iba na nangingiti rin pero meron din nakasimangot dahil na di-distract at naiingayan. Nang makita ito ni Bea ay umayos siya ng upo at pinilit makinig sa sermon ng pari. Kahit patingin tingin pa rin sa kanya ang baby ay pinilit niya na hindi na ito pansinin napansin na rin kasi niya na masama na ang tingin ng ilan sa kanila. Pero masaya talaga siya kapag may cute na baby na nakikita. Ito na lang kasi ang kulang sa kanila ng asawa. Napatingin siya may Gerald seryoso lang ito na nakikinig sa Pari habang nag sesermon ito. Alam niya na deep inside ay sabik na rin ito na magkaroon ng sarili nilang anak. Sa limang taon kasi nilang pagsasama bilang mag-asawa ay hindi pa sila nabibiyayaan ng anak. Puro tanong na rin ang mga kapamilya at kaibigan nila kung kelan sila makakabuo. maging ang mga ka-batch nila noong highschool at college ay puro pang-aasar ang inaabot nila. Minsan pa nga napaaway si Gerald dahil may nagbiro na baka baog sila ng asawa o baka maunahan pa siya ng iba. Naawat lang ito bago pa lumala ang away. Kaya naisip niya na sensitive si Gerald kapag tungkol sa pagkakaroon ng anak. Pareho namang walang problema sa kanila ng asawa. Pinayuhan siya ng Ob-gyne na mag resign na sa trabaho para mabawasan ang stress nya. Kahit kasi monday to friday lang ang pasok nila ng asawa ay minsan ay hindi rin naman sila nagkakaroon ng quality time ng weedends dahil madalas ay may lakad sila kasama ang pamilya o mga kaibigan. Manager siya ng isang kilalang food chain sa bansa kaya hindi mawawala ang stress at pagod sa trabaho. Architect naman ang asawa nya sa sikat din na firm. Financially stable na sila may sariling bahay at mga sasakyan. Mayroon na rin silang mga apartment na pinapaupahan at mga franchise ng mga food stall. Handang handa na sila sa pagpapamilya kung tutuusin maski ang bahay nila ay may nakaready ng kwarto sa magiging mga anak nila. Naalala pa niya noon na ang plano nila ay kahit apat na anak lang dahil pareho silang only child kaya sabik din sila sa mga kapatid. Kaya nang magtayo sila ng bahay ay 5 kwarto ang pinagawa nila para sa paghahanda sa malaking pamilya na pangarap nila at may swimming pool at basketball court pa. Noong una ay hindi naman sila nag mamadaling magkaanak parang ini-enjoy nila na sila munang mag-asawa puro travel nga sila kung saan saan halos nalibot na nila ang buong pilipinas pati travel abroad ay nagawa na nila halos pabalik balik na nga sila sa Hongkong at Singapore maging sa Korea at Japan pero halos lahat ng friends nila ay may mga anak na samantalang mas nauna pa silang ikasal sa mga ito. Kaya minsan ay napapaisip na sila na dapat na rin silang magkaroon ng sariling anak. Pansin na rin niya na parang medyo nag iiba na rin ang asawa kahit hindi nito aminin ay nag aasam na rin ito na magkaroon sila ng sariling anak. Kapag nagninonong at ninang kasi sila ay nakikita na ang inggit sa mata ni Gerald. Maski naman siya sa palagay niya ay mas magiging masaya ang pagsasama nila kung meron na rin silang baby. Narinig niya minsan habang kausap ang mga barkada nito na sabik na sabik na ito na may bata sa bahay nila. Pansin din niya na kapag may dalang anak ang mga kaibigan ay kinakarga at nilalaro nito ayaw na nga minsan bitawan at gusto pa na mag-over night sa kanila. Kaya naman nag resign siya sa trabaho kahit na maganda ang posisyon niya doon ay ginagawa niya ang lahat para mabigyan na ng anak ito. Kahit inalok pa siya ng mas mataas na posisyon sa trabaho ay pikit maya niya itong tinanggihan alang ala sa pagkakaroon ng anak. Balak nga nila na magbakasyon sa Baguio ngayon para magkaroon ng time ulit  para sa kanilang dalawa. Baka dahil busy sa trabaho at kulang sa quality time kaya hindi sila nagkakaanak kaya minabuti nilang bigyan ulit ng oras na makapag relax at pamasyal silang dalawa. Nag leave si Gerald para magkaroon ng mas mahabang time na magkasama sila. Ikinatuwa naman niya ito dahil nag eeffort din ito na makabuo sila. Magkahawak kamay silang lumabas ng Simbahan pagkatapos ng misa. Kumaway pa siya sa baby kasama nito ang batang ina at ama nito na sa tingin niya ay nasa edad 15 o 16 pa lang. Napapailing siya na sumakay sa kotse ng makaalis ang mga ito.  Pagsakay ay hindi niya maiwasan maluha agad naman siya niyakap ng asawa ng makitang umiiyak siya. Gerald: "bea..mahal ano ka ba? huwag ka na umiyak. Alam ko magkakaron din tayo ng baby saka bata pa naman tayo di ba? Hindi naman tayo nagmamadali ibibigay din sa atin yan okey? Saka  mamayang gabi aalis na tayo kaya huwag mo palungkutin ang sarili mo para naman ma relax tayo pareho please?" Bea: "oo love..pasensya kana. naisip ko lang kasi yung mga teenager na iyon wala pang muwang nagkaanak agad parang mga wala pa nga trabaho o baka nag aaral palang pero tayo na handang handa financially at physically hindi pa mabiyayaan halos ginagawa naman natin ang lahat" sagot nito habang nag pupunas ng panyo. 28 years old na siya samantalang si Gerald ay 30 years old. Bata pa naman sila kung tutuusin maaga na sila nag asawa dahil 23 lang siya noon ang akala nga nila ay makakabuo sila agad pero umabot na ng 5 taon ay wala pa rin. sabik na talaga sila na makabuo. Nagsasawa na rin kasi sila sa mga tanong ng mga tao kung kelan sila magkakaanak. Madami rin kung ano anong tips na binibigay sa kanila o mga iinumin na herbal na pinasubukan sa kanya pero wala pa rin. kaya Umaasa sila na sana nga sa Baguio sila papalaring mag asawa na makabuo. Kumain lang sila ng breakfast at namili ng konting dadalhin na snack at gamit tapos ay bumiyahe na sila pa Baguio. Habang nasa daan ay naisip ni bea ang mga simbahan na pwedeng pagdasalan doon nag search siya at siniguradong mapupuntahan nilang lahat. Gumawa pa sila ng listahan para siguradong walang makakalimuta. 5 araw naman sila sa Baguio kaya maraming time na makalibot sila. Ramdam naman ni Gerald na stress talaga si Bea naaawa rin siya dito dahil maraming mga kaibigan nila pati kamag anak ang palaging nagtatanong kung bakit hindi siya mabuntis. Minsan ay sinabihan pa siya ng mga magulang na baka baog ang napangasawa na alam niya ay narinig ni Bea pero hindi na lang ito kumibo. Mahalaga sa magulang niya na magkaroon siya ng anak dahil only child lang siya. Alam naman niya na ginagawa ng asawa ang lahat pati nga pagsayaw sa Ubando ay ginawa nito pari pagsisimba sa Quiapo ng 9 na friday ay nagawa  nito. na touch nga siya na nag give up ito sa trabaho kahit alam niyang mahal ni bea ang kompanya na pinagtrabahuhan nito para lang magkaanak sila. Hindi nito tinaggaap ang mas mataas na posisyon o dobleng sahod na offer para lang huwag siyang umalis pero mas pinili nito na maging fulltime Wife. Naramdaman niya na may nag va-vibrate sa bulsa. Gusto sana niyang tignan dahil kanina pa sa simabahan ay wala ng tigil ang cellphone sa pagva-vibrate hindi nita kasi nilalagyan ng sound ang cell niya kahit na hindi naman nakikielam si bea. May privacy pa rin kasi sila ng asawa. Napatingin siya sa asawa nakatulog na ito kaya Nag focus nalang siya sa pag da-drive. Maya maya ay hininto muna niya ang sasakyan sa isang gasoline station nagising naman si Bea at nagpaalam na mag CR muna. Nilabas naman agad ni Gerald ang cellphone at napapa iling sa nakita.  100 miss calls at halos hindi mabilang na text messages pati chat sa messenger ang  natanggap. Agad niyang pinatay ang cellphone at itinago muna sa bag tapos ay bumaba para sundan si Bea. Habang nasa restroom si Bea ay narinig naman niya ang isang babae na umiiyak kaya kinatok niya ang isang cubicle kung saan nang gagaling ang naririnig na iyak. Bea:"Miss? Okey ka lang ba? May masakit ba saiyo? Gusto mo ba ng tulong?" Hindi naman ito sumagot  pero binuksan nito ang pinto at nagulat pa si Bea dahil parang nasa 13 o 14 years old lang ito. Mugto ang mata nito sa pag-iyak at may hawak itong pregnancy kit. Alam na ni Bea agad kung bakit umiiyak ang dalagita. Napapailing na kinawakan niya ang kamay nito at hinila sa may lababo. Naghugas ng kamay ang dalagita na patuloy sa tahimik na pag luha. Bea:"alam na ba ng magulang mo yan?" Umiling ito tapos ay nagpunas ito ng pisngi na puno ng luha at sipon. Bea:"anong pangalan mo?" Zita:" Zi-zita po.." Bea:"Zita sa pregnancy kit na hawak mo patunay na buntis ka kaya dapat malaman ng magulang mo yan kailangan mo ng suporta saka teka anong ginagawa mo dito sa gasoline station?" Zita:"boyfriend ko po yung isang gasoline boy dito..naglayas po ako sa amin noon nung sumama po ako sa boyfriend ko" Bea:"bakit ka naglayas para sumama sa boyfriend mo? Hay nako mga kabatan nga naman masiyadong marupok. Eh alam na ba niya na buntis ka?" Zita:"opo pero ayaw po niyang panagutan" nagsimula na naman itong umiyak ng umiyak. Naaawa si Bea sa dalagita napapailing nalang siya buti pa ito ay magkakaanak na kahit hindi pa handa samantala siya naka ready na nga ang kwarto ng magiging baby nila pero ilang taon na siyang umaasa. Naputol ang pag uusap nila ng makita si Gerald sa labas ng restroom. Dumukot lang siya ng isang libo sa bag at inabot sa dalagita tapos at nagpaalaam na siya dito. Nagpasalamat lang nag dalagita pero nakita niyang nagpatuloy sa pag-iyak. Gerald:"Ano yun love? Sino yon?" Bea:"ah yun ba umiiyak eh nalaman niya na nabuntis siya nung isang gasoline boy dito ewan ko ba hindi pa mga handa pero nakakabuo agad buti pa sila mapapa sana all ka na lang" Gerald:"huwag mo na pansinin tara na mahaba pa ang biyahe" Bea:"Ay Love pahiram naman ng Cellphone mo may titignan nalang ako pwede?" Napatigil naman si Gerald hindi pa niya nabubura ang mga calls,text at chat sa kanya. Gerald:"Naku love low battery na ako" Bea:"Okay lang sige tara na" Sumakay na sila sa kotse at nagpatuloy sa paglalakbay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD