Chapter 3

997 Words
Kinabukasan ay sinadya ni bea na maunang magising kesa sa asawa na mahimbing pa rin ang tulog. Halos hindi nga siya nakatulog ng maayos. Nawala ang ganda ng paligid parang pakiramdam niya ay nasa isang lugar siya na puro kalungkutan. Alas tres pa lamang pero gising na gising na ang diwa niya. Bumangon siya ang bigat ng dibdib niya parang may nakadagan na malaking bato.  Naalala niya ang narinig kagabi. Totoo ba iyon? O panaginip. Pinag dasal niya na sana nga ay hindi totoo nag narinig at guni guni lang niya. Mahal siya ni Gerald. Tinignan niya ang asawa tulog pa ito. Dahan dahan siya bumaba sa kama at kinuha ang cellphone ni Gerald. Sinubukan niya itong buksan pero iba na ang password nito. Napapailing na nag iisip siya kung bakit nito pinalitan mukha talagang may tinatago ito kaya nagpalit ito. Pero nanghula pa rin siya ng nanghula at buti nalang ay birthday ng mama nito ang ginawang bagong password. Malakas ang kabog ng dibdib ni bea nang mabuksan ang cellphone ng asawa, panay ang lingon niya kung gising na ito hindi niya kasi ugali na makielam sa mga gamit nito maski wallet kahit noong mag boyfriend palang sila pero sa narinig niya kagabi ay gusto niyang mas mapatunayan kung tama nga ang narinig niya. Hindi niya matanggap na sa 5 taon nila bilang mag asawa at halos 10 taon bilang mag boyfriend ay magagawa nitong lolohin siya. Hindi gaanong Gerald ang kilala niya galit pa nga ito sa mga cheater at mga lalakeng iresponsable sa pamilya o mga nananakit sa asawa. Nangako rin ito sa kanya sa harap ng altar na hinding hindi ito mambababae o titingin man lang sa iba. Kahit noong hindi pa sila kasal ay hindi nito nagawang magloko kaya Pinanghahawakan niya ang pangako nito sa harap ng diyos na tanging siya lang ang babaeng mamahalin nito habambuhay. Binuksan niya muna ang text messages nito at hinahanap ang julie pero wala kaya chineck niya ang call logs nito at ang huling na recieved nito ay sa pangalang jules. Malamang pinalitan nito para hindi siya mag hinala kung sakali. Agad niya binalik sa text at meron ngang jules doon. Muli siya naiyak at napaupo sa sahig dahil sa mga nabasa sa mga text nito sa babae. Puro i love you o i miss you ang palitan ng dalawa. Pinuntahan naman nya ang sss messenger nito at halos ganun din.  Binuksan nya ang sss profile ng babae at nakita niyang may itsura ito at mukhang mas bata sa kanila ng asawa at ang mas nakakalungkot ay buntis nga ito. Hindi pamilyar ang babae pero malamang ay katrabaho nito o nakakasama sa mga project. Kaya malaamang nagkikita ito at ang asawa ng madalas dahil parang close ang mga ito. Kinopya nya ang number ni julie at sinave sa sariling cellphone dali dali niyang binalik ang cellphone ng asawa sa side table nanginginig ang tuhod na tumakbo papasok sa cr at doon umiyak ng umiyak. Yung akala niya na masaya nilang bakasyon ay sakit at hinagpis pala ang mararamdaman niya. Sobrang excited pa naman siya na magpunta sila dito dahil magkakaroon sila ng quality time sa silang dalawa lamang. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang silbing asawa at kwentang babae dahil hindi niya mabigyan ng anak ang asawa. Sinisisi niya ang sarili kung bakit naghanap ito ng iba na makakapag bigay ng inaasam nitong anak. Ang tanga tanga niya na hindi maramdaman na niloloko na pala siya nito. Ang galing nito magkunwari na walang iba pero nakabuo na pala ito sa iba at minamahal na rin niya ang babae. Napasabunot siya sa sarili. Alam niya na hindi siya perfect pero ginagawa niya ang lahat. Iniwan niya ang career at ginustong maging full time wife at maging ina sa magiging anak nito pero kulang pa rin pala. Nang medyo mahimasmasan ay naligo na siya at nag ayos. Pinasigla niya ang sarili Pinilit niyang pagaanin ang nararamdaman. Nang sa tingin niya ay mas okey na siya ay Parang wala lang na lumabas na siya ayaw niyang mahalata ng asawa na alam na niya ang kalokohan nito. Galit man siya dito ay hindi niya kayang mawala ang asawa. Mahal na mahal niya si gerald. Ito ang lalakeng pinangarap niyang makasama hanggang pagtanda. Balak din niyang kausapin ang babae pag balik nila ng manila para alamin ang relasyon ng dalawa at kung ano ang estado nita malamang ay nilandi lang nito ang asawa. Hindi niya namalayan na gising na pala si gerald dahil tulala siyang nakaupo sa kama sa malalim na pag iisip.niyakap siya nito mula sa likod. May kirot sa puso na naiisip niya na may ibang babaeng  nayayakap at halikan ang asawa at sa narinig niya ay mahal na nito ang kabit kesa sa kanya. Pinilit niyang ngumiti dito. Pinigil niyang tumulo ang luha. humarap siya sa asawa at yumakap. Kung pwede lang na mag magic siya na magkaroon ng anak sa tiyan siguro ay hindi na siya magagawang lokohin ng asawa yun lang naman ang nakikita niyang dahilan kung bakit nagawa nitong magloko at mag hanap ng ibang babae. Gerald:"okey ka lang ba love? Parang maputla ka?" Bea:"na-namahay lang siguro ako" Gerald:"Sure ka? sige maligo muna ako para makapasyal pa tayo okey" Bea:"Sige" Tumayo na si Gerald nagkunwari naman na busy si Bea nag kakalkal ng maleta nakita niyang kinuha nito ang cellphone at kasama na pumasok sa CR. Sumunod siya sa CR at tinapat ang tenga sa pinto pero malakas nag shower kaya hindi niya marinig. Nakalock din ang pinto kaya bumalik nalang siya sa maleta ay pumili ng susuotin. Nilabasan na rin niya ng damit ang asawa. Nang biglang maisip na imiss call ang number ni julie agad niyang kinuha ang sariling cellphone at ang dial.  Napapikit siya ng mag busy ang line nito agad niyang tinapos ng tawag at number naman ni Gerald ang tinawagan at tama siya ng hula busy line rin.  Naibato niya sa kama ang cellphone sa inis. Pinunasan niya ang luhang bumabagsak sa mukha. Hindi siya papatalo dapat ay malaman niya kung sino ang babae. Hindi siya papayag na sisirain nito ang pagsasama nila ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD