Malungkot na pumasok si Bea sa simbahan at diretso siyang lumuhod sa harap ng altar. Napaluha siya ng maalala ang narinig ng nakaraan gabi sa asawang si Gerald at sa kabit nito.
Hindi niya alam kung saan ba siya nagkulang dahil ginawa niya ang lahat ng paraan na kaya niya. Alam niyang ang pagkakaroon lang ng anak ang dahilan ng pambababae ni Gerald.
Napikit siya habang tahimik na lumuluha. Gusto na niyang magwala pero alam niyang may kasalanan rin siya. Kung bakit ba naman kasi sa dinami dami ng babae ay siya pa ang nahihirapan na makabuo. Bakit siya pa ang hindi biniyayaan.
Alam niyang kaya niyang maging mabutin ina para sa magiging anak handa nga siyang igive up ang career na matagal din niyang pinaghirapan.
Napansin na ni Gerald ang impit niyang pag-iyak kaya lumuhod rin ito sa tabi niya at hinawakan ang balikat niya.
Gerald:"Love?" Bulong na Tanong nito. Pinunasan naman niya ang luha at umupo na. Ayaw niyang malaman nito na may alam na siya.
Gerald:"Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak? May masakit ba saiyo?" Gusto niya sana sabihing dahil sa'yo pero pinili niyang umiling nalang at punasan ang pisngi ng panyo.
Bea:"Humiling lang ako na sana bigyan na tayo ng anak. Matagal na kasi tayong nagsasama pero hanggang pangarap pa rin tayo.. nakakapagod na"
Gerald:"Bea..Huwag mong palungkutin ang sarili mo nandito tayo para makapag relax diba?" Tinignan niya ang asawa.
Lalo siyang naiinis dahil kaya pa rin siyang tignan nito sa mata sa kabila ng pangloloko nito.
Bea:"Gerald.. Kelan kaya tayo magkakaanak? O MagKaka anak pa kaya tayo?" Natahimik naman ang lalake. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan.
Gerald:"Ibibigay din sa atin 'yan kaya huwag mo na masyadong isipin ang mahalaga hindi naman tayo nawawalan ng pag-asa"
Bea:"Paano kung..kung hindi ako magkaanak? Paano kung talagang hindi tayo mabibiyayaan?" Tumingin sa altar si Gerald saka ulit tumingin sa kanya.
Gerald:"Kung ganoon.. wala tayong magagawa" lalong nalungkot si Bea.
Bea:"I-iiwanan mo ba ako kapag nangyari 'yun?" Tumulo ang luha niya habang sinasabi parang may nakabara sa lalamunan niya.
Gerald:"Bea, kasal tayo sabi nga diba for better or for worse. Bakit kita iiwan?"
Bea:"Pero matagal mo ng gustong magkaanak!"
Gerald:"Bea.."
Napaiwas ng tingin si Bea. Malamang kaya parang balewala na dito na hindi sila magkaanak ay dahil meron na itong hinihintay.
Nag stay pa ng ilang minuto sa loob ng simbahan ang mag-asawa saka nag aya si Gerald na maglakad lakad at umakyat sa Grotto.
Pagod man ay medyo naaliw na rin si Bea habang magka holding hands silang umaakyat papunta sa tuktok ng Grotto.
Bigla naman siyang binitawan sa kamay ng asawa ng makitang may kasalubong na buntis na pababa para kasing nahilo ito agad naman itong inalalayan ni Gerald.
Napatingin si Bea sa asawa sobrang alala nito sa buntis na babae na hindi pa naman kalakihan ang tiyan. At lalong hindi naman nila kilala.
Gerald:"Miss? Okay ka lang? Bakit umakyat ka pa dito? Baka mapano ka! Nasaan ang kasama mo?" Sunod sunod nitong tanong. Napansin ni Bea na medyo bata pa ito.
Buntis:"Ah kasi po akala ko kaya ko pang umakyat. Hiniling ko kasi sa Grotto itong baby ko kaya nagpasalamat lang ako na tinupad na. Isang taon na kasi kaming nag aantay ng asawa ko eto nga binigay na kaya lang parang bigla akong nahilo"
Gerald:"Nasaan ang asawa mo?" Luminga linga pa ito.
Buntis:"Ah nasa abroad na po kakaalis lang kailangan para sa baby"
Gerald:"Paano? Sinong kasama mo? baka mapano ka? Ano hatid kita sa baba?" Napasimangot si Bea. Parang nakalimutan na siyang kasama nito. Nakita naman siya ng babae.
Buntis:"Naku! hindi na po. Okay na ako. Nasa baba yung mga kasama ko. Salamat po!"
Gerald:"Sure ka ha? Pwede kitang ihatid baka mahulog ka pa" Nainis na si Bea kaya tinuloy na niya ang pag-akyat kahit wala ang asawa.
Buntis:"Hindi na po talaga. Okay na ako promise!"
Gerald:"Okay, sige ingat" tumalikod na ang buntis at humawak na lang sa gilid.
Gerald:"Tignan mo love pambihira buntis na gumagala pa" Sabi nito sabay lingon sa magkabila dahil wala ng siyang kausap.
Malayo layo na ang naakyat ni Bea at halos aabot na siya sa tuktok ng Grotto. Pumikit siya pagdating sa taas at nag alay ng dasal. Napaluha na naman siya.
Naisip niyang malamang ganun din ang asawa sa nabuntis nito o baka mas maingat pa nga dahil anak nito talaga ang dinadala.
Gustong niyang humagulgol ng malakas kung wala lang ibang tao na naroon. Humabol naman ng akyat si Gerald.
Gerald:"Bea!"
Narinig niya ang tawag ng asawa kaya pinunasan na niya ang mata at pinilit magin okay.
Gerald:"Bigla kang nawala love!"
Bea:"Ah! Busy ka kasi dun sa buntis kaya nauna na ako" Nagsindi siya ng kandila.
Gerald:"Hindi naman, kasi yung buntis walang kasama. Nakita mo love nahilo baka mahulog kawawa naman yung baby ang hirap hirap pa naman bumuo-" Napatigil ito ng salita ng mabitawan nito Bea ang posporo na hawak.
Gerald:"I mean-"
Bea:"Umuwi na tayo" Tumalikod na ito at nag umpisa ng bumaba. Humabol naman si Gerald at humapit lang sa braso niya.
Gerald:"Wala akong ibig sabihin bea"
Bea:"I'ts fine"
Pagkauwi nila galing pamamasyal sa grotto ay sinabi niya agad sa asawa na gusto na niyang umuwi agad dahil tagalang hindi na siya nag eenjoy.
Bea:"Gerald umuwi na tayo"
Pilit na pilit na nga ang pag ngiti niya sa mga picture at video na kuha ng asawa. Kapag nakakakita pa siya ng buntis ay parang natutulala siya at naalala ang mga narinig na pag uusap ng asawa at ng kabit nito.
Pinapakiramdam din niya ang asawa dahil ilang beses itong nagpupunta sa banyo pero ang hinala niya ay baka nagcha-chat o text lang ito sa kabit nito. Kinakamusta siguro nito ang lagay ng babae at ng tiyan nito kaya lalo siyang nawawalan ng gana sa lakad nila.
Ilang beses din niya sinabi kunwari na pahiram ng Cellphone nito dahil mas malinaw ng camera nito pero sinabi nito na may camera naman talaga sila yun na ang gamitin. Kahit anong pilit niya at hindi nito binigay.
Gusto na niya komprontahin ito sa inis pero sobrang pagtitimpi ang ginagawa niya para lang pakalmahin ang sarli.
Nakita pa niya ito na nakatingin sa mga pangbaby na damit at parang gustong bumili. Lalo siyang nanggagalaiti dahil ang isip nito ay nasa kabit nito.
Kaya kinabukasan ay nagsimula na siyang mag ayos ng mga gamit para umuwi. Takang taka pa ang lalaki dahil talagang halos sabog sabog ang paglalagay niya ng mga damit sa maleta.
May halong pagdadabog pa ito at pinagpatong patong nalang ang nga damit na hindi na tinupi at ilang pasalubong parq sa pamilya at mga kaibigan.
Gerald: "Sigurado ka bang gusto mo na umuwi agad love? Marami pa tayo pwedeng pasyalan at puntahan na mga simbahan saka tourist spot dito madami ka pa sa listahan na hindi natin napuntahan eh. saka yung ibang pasalubong baka gusto mo pa na dagdagan alam mo ba baka mabitin pagdating natin ang dami pa naman natin bibigyan" yumakap pa ito sa kanya sa likod pero kumalas siya at pinagpatuloy ang pag iimpake ng gamit.
Bea:"Hindi na"
Kumamot lang ng ulo ang lalake at tumulong na rin sa pagbabalot nila.
Bea: "Uuwi na tayo may gagawin kasi akong importante isa pa nagpapasama kasi si mama magpa check up umaatake na naman yata yung rayuma niya alam mo naman 'yon hindi nagsasabi kung hindi talaga malala na ang nararamdaman saka..Gerald parang nabored na rin ako dito. Ikaw din marami ka pa dapat gawin diba? Saka okay na yung mga nabili natin na pasalubong nila pwede na yun sa kanila"
Gerald:"O sige pero Okay lang ba si Mommy?"
Bea:"Sa ngayon okay pa ewan ko pag-uwi natin" Gusto niyang sabihin malamang mahihighblood pag sinabi niya ang kalokohan nito. Baka atahikin ito ng tuluyan.
Nagiimpake na agad ng mga damit at gamit ang mag-asawa buti nalang ay nakabili na sila ng mga pasalubong sa mga pamilya at mga kaibigan pagkadating pa lang nila doon.
Nawala na kasi ng gana talaga si Bea sa bakasyon nila. Gustong gusto niya magwala at magalit sa asawa pero pinipigilan niya ang sarili.
Alam din niya na hindi ito aamin kahit may evidence na siya na nakita at narinig. Ganun naman ang lalake kahit nahuli na tatanggi pa.
Parang kating kati narin kasi siyang makita ng personal ang babae. Gusto niya itong sabunutan kung hindi lang buntis ito na lalo pang nagpapainit ng ulo niya.
Hindi nalang sila nag ampon kung talagang gusto nitong mag kaanak matatanggap pa niya hindi yung maghahanap pa ito ng babae na pwedeng magbigay dito. Ang laking tapak sa p********e niya.
Sobrang nasaktan talaga ang ego at pride niya bilang babae. Pakiramdam niya ay wala siyang silbing asawa para mabigyan ng anak ang asawa.
Sa dami ng simbahan na hiningan niya ng anak at doctor na kinunsulta ay parang nabalewala mula ng malaman niya na niloloko siya ng asawa.
Naisip tuloy niya na baka hindi ito ang unang beses na nagloko ito. Baka matagal na o kaya ay iba't ibang babae na ang naging karelasyon nito.
Baka kahit noon pang unang taon nila ng pagiging mag asawa o noong pang magboyfriend pa lang sila ay nakikipag relasyon na ito sa iba.
Gusto nang tumulo ng luha niya pero agad siyang tumalikod para punasan ito. Ayaw niyang malaman ni Gerald na alam na niya parang hindi pa niya kaya na harapan itong aamin ng pangloloko nito.
Mahihimatay siguro siya pagnagkataon. Baka anong magawa niyang mali kapag mas pinili nito ang babae kesa sa kanya. Kaya hanggang maaari ay ayaw muna niyang kausapin ito ng tungkol sa babae.
Gerald:"Bored? Love naman bakit? Ayaw mo ba ako makasama ng mas matagal kasi kaya nga tayo diba nagbakasyon para sa quality time natin dalawa? kasi pagbalik busy na naman lalo na ako alam mo naman sa trabaho ko hindi pwedeng hindi matapos kapag may project. Lalo ang daming pending ngayon baka matagalan na naman na magkaroon tayo ng time na ganito. Diba matagal mo na din na gustong magkaroon tayo mahaba habang pahinga? Saka sayang ang mahal ng bayad natin dito baka hindi na marefund"
Napaismid si Bea sa sinabi nito. Busy? Baka busy sa pangbababae. nag ngingitngit pa rin ang loob niya pagnaaalala ang palitan ng chat at text ng mga ito. Gusto niyang sampalin at suntukin ang asawa na kung umasta akala mo ay inosente at walang ginawang kagaguhan.
Ang amo ng mukha nito pero gago rin pala. Ang hirap na talaga magtiwala ngayon kung sino pa ang inaakala mong hindi gagawa ng kagaguhan ay siya pang nangunguna.
Gusto niyang pag untugin ang lalake at ang kabit nito. Hindi na ito ang Gerald na nakilala at minahal niya bukod sa niloko na siya nito ay nagsinungaling na ito na hindi naman nito dating ginagawa.
Sa loob ng sampung taon na magkasintahan sila at limang taon bilang mag-asawa ay ngayon lang siya nagduda dito.
Ang galing pala nitong magtago ng sikreto at kalokohan sa kanya. Wala man lang siya naramdaman na kakaiba. Pati kaya ang mga kaibigan nito ay may alam? Pakiramdam niya tuloy ay pinagkakaisahan siya ng mga ito.
Naisip niya ang mga pasurprise nito kapag anniversary nila kaya siguro bongga lagi at mamahalin o kapag birthday niya dahil bumabawi ito.
Ang mga regalo o mga bulaklak na binibigay nito parang suhol lang pala sa mga kasalanan nito.
Gusto niyang itapon lahat ng mga stuff toy at mga pinatuyong bulaklak na tinago niya na bigay nito. Malamang ginagawa rin nito sa ibang babae.
Kaya siguro parang may bumubulong sa kanya na ayain itong mag bakasyon para siguro malaman niya ang panloloko nito.
Naisip pa niya baka ayaw siya bigyan ng anak ng Diyos dahil sa asawa niyang babaero.
Kaya Hindi nito tinutupad na maging ina siya ay dahil sa asawang manloloko. Siguro ay ayaw siyang gawan ng ikasasakit lalo ng loob.
Bea:"Kung sabagay mas magiging busy ka lalo sa kanya ngayon diba?" Napatingin naman si Gerald sa asawa.
Gerald:"Ha? Ano love?" Napatingin ito sa kanya na parang kinakabahan.
Bea:"I mean sa company niyo lalo na ikaw yung napupusuan sa Vice president position. Mas magiging busy ka lalo. Lahat ng focus mo doon na mapupunta."
Gerald:"Ah oo nga love eh. Sana ako ang mapili kaso Malamang p*****n sa trabaho na naman."
Bea:"Sana huwag ka mawalan ng time sa akin. Sana ako pa rin ang piliin mo"
Gerald:"Oo naman promise every weekend lalabas tayo at palagi pa rin ako kukuha ng leave para may quality time tayo"
Bea:"So weekend kalang pala sa akin. Kapag weekdays sa kanya ka..i mean sa trabaho"
Gerald:"Love okay ka lang ba? Para satin naman yun mas malaking income ang papasok diba gusto mong bumili ng mga property sa iba't ibang lugar at tayuan ng mga resthouse. Umm.. Bea Pansin ko mula kanina parang wala ka na sa mood. Hindi ka nga mukhang nag-eenjoy may problema ba?"
Bea:"Problema? Wala naman saka Sabagay mas need mo ng financial ngayon. O siya tara na alis na tayo mahaba pa ang biyahe natin"
Gerald:"Sure ka na talaga ha? Magchecheck out na tayo"
Bea:"Oo sigurado na ako..alam mo parang nagsisisi ako"
Gerald:"Saan?"
Bea:"Sa pagreresign ko sa trabaho"
Gerald:"Love naman ginawa mo 'yun para mawalan ka ng stress diba? Saka Payo ng doctor para mabuntis ka"
Bea:"Oo nga kaso kasi kung gusto kasi talaga ng lord na bigyan ako ng anak kahit nagtatrabaho ako ibibigay 'yon tulad ng sa iba at isa pa.."
Gerald:"Ano?"
Bea:"Para kasing hindi ka na excited magkaanak tayo"
Natahimik naman si Gerald napatingin nalang ito sa mga Gamit nila kung sabihin na kaya niya sa asawa ang lahat? Pero natatakot siya sa magiging reaction nito.
Gerald:"Magpipilit ba akong mag leave sa boss ko kung hindi ko gustong makaroon tayo ng anak? Alam mo naman matagal na natin yun pangarap"
Bea:"Baka kasi sawa ka ng maghintay. Baka nawalan ka na ng pag-asa sa akin"
Gerald:"Love naman. Huwag ka naman ganyan" yayakapin sana siya ulit niyo pero umiwas siya. Baka kasi madulas siya at masabi dito ang narinig kagabi.
Feeling nga niya psychologist na ang kailangan niya sa ngayon. Para kasing nagkaroon na siya ng anxiety mula ng marinig ang usapan nito at ng kabit.
Bea:"Sige na mag-ayos na tayo"
Nagpasya nang mag-aya na umuwi si bea kahit pa wala pa silang tatlo araw sa Baguio. gustong gusto na kasi niya mag imbestiga tungkol sa babaeng si Julie na nalaman niyang kabit ng asawa. Gusto niya malaman kung bakit ito nagustuhan ng asawa. Gusto din niya makita na buntis nga ito talaga. Kung anong meron ang babaeng iyon na ginusto ni Gerald.
Alam niyang mataas din ang standard ng asawa dahil bukod sa mataas ang pinag-aralan nito, gwapo at may kaya ito sa buhay.
Hindi basta bastang babae ang papatulan lang nito malamang kung hindi katrabaho ay kapareho nito ng antas sa pinag aralan. Alam niyang hindi ito papatol sa mga low class lang na babae pero hindi nga ba?
Kung totoo man na mahal niya ito kesa sa kanya ay ewan niya kung ano ang magagawa niya sana lang talaga panaginip lahat ng narininig niya sobrang sakit na isipin na may iba ang asawa pero mas masakit na may anak na ito dito na hindi nya maibigay.
Para siyang pinagsasampal ng paulit ulit sa puso sa sobrang sakit. Halos hindi siya makakain dahil parang may nakabara sa lalamunan niya.
Gusto niyang umiyak at magsisigaw hanggang mabawasan ang sakit na nakadagan sa dibdib.
Kung totoo man ang genie o fairy gusto niyang humiling na bigyan na rin siya nito ng anak para naman maisalba niya ang pagsasama nila.
Naiisip kasi niya na baka dumating ang time na mas piliin na nito ang babae at anak nito dito kesa sa kanya na walang silbi.
Wala siyang laban kung anak na ang pag-uusapan dahil alam niya na mas gugustuhin ng asawa na may lumaking ama ang anak nito.
Mababalewala ang mahigit 15 years na pagsasama nila dahil sa isang kabet na naanakan nito. Matinding kahihiyan ito sa parte niya. Siya pa ang lalabas na kawawa pag nagkataon.
Alam niyang pagtatawanan siya ng ibang tao at pagchichismisan. Siya pa ang masisisi dahil sasabihin na wala kasing napalang anak ang asawa sa kanya kaya naghanap ito ng iba.
Mabibigyan pa ng justification ang pambababae nito dahil sa kagustuhan nitong magkaroon ng anak.
Alam naman niyang kahit magulang ni Gerald ay parang medyo nag-iiba na rin sa kanya dahil puro tanong na ang mga ito kung bakit hindi siya magkaanak. Parang kasalanan pa niya kung bakit hindi sila makabuo.
Nanghihinayang tuloy siya sa trabaho niya kung mas nauna pa niya na nalaman na nagloloko na ito ay hinding hindi siya magreresign agad para naman meron pang matira sa kanya.
Kapag kasi dumating ang time na piliin nito ang babae ay maiiwan siyang mag-isa. Hindi niya alam kung paano magsisimula ulit.
Umaga pa ng makarating sila sa bahay nila nang mag paalam siya kay gerald na may pupuntahan. gusto sana siya samahan pero sinabi nalang niya na magpahinga ito dahil napagod itong mag drive.
Bea:"Hindi na maiwan ka na dito pupunta lang ako kila mama tapos dadaan lang kita Ara bibigay ko mga pasalubong nila. Matulog ka na muna pagod ka sa haba ng binyahe natin"
Pumayag naman si Gerald dahil sumakit ang katawan at maya niya sa ilang oras na pagmamaneho nito.
Gerald:"Umuwi ka agad para makapag pahinga ka rin. Iidlip muna ako. Ikamusta mo nalang ako sa kanila"
Bea:"Oo sige"
Gerald:"Okey, bye love"
Akala yata ni Gerald ay nakaalis na si Bea pero hindi niya tuluyan sinara ang pinto nakita ng babae na tumayo ang lalake kinuha ang cellphone nito at parang nag dial.
Malungkot na umalis si Bea. Imbes magpahinga ay uunahin pa nito na tawagan malamang ang kabit nito para siguro kamustahin ang pinagbubuntis nito.
Sinubukan ni Bea na idial ang cellphone ng asawa pero busy kaya hinanap niya nag number ni julie pero ganoon din sa babae busy rin.
Umiiyak na nagdrive si Bea papunta sa hospital. Magulo talaga ang isip niya parang sasabog sa bigat.
Unang pinuntahan ni Bea ay ang doctor niya sa hospital na pinag checheck-up pan nila.
sinabihan naman siya ng doctora na may chance syang mag kaanak. hindi nga lang ganun kadali dahil mababa ang matres niya pero hindi sya baog at dahil sa nalaman medyo lumuwag ang isip at pakiramdam nya.
Sinabi rin nito na aalagaan siya nito hanggang sa makabuo siya. Maraming testomonial na pinakita ito na maraming tulad niya ang nabubuntis basta alaga sa gamot at check up. Sobrang pasasalamat niya dito kaya naman mas naging kampante siya.
Sinabi nito na marami pang mga gamot at procedure na pwede nilang gawin para matulungan siyang mag-kaanak.
Napaisip tuloy siya willing pa kaya na sumubok si Gerald ng mga procedure ngayong magkakaanak na ito? Baka mawalan na ito ng gana na samahan siya na magpunta sa Ob-gyne dahil magiging busy na ito sa bago nitong mag-ina. Malaki kasi na ang nagastos at magagastos pa nila sa trial at error na mga procedure.
Dra Soho:"Nasaan nga pala ang asawa mo? Palagi mong kasama 'yon diba?"
Bea:"Ah kakauwi lang kasi namin Doc galing Baguio nagpapahinga, siya kasi nag drive"
Dra Soho:"Oh Good. Good! atleast sinunod niyo ang payo ko palaging magkaroon ng quality time at bakasyon"
Napangiti lang si Bea. Bakasyon na naging daan na malaman niya ang panloloko nito.
Bea:"Sige Doc mauna na ako next time pagusapan natin ang mga pwede pa natin gawin"
Dra Soho:"Sure thankyou sa pasalubong"
Bea:"Welcome sige Doctora"
Dra Soho:"Huwag kang mawalan ng pag-asa Bea" Ngumiti lang si Bea at umalis na sa clinic nito.
Sunod niya na dinalaw ang mga kaibigan at kapamilya nanlibre siya ng lunch sa mga ito at binigay ang mga pasalubong.
Hindi nalang niya sinabi ang problema nila gerald at nung hinanap ng mga ito ang asawa sinabi nyang nag papahinga ito dahil galing sila sa honeymoon sa baguio.
Puro pang aasar ang mga sinasabi nito baka doon na sila makabuo. Sinasabi niya na lang na sana nga.
Mommy niya:"Naku anak sana naman ngayon ay magka apo na kami para naman hindi palaging daddy mo lang ang kasama ko hahaha"
Daddy niya:"Oo nga naman para naman meron na rin kami hinatid sa school habang 50 palang kami anak. Mahirap na yung matanda na kami hindi na namin mabubuhat"
Mommy:"Isa pa alam mo naman di ba pag tuntong ng 30 ng babae ay dapat makapag anak na para hindi ka hirap anak"
Ara:"Naku tito malay niyo next month may goodnews na! Never say Die dapat! Saka wala naman sa edad po iyan! Meron nga ganyang case na natatagalan pero pagnakabuo ayun boom sampu agad!" Natawa naman sila sa sinabi nito.
Si Ara ang bestfriend ni Bea mula pa noong Gradeschool family friend kasi nila at kapitbahay ang mga ito.
Alam nito ang hirap niya sa mga check up at mga ginagawang procedure para magkaanak.
Nagpapalakas din ito palagi ng loob niya kapag nawawalan na siya ng pag-asa na magkaanak. Sinasabi nga nito nanbuti nga siya may asawa na kesa dito na Single pa rin.
Gusto na nga niyang aminin dito ang pagloloko ng asawa dahil parang ramdam nito na may iba sa kanya kilang kilala siya nito kaso alam niyang madaldal ito at malamang ay aawayin si Gerald baka lumaki lang ang gulo.
Gusto na niyang isumbong ang mga nalaman pero nagpigil siya ng sarili dapat ay may mas matibay siyang ebidensiya isa pa baka magkagulo lang mas masisira ang pagsasama nila.
Alam niyang hindi papayag ang magulang niya na lokohin siya ng ganun ng asawa. Pinalaki siya ng mga itong spoiled at hindi man lang sinasaktan lalo ng Daddy niya.
Baka rin maatake ang mga ito kapag nakitang umiiyak siya kaya pinilit niyang pasiglahin ang sarili na parang walang problema.
Dahil sa konting oras na kasama ang pamilya at kaibigan medyo lumuwag na ang bigat sa dibdib niya pero kailangan pa din niya malaman ang totoo at makakuha pa ng ibang impormasyon.
Pagkatapos ay Pumunta siya sa isang coffe shop na malapit sa bahay ni Zanjoe ang bestfriend ni gerald mula pagkabata at katrabaho. alam niyang hindi maglilihim dito ang asawa. Isa pa ay kasama ito ng asawa ng mas matagal sa araw araw sa opisina.
Matagal na din niya na kilala si zanjoe sa katunayan ay nanligaw din sa kanya ito ng palihim noong Highschool kaso si gerald ang una niya nakilala at sinagot.
Tinawagan niya ito at agad naman pumayag na makipag kita sa kanya. Sinabi nitong magbibihis lang at pupunta na agad.
Ilang minuto lang ang inantay niya at nakita na niya itong pumasok sa coffee shop. nag order muna sila ng inumin bago niya nito tinanong.
Zanjoe:"Bea ginulat mo naman ako anong meron bakit bigla ka nakipag kita? May problema ba? Asan si Gerald?" Inabot niya dito ang pasalubong.
Zanjoe:"Wow! Strawberry! Salamat. Oo nga pala galing kayo sa Baguio"
Tinignan muna ito ni Bea malaki ba ang pinagbago ni Zanjoe mula ng una niya itong nakilala noong mga bata pa sila napaka formal na nito at parang seryoso na sa buhay. Mukha talaga itong may mataas na pinag-aralan parang si Gerald.
Mas mukha na nga itong mas Mature sa asawa na mag-isip at kumilos. Ilang beses na nga niya nireto dito si Ara pero parang ayaw naman ng lalake.
Hindi ito sumisipot sa mga blind date na sineset up niya sa dalawa naiinis lang tuloy si Ara dahil nagmumukha itong tanga na nag-aantay.
Maganda rin naman ang kaibigan at katulad niyang manager din sa company na pinagtatrabahuhan nito.
Bea: "Oo kakauwi lang namin. hindi na ko mag papaligoy ligo pa Zanjoe kaya ako nakipagkita ay may itatanong ako"
Zanjoe:"Ha? Ano ba iyon Bea? Kinakabahan naman ako" tatawa tawa pa ito.
Bea:"Sa babae ng asawa ko"
Zanjoe:"Ha?"
Bea:"Pwede huwag kang magmaang maangan.. umamin ka may kabit ba ang asawa ko na julie ang pangalan?" Inis na tanong nito
Zanjoe:"O-Oo Si Ju-julie.." Yumuko ito at hindi makatingin sa kanya.
Hindi agad nakasagot si zanjoe uminom muna ng kape ang lalake at hindi makatingin sa kanya. Gulat na gulat ang itsura nito parang nasasamid pa ito sa kaba pero Pinilit niya itong magsalita at sa huli ay umamin na din ito.
Zanjoe: "O-oo bea.. "
Napapikit si Bea. Sigurado na siya namay kabit ang asawa.
Bea:"Julie talaga ang pangalan?"
Zanjoe:"Oo si julie.. ahm si dra julie actually intern siya sa hospital na pagmamay-ari ng isang friend namin ni gerald at sa pag kakaalam ko naging close sila dahil alam mo naman si gerald palabiro at friendly"
Bea:"Ganun? Paano sila nagkagustuhan? Nilandi siya?" Umiling naman si Zanjoe
Zanjoe:"Bea ang tingin ko kasi mas naunang nagkagusto si Gerald sa kanya. Nakwento ni Gerald na nahirap kayo makabuo. Eh doctor nga yung isa minsan nagbiro pa nga si Gerald na sana mahanap ng babaeng magbibigay ng anak sabi pa niya malamang kung tulad ni Julie na doctor baka magawan nito agad na ng paraan na mabuntis at hindi aabutin ng taon ang paghihintay"
Bea:"Kinukwento pa niya talaga sa iba ang sitwasyon namin?!"
Zanjoe:"Oo, Ewan ko ba naman sa asawa mo. Lagi ko nga sinasaway. Ako kasi ang napapahiya pag nagkukwento siya syempre kaibigan kita minsan nagkaayaan ng inuman sa bar sakto andun si julie at mga friends niya tinawag ni Gerald sabi ko nga huwag na tawagin kasi baka malaman mo may kainuman kaming babae kaso ayun medyo napadami ng inom sabi niya huwag ko nalang sabihin sayo killjoy daw ako tapos.. "
Bea:"Tapos ano?! Paano niya nakilala? Sa Bar?"
Zanjoe:"Sa Bar Ni Sam. Actually si Sam ang may kilala pero ayun naging close sila ni Gerald. Tapos ayun na Ka-kasi ang sabi ni gerald hindi na niya alam ano ba nagyari sobrang kalasingan siguro..na-nagising daw siya na katabi na si julie sa hotel pero ang totoo nun kasi eh nagwawala si Gerald kung hindi sasama si Julie sa kanya nagbabato ng baso sa bar. Kaya sabi ni Julie sige ihahatid siya sabi ko nga ako na maghatid sa inyo ayaw ni Gerald kaso ayun sa hotel sila pala tumuloy. Ang sabi ni Julie nagwawala sa hotel kung hindi siya sasama sa asawa mo. Ewan ko na anong nangyari pero ayun nga lagi na siya pinupuntahan sa office ni Julie kasi parang nagkaroon na sila ng mutual understanding minsan si Gerald naman ang pumupunta sa babae. Tapos..tapos minsan nag oout si gerald agad sa office akala ko saan pupunta yun pala kasama si julie nagdadate..nagtataka na nga ang mga boss at kasamahan namin kasi ikaw ang dinadahilan kaya minsan maaga umalis pero sa akin sinasabi niya ang totoo. Dadalhan daw ng pagkain si Julie o kaya naman daw eh magdadate daw sila o manood ng movie, Minsan pa nga pumunta pa ng Subic ang mga 'yun hindi pumasok. Iniiwan ang project sa akin nga pinapasalo muna sasabihin pa 'pag tinanong mo ko sabihin busy siya sa meeting"
Nagsimulang magpigil ng luha si Bea.
Zanjoe:"Bea, ayoko kasi makielam sa relasyon ninyo kaya hindi ako nagsasabi sa iyo kahit na nga minsan gusto ko ng magtapat sa iyo kung ano talagang nangyayari ayoko lang masira kayo ni gerald saka baka hindi ka kasi maniwala. Mahal mo ang asawa mo eh sino ba ako para paniwalaan. Sinabihan ko si Gerald na tumigil na sa pakikipagkita kay Julie pero sabi niya wag na ko makielam kasi kay Julie raw niya nararamdaman yung pagiging ama saka daw mahal na raw niya si julie tinakot ko pa nga siya na isusumbong sa iyo ang sagot niya samahan pa raw niya ko sa iyo handa daw siyang pakisamahan si Julie. Bwisit nga asawa mo kung kelan tumanda saka naman naglandi at nagloko. Sabi pa niya kung makuha na niya ang Vice president position hihilingin na niya sa iyo na mag pa-anullment na kayo kasi daw gusto niyang panagutan si Julie at bumuo daw ng totoong pamilya. Alam daw niya matatanggap ng magulang niya agad si Julie kasi doctora nga saka nakabuo agad ng apo."
Napatakip ng kamay sa bibig si Bea. Sobrang sakit na malaman na totoo ang lahat. Nagpaplano na pala ito na hiwalayan siya. Walanghiya ang lalakeng iyon!
Bea: "Sabihin mo ilang buwan na sila mag kakilala?"
Zanjoe: "I-isang taon na din siguro kasi medyo malaki na ang tiyan ni Julie"
Bea: "Ano? isang taon? Isang taon na niya ko ginagago?!" Medyo lumakas ang boses niya kaya napatingin sa kaila ang ibang customer pinilit naman niya na maging kalmado naiiyak na siya pero gusto pa din niya magkaroon ng impormasyon sa babae.
Hinagod naman ni Zanjoe ang likod niya at humingi ng paumanhin sa mga tao na nagulat sa pagsigaw ni Bea.
Zanjoe:"Bea, kaya ayokong makielam sa inyo alam kong masasaktan ka ng sobra. 'Yang asawa mo ang may kasalanan lahat. Manloloko siya. Babaero siya at hindi marunong makuntento. Minsan narinig ko pa sabi niya kay Julie kung alam lang niya na hindi ka magkakaanak eh hindi na siya muna nagpakasal sa iyo. Muntik ko na nga siya masapak nun kaso nagpigil ako kasi lasing lang siya"
Bea: "Sabihin mo saan..saan hospital siya nag tatrabaho? Ilang taon na siya? Taga saan siya?"
Zanjoe: "Bea sa pag kakaaalam ko 22 years old lang siya. Sa may angels healing hand hospital siya nag duduty. Malapit lang doon ang apartment niya si Gerald ang kumuha din nun sa pagkakaalam ko para daw malapit sa check up. Please calm down."
Hindi naman makasagot si Bea. Hindi niya rin naman alam kung ano gagawin pagnakaharap sila.
Sa mismong hospital pa pala na pinag checheck upan niya ito nag tatrabaho. Baka nga nakakasalubong na niya ito.
sorry naman ng sorry si zanjoe sa kanya.
Gusto niya tuloy bumalik kay Dra Soho para itanong kung kilala ang haliparot na babae.
Zanjoe:"Sorry Bea ginawa ko ang lahat para pigilan si Gerald. Palagi kong pinagsasabihan kaso yung asawa mo ayaw paawat lalo na nabuntis na raw niya. Sa totoo lang nagalit ako nung nalaman ko kasi akala ko stress lang siya sa pagsasama niyo dahil nga hirap ka magkaaanak yun pala eh gusto na talagang buntisin si Julie muntik ko pa nga masapak ang asawa mo. Sinabi ko pa nga kung ako ang naging asawa mo hinding hindi ko kayang magloko ang sagot niya malas ko daw siya ang sinagot mo noon at sana nga daw tayo na lang daw para hindi siya namomoblema kung paano ka hihiwalayan. Halos puro gastos daw kasi siya sa mga procedure ninyo daw na walang silbi. Please patawarin mo ako. Naiipit ako sa inyong dalawa" Ilang luha na ang pumapatak sa pisngi ni Bea kahit anong pigil niya.
Bea: "Zanjoe papatawarin kita pero ayokong malaman ni gerald na alam ko na ang lahat. Isa pa gusto kong sasabihin mo sa akin kapag alam mong magkikita sila o kung nasa office niyo ang babae na 'yon. Naiintindihan mo ba?"
Zanjoe:"Oo mula ngayon sasabihin ko na sorry talaga. Bea kapag kailangan mo ng masasabihan nandito lang ako" Hinawakan pa nito ang kamay ng babae pero bumitiw ito.
Bea:"Ang gusto ko lang sabihin mo kapag magkikita sila o kung magkasama ba sila ng babae na 'yon!"
Zanjoe:"Bea sa tingin ko kasi hindi ka na mahal ni Gerald parang natatakot lang siya na masaktan ka at mga pamilya ninyo kaya nag i-stay siya sa pagsasama niyo pero kapag kami kami nalang kasi puro si Julie at ang magiging anak nila ang bukang bibig niya binigyan pa nga niya ng separate na atm para allowance si Julie saka Bea sinabi niya pa na..mukang walang silbi daw ang matres mo kaya hindi na siya aasa na magkaanak ka-"
Bea:"Tama na!" Sobrang bigat na ng nararamdaman niya.
Tumango naman si zanjoe. Tumayo na si bea at walang paalam na umalis. Hinabol nalang siya ng tingin ni Zanjoe na napangiti habang inuubos ang kape tapos ay may tinawagan.
Masaya siya na nagkakagulo na ang mag-asawa dahil hanggang ngayon ay mahal pa nito si Bea. Kung siya lang talaga ang pinili nito never niya itong sasaktan.
Zanjoe:"Maghihiwalay din kayo"
Sa loob ng sasakyan niya binuhos ang pinipigilang luha. Humagulgol ng humagulgol ng iyak. Halos iuntog niya ang ulo sa manibela sa galit.
Bea:"Hayop ka Gerald! Hayop ka! Manloloko! Taksil ka! Walanghiya ka! Magsama kayo ng babae mo!"
Kaya nag drive siya ng nagdrive sa sobrang gulo ng isip niya ay hindi na niya namalayan nakarating na siya ng tagaytay. napahinto lang siya dahil puro puno na ang nadadaan.
Muli syang lumuha sa sakit na nararamdaman bumaba siya ng kotse para sumagap ng hangin.
Medyo nakakarelax ang simoy ng hangin sa lugar niya. Naglakad lakad muna siya ng may makita na upuan ay naupo at nagpalipas muna siya ng sandali.
Binalikan niya ang masasayang araw nila ng asawa hanggang sa sitwasyon nila ngayon.
Si Gerald ang first love niya at alam niya na ganun din ito sa kanya dahil wala naman itong ibang niligawan. Sa dami ng nangligaw sa kanya ay dito niya naramdaman ang pagiging seryoso kahit pa bata pa sila noon.
Perfect couple pa nga ang tawag ng school sa kanila dahil pareho silang Beauty and brain plus mayayaman pa.
Hindi ito natakot na humarap sa magulang at mga kapamilya niya. Pinakita nito na malinis at seryoso ang intensyon niya sa kanya.
Kaya naman sobrang boto ng buong pamilya ni Bea kay Gerald bukod sa Gwapo ay napakabait nito at maykaya sa buhay tulad din ng pamilya nila.
Pinakilala rin siya nito sa mga magulang at sinabi pa na siya ang gustong maging asawa kapag nakapag tapos sila ng pag-aaral at nakakuha ng magandang trabaho.
Sa bawat success nila at sila ang magkasama. Sa bawat achievement ay sila ang magkahawak kamay. Noong pumasa sa board exam si Gerald ay tuwang tuwa sila pero mas na schock siya nang lumuhod ito ay inalok siya ng kasal.
Mag mula noon ay bumuo sila ng pangarap na magkakaroon ng masayang pamilya.
Nagpatayo ng malaking bahay, bumili ng mga food chart business, mga lupa na pwedeng tayuan ng resthouse o paupahan at kung ano-ano pang investment.
Kumuha na nga sila ng educational plan agad para sa future anak nila para sigurado na ang pag-aaral nito.
Pati mga insurance at medical cards ay kumpleto sila para hindi na sila mamomoblema.
Naging successful nga sila sa kani-kanilang career pero sa sariling pamilya nila ay malayong malayo sa mga kaibigan nila na masasabi na hindi financial stable.
Ilang subok na ay wala pa rin nabubuong anak na magbubuklod sa kanila. ilang doctor na ba ang naging second opinion nila maski sa ibang ibansa ay nakasubok na silang magpatingin.
Naisip niya kaya siguro parang hindi na ganun kasabik ang asawa ay meron na itong inaantay na anak na parating.
Naisip din niya ang sinabi ni Zanjoe ano nga kaya kung ito ang sinagot niya noon kahit parehong gwapo at mayaman ito tulad ng asawa at Architect din ay may image kasi itong badboy at playboy noon isa pa mahilig sa away. Kaya nga nagulat siya na bestfriend ito ni Gerald na akala mo naman anghel sa kabaitan.
Pero ngayon parang baliktad na kung sino pa ang good image siya pa ang gagawa ng kalokohan.
Ilang oras din siyang nagiiyak halos maubos na ang luha niya. Napagod na siya at natulala na lang. Dinama nalang ang sariwang hangin na nakakabawas ng bigat na nadarama.
Medyo kumalma na ang pakiramdam niya at tinanaw nalang ang paligid. Dito niya rin gustong bumili ng resthouse para sana sa magiging pamilya nila. Nagdasal siya na sana bigyan siya ng anak na makakapagpabalik ng dati nilang pagsasama ng asawa.
Mahal niya parin naman ito kahit niloko siya. Willing siya na tanggapin pa rin basta mabalik lang ang dati nilang samahan. Pikit mata niyang lulunukin ang sakit at pride. Pwede pa nga na kunin nalang ang anak nito sa babae para mawalan na sila ng connection dito.
Naisip tuloy niya na aminin nasa asawa na alam na niya ang lahat mabuti na yung hindi pa lumalabas ang bata ay maayos na ang usapan nila.
Ayaw niyang maunahan siya ng babae na maagaw ang asawa at gamitin ang anak nito.
Pabalik na sana siya ng kotse na may marinig siyang umiiyak. Luminga linga siya pero wala siya nakita.
Umikot siya sa isang puno at doon may nkahiga na isang sanggol na sa tingin niya ay kakasilang pa lamang dahil may pusod pa na nakakabit dito.
Bea:"Ano 'yun? Ha! Oh my god! Sino ang nag-iwan ng baby dito?"
Nag-antay pa siya ng kalahating oras kung may tao na dadating pero wala kaya nagpasya ng kuhain ang bata. Tinitigan pa niya itong mabuti sobrang amo ang mukha nito aakalain mo na may lahi sa ganda ng balat pinunasan muna niya ang dugo dito at binuhusan ng mineral water.
Bea:"Sobrang cute mo naman! nasan ang magulang mo? Sino ang nag-iwan sayo?" Tanong niya na parang sasagot ito.
Binalot niya ito sa scarf niya ay hiniga sa kotse. gumawa siya ng harang para hindi ito mahulog sa pag dadrive niya. Luminga linga pa ulit siya kung may mapapadaan na tao pero wala talaga mag gagabi na rin kaya nagpasya siyang isama na ito.
Naisip niya na sa kanila na iuwi kesa sa madaanan na hospital o police station masyado siyang na excite sa baby.
Parang nakalimutang niya ang problema at panay linga sa sanggol na nakahiga sa back seat sobrang cute nito at taba hindi na ito umiiyak mula ng kinuha niya.
Nagpapasalamat siya sa diyos dahil baka ito na ang sagot sa matagal na nyang dasal.
Ilang beses siya humihinto para lang titigan ang baby na maamong natutulog na ng mahimbing. Pinagpatuloy na niya ang pagda-drive na sobrang excited.
Hindi na niya nakita na ngumiti ang sanggol at naging mukhang tiyanak
Itutuloy