Umalis na si Ella sa tinataguang puno ng makitang may kumuha na sa sanggol. Masakit man ay nakahinga siya ng malalim.
Tinandaan niya ang mukha ng babaeng pumulot sa baby at ang plate number ng sasakyan nito.
Tumakbo na siya ulit at panay ang linga na animo may tinataguan. Bakas sa mata nito ang takot at kaba.
--------------------------
Kanina pa hindi mapakali si Gerald hindi pa kasi umuuwi ang asawa mula ng umalis ito.
Nakatulugan na niya ang pakikipag usap kay Julie sinasabi kasi nito na ang lakas na ng sipa nito sa tiyan kaya nag Video call ito. Tuwang tuwa naman siya dahil bakas ang paa ng baby sa Tiyan ng babae.
Nagising siya at hinanap ang asawa sa buong bahay. Wala pa ang kotse nito kaya Alam niyang hindi pa ito nakakuwi mula kanina.
Gerald:"Nasaan na ba 'yun"
Medyo madilim na rin sa labas kaya nag-aalala na siya. Hindi naman ugali nito na gabihin kapag aalis dahil kahit noong nag tatrabaho pa ito ay hapon palang ay nasa bahay na.
Takot kasi itong abutan ng gabi sa daan dahil baka maholdap o makasalubong ng mga adik.
Tinawagan na niya ang lahat kapamilya nila at sinabi naman na after lunch ay nag hiwahiwalay na sila.
Pati tuloy ang mga ito ay nag-aalala na rin kay Bea. Sinabi naman ng lalake na babalitaan sila kapag nakauwi na ito.
Hindi na malaman ni Gerald ang gagawin nakailang tawag at text siya pero hindi ito sumasagot nang bigla mag ring ang cellphone.
Sa pag mamadali ay hindi niya na pansin na si Julie pala ang tumawag.
Gerald: "Oh my god nasan ka na ba? Kanina pa kita tinatawagan! Anong nangyari sa'yo? bakit hindi ka sumasagot???"
Julie: "ha? ngayon palang ako tumawag ulit eh nakatulog ka yata kanina nung tumawag ka kaya hindi na kita inistorbo"
Sandali naman napatahimik si Gerald ng maisip na hindi si bea ang tumawag kundi si Julie.
Gerald: "Pa-pasensya na hindi pa kasi umuuwi si Bea mula kanina"
Julie: "Hmp! Bea na naman! akala ko ba ako ang mahal mo? bakit mo pa hinahanap ang asawa mo? Kakatampo ka naman sumakit tuloy tiyan ko sa stress nagagalit si baby oh mas love mo daw ba iyang bea kesa sa amin ng baby natin"
Gerald: "Tsk! pwede ba julie!.. saka na tayo mag usap nagtransfer na ako sa account mo ng pera para sa mga bills kaya magpahinga ka diyan baka mapano ang baby natin"
Julie: "Oh wow thank you honey..umm pero teka gerald baka pwede mo kami samahan ni baby mag pacheck up 7 months na itong anak natin ayaw mo ba malaman kung girl o boy?"
Gerald:"Bakit hindi mo pa ba natitignan kung anong gender?"
Julie:"Hindi pa kasi gusto ko magkasama tayo ganun naman ang mga magulang diba lalo na pareho tayong first time"
Hindi naman makapag salita si Gerald parang hindi pa din niya lubos maisip na magkakaanak na siya yung nga lang hindi sa asawa kundi sa ibang babae.
Hindi niya akalain na magagawang niyang magloko sa asawa at magkaanak pa sa ibang babae.
Hindi niya akalain na makakaya niyang saktan at lokohin si Bea na minahal at pinangarap niyang maging asawa mula pagkabata.
---------------------
-Flash back-
Boss: "Okay everyone let's congratulate architect Gerald Richards! Promoted na siya as senior architect as well as department manager! Keep up the good work!"
Palakpakan naman ang buong company masasabi talagang siya ang the best sa lahat ng Architect na nagtatrabaho doon at ang face ng HB Architectural firm.
Halos lahat ng project ay siya ang pinipili ng mga client. Natalo na nga nila ang nangungunang Architecture firm sa bansa dahil sa kanya.
Kahit na mga company sa ibang bansa ay siya ang nirerequest na maging Architect. Nakailang offer na nga siya sa mga ibang company pero mas pinili niyang mag stay sa trabaho niya ngayon dahil mas feel at home siya at mas maganda ang feedback sa buong firm.
Isa pa ay pangarap din niya na makapag patayo ng sariling firm kapag nakaipon ng malaki laki at nagkaroon ng maraming experience. Alam naman niya na halos nag uumpisa palang siya sa career at marami pang dapat pagdaanan.
Pagkatapos ng meeting ay nagkayayaan ang magkakaibigan sa isang bar na pagmamay-ari din ng isa sa kaibigan nilang si Sam.
Zanjoe: "'Yun oh! Libre naman pre congrats!"
Gerald: "Asus kung hindi dahil sayo architect zanjoe hindi yon matatapos ng maayos isa ka sa tumulong sa project"
Sam: "Woo! naku naman kayong dalawa nag utuan pa kayo mga plastic hahahaha"
Gerald: "Haha ikaw sam bakit di mo ginamit yang pagiging architect mo sayang ang paghihirap mo sa board exam bakit mas pinili mo mag tayo ng bar?"
Zanjoe:"Hahaha para naman hindi mo kilala itong si Sam mahilig sa babae e araw araw 'yan iba't iba nakikitang chicks dito hahaha"
Sam:"Sssh! huwag ka mga maingay baka sabihin babaero ako pero well.. yes 'yon nga dahilan hahaha saka okay naman kita dito balak ko pa nga magtayo ng branches ay guys teka ayun si Julie ipapakilala ko kayo sa kanya"
Zanjoe: "Ha? sino naman julie yan?"
Sam:"Sister ng niligawan ko hehehe baka gusto niyo makilala"
Zanjoe:"Nililigawan? Ang dami mo na nga chicks nanliligaw ka pa?"
Gerald:"Aysos!isama mo pa ko dito kay zanjoe nalang may asawa na ako"
Zanjoe:"Ikaw naman papakilala lang naman ang ganda pala oh"
Lumapit naman ang babae. Bata pa ito, maputi, sexy, maganda naman pero mas maganda si Bea. At doctor pala ito. Malayong malayo Kay Bea ang datingan nito mukha itong party girl at liberated kabaliktaran ng asawa na mahinhin at palaging nasa bahay lang mula ng magresign sa trabaho.
Aaminin niya mukhang attracted sa kanya si julie dahil halos hindi mawalay ang tingin sa kanya at kung sa looks nito ay medyo napatingin din siya dito pero hindi nalang niya pinansin masyado baka ano pang isipin nito pero mula noon sumasama na ito pag may lakad ang barkada sa bar.
Nagugulat nga siya kapag nandoon sila ay bigla itong sumusulpot nalang at nakikisali sa kanila.
Noon ay parang hindi niya feel ang babae dahil parang malandi ito pero ng malaman na doctor ito at may sense of humor kausap ay naging palagay na rin siya sa babae.
Aaminin naman niya na naging malapit din ang loob niya dito pero hindi naman dahil gusto niya ito masaya lang itong kasama dahil maraming kwento na nakakatawa.
Gerald:"Doctora ka ba talaga Julie?"
Julie:"Hahaha! Grabe ka ha! Oo naman eto ang license ko oh! bakit mukha ba akong nurse?" Sabay abot nito ng card nito at id sa hospital..
Gerald:"Sorry, hindi naman. naoffend ba kita?"
Julie:"Hindi naman bakit mo ba natanong kung doctor ako? Papagamot ka?"
Gerald:"Ah anong specialization mo?"
Julie:"Ob-gyne ako"
Zanjoe:"Tamang tama hirap magbuntis ang asawa nitong si Gerald"
Julie:"Ay Talaga?"
Gerald:"Eh oo. Saan ka ba nag cliclinic?"
Julie:"Sa angel healing hands hospital" inabot nito ulit ang id sa hospital.
Gerald:"Okay ah! Doon din kami nagpapatingin kay Dra Soho"
Julie:"Ah hahaha dun sa matandang dalaga na Ob-gyne haha"
Gerald:"Ikaw naman"
Julie:"Joke lang. Pero totoo naman Ob-gyne 'yon pero walang anak. Wala nga yatang jowa kasi parang losyang manamit hahaha bakit gusto mo na bang magkaanak?"
Gerald:"Oo naman sino bang ayaw matagal na kaming nagsasama 5 years na mahigit"
Julie:"Aba matagal na pala din. Ilang taon na ba ang asawa mo?"
Gerald:"28 na siya"
Julie:"Eh Ikaw?"
Gerald:"Same lang halos"
Julie:"Tapos 5 years na kayong kasal? Never siya mabuntis?"
Gerald:"Oo eh"
Julie:"Hindi ba siya stress?"
Gerald:"Hindi naman sa katunayan nag resign na nga siya sa trabaho para lang mabawasan ang mga iniisip kayo ewan ko ba isang taon na siya halos sa bahay wala pa rin. Ilang doctor na ang pinuntahan namin. Pati sa ibang bansa nakapag pacheck up na kami. Malaki na rin ang gastos pero laging sablay"
Julie:"Hmmm.. May history pa sa inyo na baog?"
Gerald:"Bao? Parang wala naman pero pareho kaming only child kaya nga sobrang sabik na kami sa anak"
Julie:"Eh bakit sa asawa mo? Pwede naman sa iba kung hindi kaya ng asawa mo kasi kung mabubuntis siya sana noon pa. Trust me hindi magkakanak 'yun baka nga abutan na ng menopausal iyang asawa mo. Alam mo minsan kahit walang deperensya kapag hindi mabibiyayaan wala hindi kayo magkakaanak talaga. Meron akong kilala 25 years na silang kasal nung nag 45 asawa nag menopause na agad ayun wala na talagang chance hindi na nagkaanak at ang worse nagkahiwalay sila kasi wala eh hindi masasabing pamilya kapag walang anak. Kaya ikaw mag isip ka"
Napatahimik si Gerald pareho naman silang wala daw problema pero nagtataka siya bakit hirap mabuntis si Bea.
Zanjoe:"Eh Anong dapat gawin nitong Si Gerald?"
Julie:"Ano pa nga ba? Edi maghanap ng iba sa totoo lang sayang ang gwapo mo pa naman! Sayang ang lahi hahaha"
Zanjoe:"Haha eh Pre diba Madami na kayong sinubukan na procedure? Pero wala pa rin?" Umiling lang si Gerald.
Julie:"Sabi nga sayo maski wala kayo pareho problema minsan talaga may hindi pinapalad magkaanak. Anong gusto mo gagastos ka ng daang libo o milyonpero walang assurance o hahanap ka ng iba na pwedeng magbigay sa iyo ng anak. sorry for the word pero kahit gaano kaganda ang asawa mo kung hindi ka niya mabibigyan ng anak ay wala rin siyang kwenta kukupas lang ang ganda niya pero walang silbi ang matres niya"
Hindi na kumibo si Gerald masakit para sa kanya na masabihang walang kwenta ang asawa. Mahal niya si Bea pero pangarap din niya ng anak.
Julie:"Teka May isa pang paraan kung ayaw mo humanap ng iba"
Gerald:"Ano?"
Julie:"Hahanap kayo ng babae na pwedeng magbuntis para sa asawa mo kaso yung nga lang parang ganun din magbubuntis ka ng iba tapos babayaran mo ng malaki para hindi maghabol pero ha pero walang kasiguraduhan na sa ilang taon hindi niya bawiin ang anak. Saka hindi mo pa yun mahal. Kaya nga ang payo ko sayo as a doctor kung tanggap mo na hindi kayo magkakaanak sige ituloy niyo ang pagsasama niyo pero kung gusto mong magkaroon ng anak eh time na para humanap ng iba. Saka sabi mo naman walang problema sa iyo diba? So malamang na sa asawa mo ang problema lalo na only child kayo pareho it means talagang mahirap magbuntis ang side niya."
Sam:"Kung sabagay mga artista nga hiwalayan doon hiwalayan dito. Nung nakaraan nga meron nagpunta dito hindi ko lang matandaan yung name, actor daw siya eh hahaha pero ang daming kasamang babae at mga barkada ang sabi nung isang bar tender ko dati daw 'yon sobrang serious sa asawa dahil parang dyosa yung napangasawa pero yung asawa daw kasi hindi magkaanak kaya ayun parang lumipas na daw ang taon na walang mapala kaya natutong mangbabae. Maganda daw asawa nun talaga pero alam mo wala din true nga yata ang sabi ni julie kaphit gaano kaganda ang asawa kapag walang anak eh wala. Siguro nagsawa din sa kakaantay yung actor"
Zanjoe:"Ah parang nabalitaan ko nga 'yan hiwalay na sila ngayon diba kasi nakabuntis ng menor de edad daw"
Sam:"Haha bata ang pinalit? Sabagay parang mga model yung kasama niya nung pumunta dito"
Julie:"See? Mas bata ang pinalit kasi mas madaling mabubuntis 'yon. Kilala ko din sinasabi niyo infairness ang ganda nga ng asawa nun pero ano? wala diba? nangbabae na siya Kasi wala silang anak malamang wala ng seseryoso don sa babae kahit maganda pa siya kasi hindi magkaanak eh! Kaya nga sabi ko sa iyo Gerald habang bata ka pa aba! mag-isip isip ka na"
Gerald:"Hindi ko naman pwedeng iwan ng basta basta ang asawa ko. Oo aaminin ko napapaisip ako kung magkakaanak pa ba kami pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa"
Julie:"Naku sabi mo lang yan! Kapag umabot kayo ng 40 plus tapos wala pa rin? saka ka magsisisi ikaw rin mas bata magkaanak mas okey kelan ka magigising na dapat magkaanak ka pag 50 kana? Mas okey nga ngayon palang magkaanak ka na makikita mo pa na lumalaki anak mo eh Kapag matanda ka na nagkaanak mabubuhat mo pa ba?"
Zanjoe:"Ako hindi naman sa nakikielam ha pero Gerald alam ko kasi malungkot ka dahil lumaki kang only child diba? What if nga hindi kayo magkaanak ni Bea? Mas masasaktan lang kayo pag mas matagal kayong nagsama tapos hindi kayo pinalad magkaanak. Kung ako sa iyo mag-usap kayo ni Bea baka time na nga para gumawa ka ng way kesa puro chismis inaabot niyo"
Julie:"Bakit anong chismis?"
Zanjoe:"Eh kasi lahat ng empleyado sa company may mga anak na maski yung bagong It staff na 21 years old tatlo na anak. Tanging ako at si Gerald wala. Sa akin understood wala naman ako asawa eh etong si Pare ko limang taon ng kasal"
Sam:"Naku pre ang alam kong normal na ganyan sa mag asawa dalawa o tatlong taon lang ang inaantay ay nagkakaanak na ano ba meron sa inyo?"
Gerald:"Wala naman daw kasing problema ang sabi lang mababa matres ni Bea pero magkakaanak naman daw"
Julie:"Hay nako 1 to 10 na ganyan ang case lang ang nagkakaanak Gerald maniwala ka. Gumagastos ka sa wala lang nagpapagod ka magtrabaho pero walang mangyayari promise trust me"
Zanjoe:"Pag-isipan mo pre"
Sam:"Pero kahit naman may anak pag magloloko eh magloloko hahaha"
Zanjoe:"Ginaya mo naman kami sayo!"
Sam:"Bakit ba kasi nga namomoblema ka Gerald edi mambuntis ka ng iba gusto mo sa iba't ibang babae pa. Kaya mo naman ang laki na ng sahod mo sa trabaho pati na rin ang kita ng mga negosyo mo kayang kaya mo kahit sampu sabay sabay! Hahaha!"
Julie:"Pero Iba pa din kung mahal niya yung aanakan noh!"
Zanjoe:"Oo nga, ano 'yun aso kung sino sino na lang"
Julie:"Basta ang payo ko? Maghanap ka na ang iba. Minsan talaga kahit masakit dapat magkaroon na ng decision na sa tingin mo ang dapat gawin. Malay mo naman baka kaya hindi kayo nagkakaanak eh nakatadhana kayo sa iba"
Zanjoe:"Hahaha. What if Gerald wala kang asawa magugustuhan mo ba si Julie?"
Sam:"Yun! Hahaha! Magiging magkamag anak pa tayo kapag naging kayo at kami ng ate niya hahahaha!"
Zanjoe:"Malay mo magkaanak kayo agad kung si Julie doctora pa 'yan ano sa tingin mo?"
Sam:"Hahaha! Tinuturuan mo naman magloko 'tong si Gerald! Hahaha"
Zanjoe:"Hindi noh?! What if lang naman. Naaawa na rin kasi ako kay Gerald bata palang kami sabik na sa kapatid 'yan pati ba naman sa anak? Mas marami pa siyang inaanak sa totoong anak eh!"
Sam:"Kung sabagay"
Julie:"Pag-isipan mo Gerald hehehe"
Sam:"Ay gusto din! Hahaha! Type mo si Gerald?"
Julie:"Hahaha! Kung binata lang siya eh! Why not? Gwapo naman siya at mukhang good provider! Sayang naman ang hirap niya sa pagwowork kung walang magmamana"
Zanjoe:"Oo nga" Iiling iling lang si Gerald sa kalokohan ng mga kasama.
Malungkot noon na umuwi si Gerald. Hindi siya makatulog tinignan niya ang asawa mahal niya ito pero gusto niya na mag-kaaanak dito pero kung hindi nito siya kayang bigyan para tuloy siyang napapaisip sa mga sinabi ng mga kaibigan.
Minsan ay Birthday ni Sam ay inaya siya ng mga itong uminom pumayag naman si Bea dahil kasama ang mga kaibigan hindi nga lang siya sumasama dahil hindi siya umiinom pero ay nagulat nalang si Gerald ng malasing siya at katabi na ito sa kama si Julie ng magising Wala na rin sila parehong saplot. Iyon na nga matapos ang isang buwan ay sinabi nitong buntis na ito.
Naaalala pa niya nang magising siya ay halos mapatalon siya sa gulat ng makitang katabi ito.
Gerald:"A-anong nangyari ba-bakit tayo magkasama? Bakit tayo nandito sa hotel?"
Pupungas pungas na nagising si Julie pero napangiti ng makita siya.
Julie:"Bakit gulat na gulat ka? Ang Oa mo! Narape lang? Ikaw kaya ang nag-aya sa akin dito sa hotel noh! Ayoko nga sana kaso nagwawala ka sa bar kapag hindi ako sumama sa iyo itanong mo pa kay Zanjoe"
Agad nagbihis noon si Gerald wala siyang maalala sa nangyari. Ilang tawag at text ang natanggap niya kay bea buti ay sinabi niya na si Sam ang kasama niya at Zanjoe at nag overnight siya dahil baka mabangga kapag nagdrive pauuwi hindi naman kasi mapagduda ang asawa at noong panahon na iyon at busy din ang asawa sa trabaho nito kaya sinabi lang nito na mag ingat siya pauwi.
Halos matulala rin siya ng sabihin ni Julie na buntis ito. Gulat at takot ang una niyang naramdaman pero ng tumagal ay sabik at tuwa na ang naramdaman niya.
Naalala niya ng minsan puntahan siya nito sa trabaho na umiiyak at mukhang balisa.
Gerald:"Julie! bakit ka pumunta dito sa trabaho ko? baka anong isipin ng mga kasamahan ko"
Julie:"Gerald! may sasabihin akong importante sa iyo" mugto ang mata nito.
Gerald:"Ano 'yon?"
Hinila niya ang babae sa cafeteria nila sa loob ng company doon nagsimulang umiyak ulit ang babae. pinatahan naman niya ito dahil baka may makakita at anong isipin.
Gerald:"Julie? Ano bang problema? Napano ka?"
Julie:"Gerald, buntis ako! nagbunga ang nangyari sa atin. Sayo ito! sigurado ako dahil ikaw lang naman ang nakasama ko"
Gerald:"A-Ano? Bu-buntis ka?!"
Julie:"Oo! ikaw ang ama. May nangyari sa atin alam mo 'yan!" Patuloy ito sa pag-iyak.
Halos sumabog ang ulo niya sa sinabi ng babae naisip niya ang asawa malamang magwala ito sa galit. Pero sa kabilang banda may tuwa sa isip niya na magiging ama na siya.
Julie:"Pa-Pananagutan mo ba ako o ipapalaglag ko nalang?"
Gerald:"Anong ipapalaglag? Baliw ka ba?Papanagutan ko iyang magiging anak natin"
Julie:"Huhuhu! natatakot ako Gerald. Unang beses ko ito. Nagsisimula palang ako sa pagiging doctor hindi ko kayang palakihin ito ng mag-isa"
Niyakap naman siya ng babae kaya nayakap niya rin itong pabalik pero nagulat siya ng makita si Zanjoe sa likod nila.
Zanjoe:"Gerald? Anong nangyayari? Ba-bakit ka umiiyak julie? Hinanap ko kayo tapos nakita kong hila hila mo si julie dito"
Sinabi naman ng dalawa ang totoo nagalit si Zanjoe pero nangako naman itong hindi sasabihin kay Bea dahil ayaw nito masaktan ang babae.
Zanjoe:"Gago ka Gerald! Paano mo nagawa ito kay Bea?! Hayop ka! Niloko mo asawa mong ang tino tino!"
Gerald:"Hi-hindi ko alam wala talaga ako maalala!"
Zanjoe:"Anong walang maalala?! Nung nakaraan na pinilit mong isama si Julie kayo ang magkasama magdamag diba? Pati sa akin noon nagtetext si Bea sabi kasam daw ba kita naisip ko kung nasaan na ba kayo pati ako tuloy nagsinungaling sa kanya!"
Gerald:"Hindi ko talaga alam!"
Zanjoe:"Ewan ko sa iyo! Nakabuntis ka hindi mo alam?!"
Bea:"Pwede ba! huwag na kayo mag-away! Nangyari na papanagutan niya ako"
Zanjoe:"Pananagutan? Paano? Ano iiwan mo si Bea?"
Gerald:"Hindi ko siya iiwan!"
Julie:"Gerald? Akala ko pananagutan mo ako?!"
Gerald:"Oo yang baby. Pero Hindi ko naman maiiwan ang asawa ko"
Zanjoe:"Kapag nalaman niya malamang iwan ka! Ngayon palang sabihin mo na sa kanya. baka ipakulong pa kayong dalawa. Kaya makipag annull ka na agad bago pa lumaki ang tiyan nitong si Julie. Huwag ka na gumawa ng gulo lalo Gerald mawala pa ang lisensya mo sa kalokohan mo. Habang maaga gawa mo na ng paraan!"
Julie:"Anong kulong?! Hoy ayoko! Etong si Gerald ang nagpilit noon na dalhin ako sa hotel di ba Zanjoe?! Nagbabasag pa siya noon ng mga bote kapag hindi ako sasama. Galit na galit nga noon si Sam nasisira daw mga gamit sa bar"
Zanjoe:"Ikaw naman kasi Gerald ewan ko sayo type mo pala itong si Julie! Akala ko naman buruan lang yung tuksuhan natin sana naman hiniwalayan mo muna si Bea para naman hindi umabot sa ganito! Kung kelan ka nagka Asawa saka ka naman naging babaero"
Gerald:"Zanjoe mahal ko si Bea. Itong nangyari hindi ko talaga alam. Siguro baka dahil sa stress na akong magkaanak kami. Ewan ko magulo ang isip ko" Kumapit naman si Julie sa braso niya at umiyak ulit.
Julie:"Huwag mo kami pabayaan ng magiging anak natin. Ginusto mo ito! Puro sinasabi mo nga nun na sana mabuntis ako!"
Gerald:"Hindi ko kayo papabayaan. Alam niyo naman Matagal ko ng pangarap magkaanak."
Julie:"Gerald kung ganoon malamang nasa asawa mo ang problema kasi nakabuo tayo sabi ko sa iyo wala siyang kakayahan magkaanak"
Zanjoe:"Ayan natupag na ang pangarap mo! mabuti pa sabihin mo na kay Bea huwag mo ng patagalin na lokohin siya. Atleast makakaligtas pa kayo sa kaso kapag hindi pa malaman na may nabuntis kang iba. Palabasin mo nalang na may nakakilala kang iba paglumipas ang ilang buwan saka kayo lumayo muna!"
Julie:"Oo nga Gerald. Ganun ang gawin natin please"
Nalungkot si Gerald mukha nga yatang kay bea ang problema mukhang tama si Julie walang aasahan kung mag-aantay sila. Dito kay Julie wala siyang ginastos ni isang piso pero nabuntis agad. Isang beses pa lang na may nangyari.
Ang lakas ng kaba niya na magkakaanak na siya Gustong gusto na niya na makarga ang anak kaagad. Parang nawala ang takot niya na magalit si Bea dahil alam niyang maiintindihan nito ang pagnanais niya na magkaanak.
Naisip niya tuloy na baka si Bea ang may diperensya talaga dahil nabuntis agad si Julie ng isang beses nila na pagsasama kesa sa asawa na taon na ang binilang.
Natutunan niyang mahalin si Julie lalo kapag dinadalaw niya ito sa hospital habang nag duduty nakikita niya naman na professional ito pagdating sa trabaho hindi na rin masama kung ito sakali ang naging asawa maganda ang propesyon nito at hindi na nakakahiyang sabihin na ipinalit sa asawa.
Mula noon minsan ay maaga siyang nag oout para puntahan si Julie dahil nagsasabi ito na maselan ang pagbubuntis at sumasakit ang tiyan. dinadalhan nito ng mga pagkain na gusto nitong kainin sa paglilihi pakiramdam niya naging buo siya at naramdaman ang pagiging ama.
Julie:"Honey mukhang sa'yo ako naglilhi gusto kita lagi makita dito ka nalang magstay please"
Minsan na dinalaw niya ito sa apartment para dalhan ng pagkain ay nag-iiyak ito ng paalis na siya.
Gerald:"Julie hindi naman pwede alam mo naman diba ang sitwasyon?"
Julie:"Bakit kasi ayaw mo pa na ako na ang pakisamahan? Ayaw mo ba makita palagi ang anak mo?"
Gerald:"Gusto ko pero hindi ko pa magawang umamin kay bea"
Julie:"Sa magulang mo muna sabihin tapos saka ka nila samahan magsabi. Ang plano kasi noon ay magpapa anull ka na agad para walang problema. Pinapatagal mo pa"
Gerald:"Please Julie huwag muna natin yan pag usapan ngayon"
Julie:"Sige, pero kapag lumabas na ang anak natin kapag hindi ako ang pinakisamahan mo hindi mo na kami makikitang muli ayokong maging kabit mo gusto kong magkaroon ng buong pamilya tulad ng pangarap mo. Maawa ka sa anak mo gusto mo bang lalaking bastardo? Pagtatawanan ng mga tao. Paano pag papasok na siya sa school? Isa pa doctor ako Gerald masisira rin ang reputasyon ko. Matatanggap tayo ng magulang mo dahil sabik na sila sa apo kaya dapat gumawa ka na ng paraan. Alam kong sasabihin pa nila na tama ang desisyon mo"
----------------
Bumalik sa wisyo si gerald dahil puro hello sa kabilang linya ang babae.
Julie: "hello? Hello? Ano honey sasamahan mo na ba ko pacheck up?"
Gerald: "Sige..kelan ba?"
Julie: "bukas sana.."
Gerald:"Okay sige mga 9 am susunduin kita"
Julie:"yehey love talaga kmi ng honey ko"
Gerald:"Mahiga ka lang diyan baka madulas ka"
Julie:"Bakit kasi ayaw mong dito na magstay muna para may kasama kami ni baby dito. Sad minsan si baby sipa ng sipa siguro gusto ka makasama ang hirap na rin magkikilos ang bigat na ng tiyan ko"
Napailing nalang si Gerald aaminin naman niya dahil sa nalaman niya na may anak siya dito ay natutunan niya itong mahalin na rin. Nabigay kasi ni Julie ang matagal na nyang pangarap na anak. Masama man pero nahati nadin talaga ang pagmamahal niya sa asawa sa babae at sa dinadala nito. Kasalanan na kung kasalan pero mula ng malaman niya na buntis si Julie at nararamdaman ang pagsipa ng baby nito sa tiyan ay halos ayaw na niyang iwan ito ay magstay nalang habang nakadikit ang ulo sa tiyan nito.
Halos ready na nga ang lahat ng damit at gamit ng baby. Inilipat na rin niya ng magandang apartment si Julie na malapit sa hospital kaya nakakapasok pa ito paminsan minsan sa hospital.
Gerald:"Julie alam mo naman ang estado ko diba? Ayaw mo naman kuhaan kita ng maid"
Julie:"Ayoko ng maid. Ikaw ang kailangan ko! Paano naman kami ng baby natin? Si bea wala naman kayong anak eh tayo makakabuo na tayo ng pamilya natin. Gusto mo bang lumaki ito na broken family? Saka dapat ikaw mag alaga sa akin alam mo naman pag buntis maraming gusto"
Gerald:"Julie naman hindi naman ganoon kadali iyon. Ano iiwan ko si bea?"
Julie:"Oo! Dapat lang iwan mo! bakit hindi mo kaya? Alam ko matagal mo ng pangarap magkaanak. Ito na oh nabigay ko na sayo. Yang asawa mo baka baog yan o baka hindi yan magkakaanak talaga. Maniwala ka sa akin doctor din ako. Pinapaasa lang kayo ng mga doctor niyo para kumita lang ng pera. Naniniwala kayo kay Dra Soho siya nga hindi nagkaanak eh Kung magkakaanak kayo dapat ngayon na kapag dating niya ng 30 plus mas mahirap na. Ako 22 lang ako. Pwede pa kita bigyan kahit limang anak. Ayaw mo na ng ganun? Huwag mong sayangin ang pagkakataon Gerald. Makakabuo na tayo ng pamilya natin. Kayo ni Bea hanggang mag asawa nalang kayo never kayong magiging ina at ama. Gusto mo ba yon?"
Napaisip ng malalim si Gerald sa totoo lang nawalan na siya ng pag-asa kay Bea malaki laki na rin ang gastos nila sa mga check up. Meron inaalok sa kanila na procedure pero milyon ang presyo at 60% lang ang chance na makabuo.
Para silang bumili ng lobo na anytime pwdeng pumutok at maglaho. Kaya ilang second opinion ang pinupuntahan nila para sumubok ng mga ibang way.
May point din si Julie doctor din ito at malamang tama naman ito dahil bakit sila nagkaanak talaga ng walang ibang gastos.
Kung iiwan naman niya si Bea kawawa naman ito. Mahal din naman niya talaga ang asawa. Napaka dami ng lumigaw dito maski si Zanjoe pero siya ang sinagot. Maiiwan nalang ba niya ito ng basta basta.
Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang nila at mga kaibigan. Maging kahiya hiya si Bea pag nalaman pa na nagkaanak siya sa iba.
Lahat ng sisi ay sa asawa mapupunta dahil wala itong kakayahan na makabuo ng anak.
Gerald:"Pag iisipan ko"
Julie:"Wag mong pag-isipan gawin mo. Matatanggap din ni Bea ang lahat. Alam niyang ito ang pangarap mo. Matagal na natin pinag uusapan ito diba? Sinabi ko na sa iyo aminin mo sa mga magulang mo maiintindihan ka nila"
Hindi na nakakibo si Geral napasunot nalang siya ng buhok. Binaba na niya ang tawag.
Umakyat siya sa mga kwarto para sa sa mga magiging anak nila ni Bea. Napaisip siya kung magagamit pa ba ang mga ito.
Pati ang mga damit at gamit. Meron pa bang makikinabang dito o nag iilusyon nalang sila.
Tama nga ba na tapusin na nila ni Bea ang lahat habang hindi pa sinisilang ang anak at pakisamahan na si Julie.
Kung aminin niya kaya sa mga kapamilya nila hindi kaya malaking gulo ang mangyayari. Baka maapektuhan ang trabaho at kalusugan ng mga magulang nila.
Pero tama rin naman si Julie gusto na ng magulang niya na makita ang magiging apo ng mga ito baka nga pag inamin niya ay pumayag agad ang mga ito na hiwalayan niya na ang asawa.
Kaso unfair na pamilya ni Bea baka mabugbog pa siya ng mga ito o makasukan.
Iiling iling na bumalik si Gerald sa Sofa at pinikit ang mata. Hindi niya alam ang gagawin kung makikipag hiwalay para pakisamahan si Julie o mag antay na magkaanak sila ng asawa na walang kasiguraduhan?
.................
Dahil sa baby na nakuha medyo naaliw si bea. Dumiretso siya sa Hospital, Gulat na gulat pa nga si Dra Soho ng sabihin niya na may napulot siyang baby.
Bea:"Doctora May napulot po akong baby"
Dra soho:"Ha? Saan yan galing?"
Bea:"Napulot ko po sa tagaytay walang ibang tao na naroon kaya kinuha ko na"
Dra Soho:"Dapat mareport ito sa pulis"
Bea:"Sige ho naku pauwi na pala kayo"
Dra soho:"Okay lang"
Agad naman tinignan nito ang sanggol pauwi na ito halos kaya sinamahan nalang siya sa ibang doctor para mas masuri ng maayos iniwan niya sa hospital ang baby para matignan ng mga doctor at para din mareport sa mga pulis.
Umalis muna siya sandali para namili ng damit at gamit para dito halos kuha na nga lang siya ng kuha para lang makabalik agad siya sa hospital parang ayaw na niyang iwan ang baby at baka may kumuha dito.
Inamin naman agad niya na napulot lang ang baby sa tagaytay ng interviewhin siya sa hospital at ng mga pulis na kumausap sa kanya pagbalik.
sinabi niya na willing niya kunin ito pag walang mag claim.hinihiling niya na sana ay wala ng kumuha dito dahil excited siya na magkaroon ng anak. Aampunin niya ito at ituturing sariling anak.
Naisip niyang tawagan na ang asawa pero busy ang line nito biglang pumasok sa isip niya si julie sinubukan niya na tawagan ito pero busy din. Baka magkausap ang dalawa.
Naisip niya na ganito ang pakiramdam ni Gerald ng malaman na magkakaanak na ito malamang sobrang excited at hindi na makaantay sa baby. Lalo tuloy siyang nasaktan. Hindi niya ito masisisi.
Napayakap nalang siya sa baby na mukhang nakakaintindi dahil bigla siya hinawakan din sya sa mukha. Buo na ang loob niya na ampunin ito oras na maayos ang mga papeles.
Bea:"Hulog ka ng langit baby. Saan kaba galing? Sana ikaw na ang maging anak ko talaga." Lumabas muna siya para sa iba pang katanungan ng mga pulis.
Hind niya na nakita na nagpalit muli ng mukha ang baby mula sa pagiging cute na sanggol sa pagiging nakakatakot na Tiyanak.
---------
Nag-uusap usap naman ang mga nurse sa nurse station.
Nurse 1: "Ang cute ng baby na nakuha nung magandang babae noh?"
Nurse 2:"Oo nga eh saka ang ganda talaga nung may dala na babae grabe mukhang sosyal. Mayaman siguro. akala ko nga artista kanina"
Nurse Mandy:"Sinong artista yang pinag uusapan niyo?"
Nurse 1:"Huy Mandy! Welcome back! Back to work ka na?"
Nurse Mandy:"Oo! kanina pa ko umaga nandito"
Nurse 1:"Naku nasan ka ba kanina? May dinala dito na baby kanina napulot daw nung magandang babae"
Nurse Mandy:"Maganda? Maganda pa sa akin? Charot! Nasaan?"
Nurse 2:"Hahaha well medyo pantayan ang ganda ninyo kaso sobrang sosyal ng itsura nung babae parang mayaman tulala nga mga doctor at nurse na lalake ang ganda kasi pati yung pulis na pumunta"
Nurse 1:"Haha ay oo nga pala may nagpadala ng bulaklak sa iyo dala nung isang pulis na pogi hehe"
Nurse Mandy:"Asan?"
Nurse 2:"Ano kaba si Pogi yun yung boyfriend niya"
Nurse 1:"haha sila ba? Ang lihim kasi nitong si Mandy"
Kinuha naman ng kasamahan ang isang Bouquet ng flowers galing ito sa kababata niyang pulis na matagal ng nangliligaw sa kanya. At binasa ang nakasulat.
" I love you. Welcome back to work!"
Napangiti naman siya actually may mutual understanding naman na sila kaya parang sila na rin nito. Masyado lang sweet ito kaya akala mo ay laging manliligaw. Basta ang alam niya ay pareho naman nilang mahal ang isa't isa. Legal naman na sila sa bawat pamily at ang mga ito pa nga ang nagsasabi na magpakasal na sila.
May LQ sila nito dahil hindi natuloy ang outing nila para sana makapag unwind siya sa mga nangyari sa kanya pero dahil sa biglaang operation nito ay hindi natuloy alam naman niya na kapag pulis ay anytime meron emergency ay hindi pwedeng hindi ito pumunta. Yun lang naman ang isa sa problema ang trabaho nito. Ayaw niya nga noon na magpulis ito dahil delikado kaso wala naman siya magawa. Ayaw niya naman na maging hadlang sa mga pangrap nito sa buhay. Sinuportahan nalang niya ito.
Nurse Mandy:"Hmp kala niya madadala niya ko sa bulaklak! Sayang ang leave ko! walang nangyari kainis yung lalake na 'yon! Teka pati ba yung nagbigay nito ay nagandahan din sa sinasabi niyong babae?"
Nurse 1:"Hindi, Ibang pulis ang kumausap sa magandang babae"
Nurse Mandy:"Buti naman! kundi yari talaga sa akin yun! Nasan na nga pala sila?"
Nurse 1:"Bala bumalik na sa presinto. alam pa raw kasi mag claim sa baby"
Nurse 2:"Haha wow haba ng hair mo. Huwag kana magalit kay pogi sige ka sabi nga pag pulis ma-"
Nurse Mandy:"Hep! Hep! Stop! Wag mo na ituloy teka nga saan ba room nung baby na cute na sinasabi niyo?"
Tinuro naman ng dalawa ang dulong kwarto. Tinignan ni Mandy ang file na nakalagay.
Nurse Mandy:"Bea Richards.. tunong ibang lahi ang surname ah mukhang maganda nga"
Nurse 1:"Sabi nga sa iyo ang ganda niya eh saka yung baby infairness hindi mo aakalain na napulot lang"
Nurse 2:"Oo nga ang taba taba saka ang puti rin. Malamang mamahalin ang gatas nung ina. Hindi kaya naiwan lang ng magulang 'yon? tapos inakala nung magandang babae eh pinabayaan?"
Nurse 1:"Diba sabi niya sa pulis puro dugo pa yung baby? Saka halos isang oras siya nag antay pero walang dumating"
Nurse Mandy:"Saan daw ba napulot?"
Nurse 2:"Sa Tagaytay daw layo noh?"
Nurse Mandy:"Ha? Ang layo naman nakarating dito sa Valenzuela"
Nurse 1:"Taga dito din kasi siya kaya dito na dinala"
Doctor Paz:"Hmpp! Ehem! Ehem! Naku naman Mga chikadorang Nurse! mamaya na yang chismisan niyo! aba! Aba! ang daming gagawin! Kilos kilos din noh! Isa ka pa din Mandy noh! Kakabalik lang eh chismis agad! Sayang ang pasahod! Nakatunganga lang kayo! Magsigawa at galaw kayo bilis! Hmmp" Pakembot na umalis ito.
Nurse 2:"Grabe talaga 'tong baklitang Doctor na 'yan! Siya itong ang tagal makipag landian este usap sa mga pulis eh!"
Nurse Mandy:"Haha tama na baka marinig tayo ikaw din baka ilipat ka sa grave yard imbes pauwi ka na mamaya"
Nurse 1:"Haha oo nga tara mag room check na tayo"
Doc Paz:"Ay sandali Nurse Mandy!"
Nurse Mandy:"Yes Doc"
Nurse 1:"Ay bumalik ang baklita"
Doc Paz:"Bantayan mo muna yung baby doon sa dulong Room Richards ang Surname"
Nurse Mandy:"Yes Doc!"
Natanaw ni Mandy ang magandang si Bea na umalis matapos kausapin ni Doc Paz.
Nurse 1:"Aba ikaw ang napili ni Baklita hahaha"
Nurse 2:"Magkakaharap kayo ni Miss Beautiful"
Nurse 1:"Oo nga.. ay kaso umalis na"
Nurse 2:"Babalik yun"
Nurse Mandy:"Sige na. Mamaya na tayo magchikahan baka magalit na naman si Baklita. Excited na ko Gusto ko na pisilin ang pisngi ng baby haha"
Nagtawanan muna ang tatlo bago tumuloy si Mandy sa kwarto. Hindi niya alam pero parang bigla siyang kinabahan ng nasa tapat na siya ng pinto.
Hindi naman siya dating ganun sa mga pasyente. Isa pa at baby lang ito pero Parang may something. Kinutuban siya ng masama. Umiling iling nalang siya.
Hindi na siya kumatok at dirediretso na siya papasok sa loob ng kwarto nakita niya na nakatalikod ng higa ang baby.
Nurse Mandy:"Hi baby" kausap pa niya nito. Parang nakarinig naman siya ng humihingal.
Ang cute nga nito kung titignan dahil mukhang mataba talaga at maganda ang kutis. Dahan dahan siya lumapit dito dahil parang natutulog ito. Lumapit pa siya lalo para sana buhatin pero lumaki ang mata niya ng makita ito ng tuluyan.
Dahil ang inaakala niyang cute na baby at isa palang nakakatakot na TIYANAK! Tatakbo sana siya palabas pero bigla siyang tinalon nito at pinagkakalmot.
Nagkakawag si Mandy buti ay mahigpit niya na sinakal ang baby sa leeg para pigilan ito pero sige pa rin ito sa pagkalmot sa kanya.
Hinahampas hamapas niya ito sa pader pero lalo itong nagagalit at sige sa pag-atake sa kanya. Pulang pula ang mata nito at gigil na gigil. Nakalabas ang pangil at matutulis nitong kuko.
Mandy:"Ahhhh! Tulong! Tulong! Aaahh! Demonyo ka! Tiyanak ka! Lubayan mo ako!! Ahhhh!!!"
Kinapa niya ang bulsa at kinuha ang rosary na palaging dala bilang proteksyon at buong lakas nadinikit sa katawan nito para naman itong napaso kaya nabitawan siya at bumagsak sa sahig saka siya lumabas na nag iiyak para humingi ng tulong.
Gumapang ang tiyanak sa Sahig nasaktan ito sa dinikit na rosaryo sa katawan kaya parang nakaramdam ng panghihina.
Nagtatakbo ng nagtatakbo naman ang duguan nurse pabalik sa mga kasamahan.
Itutuloy