Gabi na ng makauwi si Bea sa bahay nila hindi kasi niya maiwan ang baby parang ngayon palang ay ayaw na niyang mawalay ang paningin niya dito.
Tinignan muna niya ang mga picture na kuha nito sa cellphone niya bago bumaba ng kotse sobrang cute nito talaga.
Napapangiti siya dahil hindi mo aakalain na ampon lang ito kapag napunta sa kanila dahil sa kutis ay para itong nagmana sa kanila ng asawa. Sobrang puti at mamula mula pa.
Excited na siya na ayusan ito ng buhok kapag lumaki na ito at damitan na parang barbie doll. Sigurado siyang maraming maiingit dito dahil sa ganda nito.
Iniimagine na agad niya ang mga pwede nilang puntahan kapag naampon na nila ito. lahat ng mga disneyland o mga park ay pupuntahan nila.
Excited na siyang turuan din ito ng Mama na salita. Pinalitan na niya ang wallpaper ng cellphone at ito na ang ginamit. Ganun yata kapag nagkaanak na mas uunahin na ito kesa sa sarili o maski pa sa asawa.
Pati nga kung saan ito pag-aaralin ay iniisip na niya agad kumpleto naman na sila ng educational plan kaya wala ng problema dahil maganda ito sana ay maging beauty queen din ito kapag laki.
Sana ay maging lawyer ito. Dahil pangarap niya na maging abogado noong bata pa. Para mapagtanggol nito ang mga babaeng niloloko ng asawa o mga naaabusong kababaihan.
Nagpapasalamat siya dahil sa Tagaytay siya napadpad. Mukhang tinadhan talaga silang magkita ng sanggol at maging mag-ina sila.
Naalala niya tuloy na magkakaanak na rin ang asawa sa iba. Ano kayang gender nito? Lalake kaya? O babae rin? Kelan kaya manganganak ito?
Halos nakalimutan na nga niya mula kanina ang sama ng loob sa asawa at sa kabit nito. sobrang nawili kasi siya sa pagbabantay dito kung sakaling iwan siya ni Gerald para piliin ang ibang babae ay parang mas matatanggap na niya. papalakihin niya ang baby kahit mag isa lang siya. May ipon naman siya kakayanin niyang palakihin ito ng maayos.
Balak niya tuloy na magbusiness ng mga damit pang baby at ito ang gagawin niyang model. Papasa nga ito sa mga commercial ng diapers o gatas dahil sa itsura nito.
Buti nalang mas marami ang pangbabae na damit at gamit ang nabili niya kesa sa panglalake.
Noon kasi ay nangangarap sila ng maraming anak kaya kapag may nakikitang magagandang damit o gamit ay binibili agad nila mapalalake o babae man.
Ang sarap pala maging ina parang nakakabuo ng pagkatao. Parang napawi ang lungkot at stress niya sa paghihintay Lalo pa siguro kung galing sa dugo at laman niya ito baka mas matinding pagmamahal pa ang maramdaman niya.
Hindi pa rin naman din siya nawawalan ng pag-asa na magkakaroon sila ng sariling anak pero sa sitwasyon ngayon baka malabo na.
Ang saya sana kung may anak na rin silang sarili pero habang wala pa ay magpapractice na muna siya sa baby na nakuha.
Atleast meron na muna siyang pagkakaabalahan na baby habang hindi pa binibigay ng panginoon ang sariling anak.
Isa pa nabaling na sa iba ang atensyon ng asawa kahit ang pagmamahal nito ay nahati na. Sana lang ay huwag pati sa anak ay mahati rin ang pagtingin nito.
Para kasing nakikita niya na mas magiging matimbang ang pagtingin nito sa anak nito sa kabit kesa sa baby na napulot niya.
Ang balak niya lang ay kumuha ng damit at gamit babalik agad siya sa hospital. Binilisan na nga niya ang pagdadrive kanina pauwi dahil sabik na siyang mayakap ulit ito.
Umiyak kasi ito ng paalis na siya para tuloy kumirot ang puso niya parang ayaw siya nitong paalisin pero ayaw man niya iwan ay kailangan niyang umuwi. buti nalang sinabi ng doctor na may nurse na pag-iiwanan niya dito para mag bantay.
Nagulat pa siya ng makita na nakaupo si gerald sa sofa at doon na nakatulog kahit masama ang loob dito ay ginising pa rin niya ito.
Bea:"Gerald, Gising! bakit dito ka natulog?" Tinapik sa mukha ito. Gusto sana niya sabihin na buti hindi ito nakikipag usap sa kabit nito o baka nakatulugan ang pakikipag usap sa babae nito.
Napabalikwas naman si Gerald ng gising at agad niyakap ang asawa ng makita itong nakatayo sa tabi niya.
Gerald:"Bea? saan ka ba galing? alalang ala ako sayo!" Sumimangot naman si Bea naalala niya na pagkaalis palang niya nga ay tumawag na agad ito sa kabit nito at kung nag aalala ito bakit nakatulog? edi sana ay hinanap siya o nasa labas para mag antay sa pagdating niya. Napakasinungaling talaga. Magaling lang sa salita kulang naman sa gawa.
Lalong bumibigat ang loob niya Napaka plastic nito. Ayaw na niya maniwala sa mga sinasabi nito baka nga nagkukunwari na lang ito talaga ng pakita sa kanya tulad ng sabi ni Zanjoe para hindi siya makahalata sa mga panloloko nito. Lalo lang siya nabibwisit. Gusto niyang sampalin ng paulit ulit ito.
Bea:"Tara Magbihis ka may pupuntahan tayo" Kumalas ito sa yakap ng asawa at dumiretso na ito sa kwarto nila at naglabas ng maliit na traveling bag. naglagay ng mga ilang damit nito.
Gerald:"Saan tayo pupunta? Gabi na ah? Hindi ka ba napapagod?" Napatigil sa pag-aayos ng gamit si Bea. Tinignan niya ang asawa.
Bea:"Bakit napapagod ka na ba?"
Gerald:"Bea?"
Bea:"Nakatulog ka na. Napapagod ka pa?"
Gerald:"Ah ang ibig ko sabihin bakit hindi ka magpahinga muna?"
Bea:"Basta bilisan mo at magbihis ka na"
Naguguluhan man ay hindi na nagtanong pa si gerald sumunod nalang siya sa asawa. Masyadong seryoso ang babae kaya hindi na siya kumibo. Minsan lang maging ganito ang asawa kapag may matinding problema o kaya ay masama ang loob.
Nang matapos kumuha ng ilang gamit ay umalis na rin agad ang mag-asawa nagtataka pa rin si Gerald sa kinikilos ng asawa kumuha pa kasi ito ng ilang damit ng baby sa kwarto para sa magiging anak nila sana.
Nag drive na agad ito ng mabilis. Sinubukan niyang hawakan ang kamay nito ng magtrapik at mahinto sila pero hindi ito humawak pabalik ng tulad ng dati. Seryoso pa rin ito at parang malalim ang iniisip.
Gerald:"Okay ka lang ba love?"
Bea:"Oo naman Bakit?" Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya.
Gerald:"Saan ka galing? Bakit ginabi ka na masyado?"
Bea:"Sa tagaytay"
Gerald:"Ha?! Bakit? Anong ginawa mo doon? Sinong kasama mo? Ikaw lang mag-isa?"
Gusto sanang sabihin ni Bea na dahil sa kawalanghiyaan nito kaya siya nakarating doon para magpalipas ng sama ng loob pero hindi niya masabi.
Bea:"Oo ako lang, Wala naman may tinignan lang ako. Umalis din ako"
Gerald:"Sana sinama mo ako kung gusto mo pala na doon magpunta para doon na tayo dumiretso kanina pag-uwi"
Bea:"It's fine, sandali lang naman ako doon umalis na rin ako agad hindi ako nagtagal" nakatutok pa rin ang tingin nito sa daan.
Gerald:"Teka papunta ito sa Hospital ah! Naconfine ba mommy mo? Anong balita? Napano siya?" Napatingin ito sa dinadaanan nila.
Bea:"Hindi"
Gerald:"Bea? ano ba meron? Anong nangyayari? Please tell me. Kinakabahan ako eh!" Diretso pa rin ang mata ni Bea sa pagdadrive.
Bea:"Bakit ka kinakabahan? Bakit may ginawa ka ba?" Hindi nakasagot si Gerald. Parang sasabog ang ulo niya sa kakaisip. Napatingin sa kanya si Bea.
Bea:"Makikita mo rin. Gerald... mahal mo pa ba ako?"
Gerald:"Ano bang tanong 'yan? Syempre naman" pero sa isip nito ay parang biglang sumagi sa isip niya si Julie at ang magiging anak dito. Kinabahan tuloy siya na baka alam na ni Bea. May nangyari ba kay Julie? Nagkita ba sila? Alam na ba ng asawa ang totoo? Nagsumbong ba ang babae sa asawa? kung alam na nito malamang ay nagagalit na ito ngayon o nagwawala na.
Bea:"Kahit hindi ako magkaanak?"
Gerald:"Sumumpa tayo sa altar na magsasama sa hirap at ginhawa naniniwala ako na magkakaanak tayo" totoo naman ang sinasabi niya umaasa pa rin naman siya pero nangyari na ang sa kanila ni Julie.
Bea:"Salamat naman kung ganon"
Gerald:"Kinakabahan ako eh ano bang nangyayari? Bakit tayo pupunta sa hospital?"
Bea:"Palagay ko mabubuo na tayo"
Gerald:"A- anong ibig mo sabihin? Buntis ka?" Umiling ito.
Bea:"Wish ko lang... pero mukhang nadinig na ng diyos ang hiling ko"
Ngumiti na ang babae kaya nakahinga ng maluwag si Gerald. Mahal naman niya talaga si Bea. Perfect wife ito pero hindi niya masasabing perfect Mother dahil hindi ito makabuo ng anak para matawag silang pamilya.
Ang sabi nga hindi ibinibigay ang lahat. Maganda ang financial status nila. Maayos ang family background nila. Artistahin ang itsura nila pero pagdating sa pagkakaroon ang anak ay olats sila.
Matapos magpark ng kotse ay magkahawak kamay pa silang pumasok sa hospital at dumiretso sa isang kwarto.
------------
Sa hospital, umiiyak si Nurse Mandy puro kalmot kasi siya at dumudugo na. Balak niya sanang buhatin ito pero bigla itong nagalit. Nagpalit ito ng anyo at kinagat siya saka pinagkakalmot.
Pagtingin niya sa mukha nito ay napasigaw siya dahil naging Tiyanak ito. May matutulis na ngipin at kuko. Nanlilisik ang mata nito na kulay pula at naging kulay Itim ang maputi nitong balat.
Nagsisigaw na lumabas si Nurse Mandy palabas ng kwarto buti nalang talaga ay palagi siyang may rosaryo na dala kahit saan man pumunta.
Nakailang kalmot at kagat ang tiyanak sa kanya pero buti nalang ay hindi siya nawalan ng pag-asa. tunay nga na walang makakatalo sa diyos.
Ngayon palang siya nakaengkwentro ng ganoon sa buong buhay niya. Mas nakakatakot pala ang personal kesa napapanood sa mga movie at tv. Totoo pala ang mga lamang lupa na kwento ng lola niya.
Daig pa niya ang bida sa isang palabas yun nga lang totoo ang lahat. Kung may cctv lang sana sa loob ng kwarto tiyak mag va-viral at trending ito sa buong mundo.
Buti nalang talaga at nakatakas siya. magsisimba talaga siya sa linggo para magpasalamat. Pangalawang buhay niya na ito.
Sinalubong naman siya nila doctor Paz kasama ng mga kasamahan na nurse pinakita niya ang mga kalmot at kagat sa kanya.
Gulat na Gulat ang mga ito sa itsura niya ikinuwento din niya ang pagiging tiyanak ng baby.
Mandy:"Huhuhu tulong!"
Doc Paz:"Mandy? anong nangyari?! Bakit ang dami mong sugat? Kanino ka nakipag wrestling?"
Mandy:"Huhuhu Doc! Hindi! Ka-kasi Yung baby Ti-tiyanak! Kinalmot at kagat ako. Bubuhatin ko sana kaso nagpalit ng anyo. Buti nalang nadikitan ko ng rosary kaya nakatakas ako" Patuloy na iyak nito.
Doc Paz:"Ano? Tiyanak?! Ows?!" Napahawak pa ito sa bewang.
Nurse 1:"Hala! Mandy ang dami mong sugat tara dapat magamot 'yan!" Hinila nito si Mandy pabalik sa Nurse Station at kinuha ang first aid kit.
Nurse 2:"Oo nga baka mainfection pa. Teka anong sabi mo naging tiyanak? Yung cute na baby na dala nung magandang babae?"
Mandy:"Oo! Tiyanak ang baby na 'yon! Hindi siya cute! Halimaw siya! Impakto! Huwag kayo lalapit dahil kampon ng demonyo iyon!"
Pinaupo nila si Mandy na nanginginig pa rin sa takot. Pinainom ito ng tubig dahil nerbiyos na nerbiyos pa rin kasi ito.
Doc Paz:"Ano? Sigurado ka ba? May tiyanak ba talaga?" Taas kilay pa ito at parang hindi naniniwala. Tinaas naman ni Mandy ang mga braso at inilapit dito.
Mandy:"Doc nakikita mo ba ito? Tanga ba ko na susugatan ko sarili ko at isisisi sa baby?! Halos mamula itong uniform ko sa dami ng dugo" Uminit na ang dugo niya sa baklang doctor.
Doc Paz:"Kalma! Nagtatanong lang may tiyanak ba sa city? Tara puntahan nga natin 'yang sinasabi mong impakto ng mapatunayan!" pakembot na nauna na itong naglakad papunta sa kwarto ng baby. Nagsisunuran naman ang tatlong Nurse dito.
Hindi kasi makapaniwala ang mga ito at sama samang pumunta sa kwarto ng baby nakita nila ito na nakadapa sa lapag.
Doc Paz:"Nasan? Nasan ang tiyanak? Ayang nakadapa?" Nguso nito sa sanggol nakadapa at hindi gumagalaw. Nagkatinginan naman ang tatlong Nurse.
Mandy:"'Oo Yang baby! Siya ang tiyanak! Maniwala kayo sa akin hindi 'yan totoong tao! Maligno yan! Impakto! Lamang lupa! Kampon ng demonyo! Mapanganib yan! Lumayo kayo!" turo nito sa sanggol.
Nurse 1:"Hala! gosh! kakatakot naman baka magpakita ng mukha ngi!" Tumakbo ito sa likod ng baklang doctor na hindi pa rin naniniwala At nakapa mewang.
Nurse 2:"Baka habulin tayo! Pero teka bakit nakadapa at hindi gumagalaw anong nangyari sa tiyanak?"
Mandy:"Nadikitan ko kasi ng Rosary kanina nung inatake niya ako kaya nanghina siguro pero 'wag kayo lalapit biglang aatake 'yan naghahanap malamang ng tiyempo"
Nakatitig lang ang apat sa nakadapang baby inaantay kung may mangyayari dito o kung magpapalit ng itsura.
Doc:"Ano na?"
Nurse Mandy:"Tiyanak 'yan! Maniwala kayo!"
Nurse 1:"Humihinga pa ba? Sipain ko kaya?!"
Nurse 2:"Sige! Kaso baka bigla kang sunggabin kagatin pa 'yan binti mo"
Nurse 1:"Oo nga. Ikaw na Doc!" Tumaas naman kilay ng Baklang Doctor.
Doctor:"Heh! Ako pa inutusan ninyo! Ikaw na Mandy tutal may injury ka na lubusin mo na. Buhatin mo dali! Tapos kukuhaan namin ng video para may evidence talaga! Saka natin i-cremate"
Nurse Mandy:"Ayoko! Ayoko nga! Kayo na baka mamatay na ako kapag sinugod ako ulit. Gigil na gigil nga sa akin kanina eh"
Nurse 1:"Kung dikitan mo kaya ulit ng Rosary para malaman natin malamang kung totoong tiyanak 'yan masasaktan diba?"
Nurse 2:"Oo tama! Para malaman natin kung nagkukunwari lang siya!"
Doctor Paz:"Good Idea! Go Mandy! Patunayan mo ang sinabi mong Tiyanak 'yan!
Wala naman magawa si Mandy kinapa niya sa bulsa ang rosaryong dala at mahigpit na hinawakan. Ilalabas na sana niya ito ng dumating sila Bea kasama ang asawa.
Tamang tama naman ang dating nila Bea nakita niya na nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto ang doctor at tatlong Nurse kinabahan na tumakbo siya palapit sa mga ito baka anong nangyari sa baby pero lumaki ang mata niya ng makita na nakadapa ang baby sa lapag.
Bigla itong umiyak ng umiyak nagulat naman ang doctor at tatlong nurse sinanggi sila ni Bea para makapasok at binuhat niya agad niya ito dahil nag iiiyak pinagalitan niya ang mga doctor at nurse.
Bea:"Wtf! ano bang klaseng hospital to?! Bakit nasa lapag ang baby ko? Tapos nakatingin lang kayo?! Wala kayong ginagawa?! Ano pinapanood ninyo lang?! Nakita ninyo ng nasa lapag?! Napaka iresponsable niyo naman! Ikaw doctor ka! sabi mo kanina papabantayan mo ang baby ko ! 'yun pala isa ka pa sa walang pakielam!" Duro nito sa baklang doctor na napahiya naman sa gulat. Napatingin na rin kasi sa kanila ang ibang tao sa hospital. Napayuko naman ang dalawang nurse pero sumabat si Mandy.
Bea:"Baby ko nasaktan ka ba? Nandito na si Mommy! Anong ginawa nila sa'yo?" Naiiyak na tanong nito sa sanggol na umiiyak.
Mandy:"Naku Ma'am! Huwag po ninyo kargahin yan kasi Ti-" hindi na natuloy ni Mandy ang sasabihin dahil sinagi siya ng malakas ng baklang doctor sa braso. Nasaktan naman siya dahil natamaan nito ang mga sugat niya na gawa ng Tiyanak.
Doc Paz:"Ma'am, Pasensya na ho ito ho kasing Nurse na pinagbantay ko sa baby ninyo ay kinalmot ho daw niyang baby kaya ho pinuntahan namin kung anong nangyari. Nakita nga ho namin siyang nasa lapag dapat nga po ay kukunin na namin kasi dumating na po kayo"
Mandy:"Opo! Opo! eto po ang mga sugat na gawa niya! Kinalmot at kagat niya po ako kanina"
Pinakita ng nurse ang mga sugat at kalmot pero hindi naniwala si Bea. Tignan lang niya na naiinis ang Nurse at mga kasama nito. Uminit agad ang ulo nito sa nakitang kalagayan ng baby. Nagkabukol at pasa pa kasi ito. At umiiyak pa rin.
Bea:"Ano? Kakalmutin ka? Nakikita mo bang baby lang ito?! May kuko ba ito matalim?! May ngipin na ba? May pangil? Adik ka ba? Baka nakainom ka! Eh kung ireklamo ko kayo ng child abuse? Pabaya kayong lahat! Private hospital ito pero daig ninyo pa na sa public sa kawalan ng amor sa mga pasyente!"
Sasagot pa sana si Mandy pero hinila na siya ng mga kasama palabas Humingi naman ng paumanhin ang doctor sa nangyari.
Hindi na sumagot si Mandy dahil malamang hindi naman ito maniniwala. Sinara na agad ni Bea ang pinto kaya nag alisan na ang mga ito.
Doc Paz:"Nagalit tuloy Hmp!
Mandy:"Pe-pero doc totoo naman ang sinasabi ko!"
Doc Paz:"Mandy tama na, narinig mo ba yung sinabi? baka kasuhan tayo ng child abuse aba baka mawalan tayo ng license madamay pa tayong lahat pati itong hospital. Ang mabuti pa pagalingin mo nalang ang mga iyan. Okay?"
Hinila nalang si Mandy ng dalawang kasamahan at tinuloy ang paggagamot ng mga sugat niya.
Mandy:"Ouch ang sakit" Sobrang hapdi ng mga sugat nito na nilalagyan ng alcohol para hindi ma impeksyon.
Nurse 1:"Tiisin mo girl, Nako pepeklat ito" Iiling iing ito habang dahan dahan na nililinis ang sugat ng kasamahan. Hihihipan pa nito ang braso ng Mandy.
Nurse 2:"Buti hindi sa mata o mukha ka na dale kundi sira ang beauty mo hirap pa naman magpaganda"
Mandy:"Oo nga eh dahan dahan lang masakit talaga" napapasipol siya sa hapdi ng bawat pahid ng bulak sa sugat niya.
Nurse 2:"Magpalit ka na ng damit puro dugo iyan baka matakot pa ang ibang mga tao kapag nakita ka sabihin may k*****y ka. Buti hindi ako ang pinagbantay baka patay na ako ngayon"
Nurse 1:"Ako nga rin"
Nurse 2:"Nako nasa loob ang mag-asawa baka mapano"
Nurse 1:"Buksan mo ng bahagya ang pinto nila ng makita natin"
Nurse 2:"Si-sige" niligpit na ng mga ito ang ginamit sa paggagamot ng sugat ni Mandy. Tumakbo ito ulit sa tapat ng kwarto nila Bea.
Nurse Mandy:"Huwag ka maingay" Senyas nito sa Nurse. Tumango naman ito.
Binuksan nga ng isang nurse ang pinto ng dahan dahan hindi naman nakita ng mag-asawa ang pagbukas ng pinto. Dali daling bumalik sa Nurse station ang nurse at tinanaw nila ang mag-asawa habang nilalagyan ng benda si Mandy sa mga braso.
---------
Si Gerald naman ay parang napipi sa nakita may baby na karga si bea.
Gerald:"Love? si-sino yan? Saan galing yan?" Gulat na gulat siya kanina ng makita na baby pala ang pupuntahan nila.
Napatigil sa pagkarga si Beqcsa tanong ng asawa. Nakalimutan na niya ang asawa dahil sa init ng ulo niya. Sobrang napamahal na kasi agad siya sa bata kaya ganun nalang ang inis niya. Ngayon pa lang niya nga ito nakasama ay sobrang nasasaktan na siya ng makita na umiiyak ito. Kinuwento niya ang lahat ng nangyari maliban sa alam na niya ang pagtataksil nito.
Gerald:"A-anong sabi ng pulis? Hindi ba pupunta ang DSWD?" Hindi nito alam kung kanino titingin. Papalit palit ito ng tingin sa asawa at sa sanggol.
Bea:"Hmm bukas pupuntahan ako nung pulis dito para malaman kung pwede kong kunin ang baby o kung may nag iwan lang ba dito doon sa tagaytay pero sana wala na talaga kasi balak kong ampunin ito para magka-anak na tayo"
Ang cute cute ng baby para itong anghel. Nilapit ni bea ang baby kay gerald pero dahil parang ilang ang lalake dito ay umiyak ulit ito.
Bea:"Oohh baby wag kana umiyak 'yan ang magiging daddy mo" sabay lapit nito ulit kay Gerald.
Gerald:"Napulot mo sa Tagaytay?"
Bea:"Oo, nung pauwi na ako"
Gerald:"Baka naiwan lang 'yan doon ng totoong magulang? Isoli natin baka makasuhan ka pa ng k********g"
Bea:"Anong isoli? Ilang oras ako nag antay pero walang dumating na kung sino man. Saka sana may nagpa blotter na o nag report ng missing. bakit ayaw mo ba? Matagal na natin pangarap magkaanak diba? Hindi ka ba natutuwa? Sabi din ng pulis hindi ito naiwan lang mukha daw walang mag cla-claim dito"
Hindi makakibo si gerald naiisip niya paano kung ampunin nga ang baby ni bea tapos malaman na may anak siya sa iba.
Parang biglang sumakit ang ulo niya kitang kita niya na masaya si Bea dahil magkakaanak na sila pero mas gusto niya sana kung galing sa kanilang dalawa talaga at hindi lang basta napulot.
Tinignan niya muli ang baby at binuhat medyo naiiyak pa ang baby pero niyakap niya na ito. Masaya naman nakatingin si Bea. Sana ito na ang simula ng pag buo nila ng masayang pamilya.
Natuwa naman si Gerald dahil ang ganda nito at ang taba aakalain mo talaga na sakanila ito galing.
Gerald:"Kung wala talagang kukuha okay kunin natin kung gusto mo" Napangiti na rin ito habang natitig sa kargang baby. Napakaganda nito sa tingin niya ay ganito rin ang magiging mukha ng sariling anak nila kung magkakaroon sila. Naisi niya si Julie, ano kaya ang magiging itsura din ng anak nila? Siguro cute din dahil maganda din naman ang babae.
Bea:"Salamat pero sana gusto mo rin" napatingin siya sa asawa.
Gerald:"Oo naman nabigla lang kasi ako sa surprise mo sobrang kabado na ako nung wala ka sa bahay tapos ayaw mo sabihin kung anong nangyari 'yun pala naka pulot ka na nang bata"
Napaiyak si Bea gusto niya talagang makabuo sila ng pamilya kahit na ba ampon lang ito ay mamahalin niya ito ng buong puso.
Gerald:"Parang kamukha ko na ah ang pogi oh!"
Bea:"Hoy, Hindi ah! ako ang kamuka! saka babae yan noh! Pogi ka diyan!"
Gerald:"Ay babae pala haha naka blue kasi na suot"
Bea:”Hehe, nagmadali kasi ako kaya kuha lang ako ng kuha nung bumili ako ng dait na pansamantala niya naisip ko kasi marami naman sa bahay”
Nagtawanan naman sila. Nilapag muna ni Gerald ang baby sa kama at niyakap si Bea.
Gerald:"Kapag wala talagang magulang na kukuha sa kanya ayusin natin ang adoption papers niya para malinis na mauwi natin siya ng walang problema. Alam mo na mahirap pag may naghabol"
Bea:"Oo sige. Sana nga wala ng kumuha sa kanya. Ano kaya ang sasabihin ng mga magulang natin?"
Gerald:"Edi masaya may instant apo sila agad. Wala pa gastos sa panganganak, hindi ka pa nasaktan Love"
Bea:"Matanggap kaya nila? Sorry Gerald ha kung hindi kita mabigyan ng anak na galing mismo sa atin pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na someday magkakaroon tayo sana makaantay ka pa" lumuluhang sabi nito.
Kumirot ang puso ni Gerald sa sinabi nito. Napaka selfish niya para tuloy siya nginangatngat ng kunsenya dahil nakabuntis siya ng iba. Pinag isipan niya pa na hiwalayan ito dahil sa paparating na anak. Eto ngayon ang asawa niya sa pagka desperado ay umampon na ng sanggol.
Pinunasan niya ang luha ng asawa at niyakap ng mahigpit gusto niyang humingi ng tawad at aminin ang totoo pero hindi niya kayang masaktan ito lalo na at nakikita niyang desperado na itong mag ampon para lang may maging anak na sila.
Alam niyang ginagawa ito ni Bea para sa kanya mahal niya ang bababe hindi niya ito kayang iwan lalo pa pag naampon na nila ang baby nag e-effort ito na mabuo sila.
Naisip tuloy niya si Julie at ang anak nila. Sana ay hindi rin ito gumawa ng gulo. Alam niyang atat na atat na kasi ito na magsama na sila at naiintindihan naman niya na gusto nitong may kalakhan na ama ang anak nila. Napatingin nalang siya sa baby sa kama napakaganda nitong bata. Ano kayang itsura ng anak nila ni Julie? Lalake kaya o babae? Nangako nga pala siya na sasamahan itong pacheck up.
Kung mas nauna sana itong nakuha ni Bea baka hindi mangyayari ang sa kanila ni Julie. Baka hindi siya nasisiraan sana ngayon kakaisip paano maayos ang gulo na ginawa naisip niya sila Zanjoe gusti niya makuha ang reaction ng mga ito.
Gerald:"Teka pipicturan ko siya sesend ko nga kila Sam at Zanjoe"
Bea:"Oh sige. Eh kila mommy kaya?"
Gerald: “Saka na natin sabihin kapag sure na natin siya makukuha para magulat rin sila”
Bea: “Kung sa bagay sige saka na natin sila tawagin para Makita nila”
Gerald: “Oo Love, mag gagawa tayo ng party saka natin siya ipapakilala”
Kinuhaan nga ni Gerald ang baby at pinadala kila Sam at Zanjoe. Sinabi niya na may napulot ang asawa na baby at balak nilang ampunin. Unang nag reply dito si Sam.
Sam: Wow! Okay ah! May instant baby kayo. Ang cute! Kagigil ang pisngi ang taba! saan ninyo nakuha?
Send
Gerald: Sa Tagaytay, Antay lang maayos papes para walang problema at wala maghabol
Send
Sam: May ate ba ‘yan? O kahit batang Tita? Hahahaha! Ang ganda oh!
Send
Gerald: Loko! Malay ko! Hahaha!
send
Sam: Sige, Antayin ko nalang lumaki ‘yan! Hahahaha! Sige alagaan ninyo mabuti ang future wife ko J huwag ninyo akong kunin ninong diyan Hahahaha! Jo-jowain ko ‘yan paglaki.
Gerald: Loko! Siraulo ka talaga!
Send
Iiling na lang na natatawa si Gerald sa kalkohan nito.Galit naman na binato ni Zanjoe ang cellphone matapos makita ang sinend sa kanya pero agad ding kinuha. Nagreply ito kay Gerald.
Zanjoe: paano si Julie? Akala ko ba sasabihin mo na ang totoo kay Bea bago pa manganak yung isa? Laking gulo niyan! Bakit ka pa pumayag na kumuha ng ganyan?! Loko loko ka! Lalo mong sinasaktan si Bea! Ano ka ba?! Hindi ka nag-iisip.
Send
Gerald: Papanagutan ko naman yung bata pero ngayon mas importante si Bea at itong bata. Zanjoe, si Bea lahat ginagawa niya para matawag lang kaming pamilya. Napakasama ko naman kung aabandunahin ko sila lalo ngayon may baby na din na involve.
Send
Zanjoe: Baka magwala 'yon pag nalaman na may ampon kayo. Ano gagawin mo lang siyang kabit talaga?! Gerald naman konting consideration. Baka mapaanak ng wala sa oras 'yun pinapaasa mo rin siya sa wala eh! At sa tingin mo ba matatanggap ni Bea na may totoong anak ka sa iba? Lalo mo lang siyang sasaktan at pinapatagal mo pa ang kasalanan mo! Ibalik ninyo 'yan baby kung saan ninyo man nakuha pati 'yan damay sa kalokohan mo!"
Send
Gerald: Alam niya una palang na may asawa ako wala siyang karapatan magalit basta sosoportahan ko ang anak namin pero hindi ko na iiwan si Bea. Mahal ko ang asawa ko. Oo aamin ko naman may part sa akin na napamahal si Julie pero dahil lang naman sa anak namin. Iba na sitwasyon ngayon. Kahit pa magalit si Bea kung malaman man ninya hindi ko siya hihiwalayan. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Julie.
Send
Zanjoe: Bahala ka! Huwag mo ako idamay sa problemang ginawa mo ah! Sinabihan na kita noon na hiwalayan na ang asawa mo. Ginagawa mo lang siyang tanga eh! Pinapaasa mo na magiging maayos ang pagsasama ninyo pero ginagago mo naman! Anong plano mo? Bubuo ka ng dalawang pamilya? Ayos ka Pre! Huwag kang sakim! Hindi lang dalawang babae ang sasakytan mo. Yang mga baby na 'yan magkakaroon ng mga isip din anong gagawin mo kapag nalaman ng pamilya ni Bea? Ipapakulong ka! Kayo! Sinabi ko na sa iyo noon pa na maliit pa ang tiyan ni Julie ipa annull mo na ang kasal ninyo para sabihin na wala na kayo ng may mabuntis kang iba. Eh wala trip mo din yata na maging salawanan!
Send
Gerald: Zanjoe, Pwede? Sinend ko itong picture para ipakita na masaya kami ng Bea. Alam ko naman ang kasalanan ko hindi ko nakakalimutan. Pero ngayon nalinawan ang isip ko. Hindi ko kayang mawala si Bea. Si Bea ang mahal ko. Si Bea ang gusto kong makasama pagtanda. Hindi man kami magkaroon ng sariling anak. Hinding hindi ko siya iiwan. Kung habambuhay man ang gugulin ko mapatawad niya lang ako ay gagawin ko. Sana maintindihan mo. Ako na ang bahala kay Julie. May ipon naman ako hindi naman sila magiging kawawa ng anak namin. Ibibigay ko ang lahat sa bata. Pero malabo na sila ang pakisamahan ko. Kung gusto ni Julie ibigay niya sa akin ang baby at ako na ang magpapalaki para makabalik siya sa buhay niya. Willing ako. Salamat sa mga payo mo alam kong ayaw mo lang na lalong lumaki ang gulo pero ibigay mo na sa akin ito. Salamat
--------------------------------------------
Zanjoe:"Bwisit! Bwisit talaga!" Galit na galit na sigaw nito. Hinagis nito ang mga papeles na binabasa.
Zanjoe: “Lintik talaga! Hayop ka Gerald!” Inis na inis ito dahil akala pa naman niya ay nasisira na ng tuluyan ang pagsasama ng mga ito.
-------------------------------------------
Bea:"Anong sabi ni Sam? ni Zanjoe? Bakit parang kunot noo ka?"
Gerald:"Ha? Wala. Inggit daw sila saka ang ganda daw kamuka mo. Huwag mo na pansinin ang mga 'yun mga loko loko" natawa si Bea sa loob loob niyaikaw din loko loko. Babaeo pa.
Bea:"Sus. Teka ano bang magandang ipangalan sa kanya?"
Gerald:"Eh kung Angel? Ang amo amo ng mukha niya" Biglang umiyak ang baby.
Bea:"Ay haha ayaw niya eh kung Mary? Parang Mama Mary hehe" pero tuloy sa iyak ito.
Gerald:"Ayaw pa rin..Alam ko na!"
Bea:"Ano?"
Gerald:"Darna!" Tawa nito.
Bea:"Kainis 'to!" Tinapik tapik nito sa hita ang baby.
Gerald:"Haha bakit oh tignan mo tumigil ng iyak. Ano baby like mo Darna name?"
Tinanong pa nito ang baby na akala mo at sasagot.
Bea:"Darna?"
Gerald:"Ayaw niya ng Angel edi Darna nalang tutal eh nag Darna naman si Angel di ba?"
Bea:"Ang talino mo sa part na 'yon"
Gerald:"Haha ayaw mo ba? edi Marian na lang!"
Bea:"Marian mas bagay sige! Marian nalang"
Gerald:"Hmm sige 'sing puti at ganda din naman niya ito"
Bea:"Si Bea pa naman ang type kong artista sana"
Gerald:"Ano gusto mo kapangalan mo? Mahirap yon! Pag tatawagin ko kayo pareho kayong sasagot ng yes daddy"
Bea:"Hahaha yes daddy!"
-----------
Sa hindi kalayuan nakasilip sila Nurse Mandy alam niyang hindi pangkaraniwan ang baby lalo at napulot lang pala ito malaki ang paniniwala niya na tiyanak ito talaga.
Nurse 1:"Mandy totoo ba talaga ang nakita mo?"
Nurse 2:"Oo nga tiyanak ba talaga?"
Mandy:"Sigurado ako sa nakita ko. Kulang pa ba na ebidensya ang mga sugat ko? Hindi ako tanga na magsugat para lang gumawa ng kwento. Kung kayo ang nasa lagay ko ewan ko lang kung makatakas kayo. Baka mas malala pa ang nangyari sa inyo. Ang nakakapagtaka lang hindi pa siya nagpapakita ng totoong anyo dun sa mag-asawa. Nabubuhat pa nila ng hindi ito nagbabagong anyo"
Nurse 2:"Saan ba talaga kaya galing yung baby na yub? kakatakot naman"
Nurse 1:"Sa Tagaytay nga raw eh. Oo nga balak pa naman ampunin nung magandang babae baka mapano sila"
Nurse 2:"Ang pogi rin pala ng asawa niya noh? Bagay na bagay sila"
Nurse 1:"Ang sabi gusto nilang ampunin talaga yung tiyanak halos pilitin nga yung pulis di ba na icase closed para maayos ang mga papers"
Hindi naman kumibo si Mandy alam niyang manganganib ang buhay ng mag-asawa kapag inuwi ng mga ito ang Tiyanak. Baka sa bahay ng mga ito magpalit ng anyo. Baka doon sila atakihin.
Nurse 1:"Paano ba nagkakaroon ng tiyanak?"
Nurse 2:"Diba ang sabi sabi mga nilaglag na baby?"
Nurse 1:"Ha edi patay na talaga yun? Ngi nakakatakot"
Nurse 2:"Aba ewam, malay natin.Sa tagaytay daw niya nakuha diba? May Tiyanak ba dun? Parang wala naman akong nababalitaan"
Nurse 1:"Oo doon daw pero palagay ko baka iniwan lang din doon ng kung sino man. Malay mo doon lang nilagay para makapang biktima"
Nakatanaw lang sila kwarto nila Bea medyo nakauwang kasi ang pinto ito kaya kita nila na masayang yakap ng mag-asawa ang baby.
Nurse 1:"Tignan ninyo mukhang hindi na mapipigilan na kunin nila ang baby oh tuwang tuwa sila"
Nurse 2:"Kawawa naman sila kapag naging biktima sila. Wag naman sana"
Nurse 1:"Nagsasalita ba ang tiyanak? O parang baby lang talaga?"
Nurse 2:"Hindi yata. ano sa palagay mo Mandy? Ay sinabi ba siya sa’yo?"
Mandy:"Ewan, basta sinugod ako agad saka wala naman akong balak kumausap ng Tiyanak ang importante ngayon dapat ay madala sa simbahan 'yan o pa bless ng holy water ‘yang impakto na ‘yan baka maghasik pa ng lagim.nakakainis bakit hindi siya nagbabagong anyo?"
Napaisip din ng malalim si Mandy saan galing ang tiyanak na 'yon? Paanong nagkaroon ng ganun? Anong kakahinatnan ng mag-asawa kapag inuwi nila ang sanggol. Huwag naman sana magkaroon ng problema ang mag-asawa mukha pa naman mabait ang mga ito.
Itutuloy