Jenny's Pov Panay ang paghugot-buga ko ng hangin habang nakasandal ako sa kotse ni Andrew. Kanina ko pa ito hinihintay, ewan kung saan siya nagpunta. Dadalhin-dalhin niya ako dito sa Bar na ito tapos iiwanan. Kainis! Ayaw ko nga sanang sumama dahil iniisip ko si Benedict pero makulit ang lalaking iyon at hindi ako tinigilan. Minsan lang naman daw ito, saka para daw maka-relax ako. Sa itsura kong ito ngayon na kanina pa nilalamig, relax? Halos lumukot na ang mukha ko sa kakahanap sa kaniya. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ito. "Nasaan ka na..." naiusal ko. "I'm here, Baby girl!" muntikan pa akong lumundag nang marinig siyang nagsalita mula sa likuran ko. "Saan ka ba nanggaling? Kanina pa ako hanap nang hanap sayo, e. Dinala-dala mo'ko rito tapos iiwan lang din naman. Naku, Andr