Lyzander's Pov Isang sunod-sunod na katok ang nagpadilat sa inaantok kong mga mata. Nang magmulat ako ay kaagad kong inikot ang paningin ko sa paligid, kung saan ako naroon. "T-The f**k?" sambit ko nang malaman na nasa likuran ako ng aking sasakyan. Magdamang akong natulog dito? Gano'n ako kalasing para hindi na makauwi sa condo ko? Napahawak ako sa sentido ko nang sumidhi ang kirot niyon. Parang binibiyak ang ulo ko ngayon sa sobrang sakit dahil sa kalasingan! Iyan kasi...alak pa, Lyzander! Bulyaw ng isipan ko sa akin. Muling may kumatok sa side window ng kotse ko kaya naman napatingin ako roon. Isang traffic enforcer ang nasa labas at lukot ang mukha. Nakita ko iyon mula sa loob ng sasakyan ko. Ano kaya ang problema nito sa akin? Para malaman ko ay kailangan kong lumabas ng kotse ko.