Lyzander's Pov Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa malambot na kama dito sa silid ko. Kakauwi ko lang galing ng Pilipinas. Pang-tatlong beses ko na itong uwi doon. Nagbabakasakali na mahanap siya, pero bumalik lang ako sa bansang ito na bagsak ang mga balikat. Saan ba siya nagpunta? Ang buong akala ko ay magkasama na sila ni Eric sa iisang bahay at magkakaanak na, pero bakit wala siya roon? Pinuntahan ko si Eric para kausapin pero pinagbintangan niya lang ako na kinidnap ko raw si Jenny, like what the f**k? Silang dalawa ang magkasama tapos hahanapin niya sa akin ang dalaga? Marahas akong napabuga ng hangin habang nakatingin sa kisame. "Where are you?" Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Wala naman siya sa kanilang bahay, at kahit ang kapatid niya ay hinahanap rin ito. Gal