Kabanata-7: Strawberry farm

1258 Words
Jenny's Pov Wala ako sa mood na nakaupo sa malaking ugat ng kahoy na nakausli sa lupa habang hinihintay sina Inay at Itay kasama ang buwesita nilang amo na dumating. Kumuha kasi ang mga iyon ng kabayo na siyang sasakyan namin papuntang Strawberry farm. Medyo may kalayuan ng konti ang farm sa bahay namin at medyo malubak ang daan kaya naman kabayo ang sinasakyan namin patungo doon. Kanina habang nag-uusap ang mga magulang ko at ang amo nilang iyon ay napag-alaman ko na kakauwi lang pala ng asungot na iyon galing America. At mayroon itong negosyo na pinamamahalaan sa Maynila. At kaya lang pala ito nagawi sa Baguio ay dahil iyon ang gusto ng ama nito. Ewan ko nga ba kung bakit bad trip ako sa lalaking iyon. Ang feeling niya masyado kasi. Mga gayong klaseng pagmumukha ay mahirap pagkatiwalaan. Itsura palang chick boy na! Samantalang napatayo naman ako nang makita ko ang paparating na dalawang pares ng kabayo. Ang isang kabayo ay sakay sina Inay at Itay, ang isa naman ay sakay ang amo nilang panget! Agad na tumigil ang mga iyon sa harapan ko. "Tara na, anak!" ani ni Joselito. Ang pangalan ng ama ko. Nagtatanong naman ang mga mata kong tiningnan si Itay. "Saan po ako sasakay?" takang-tanong ko sa kan'ya. Maliwanag naman kasi na sa isang kabayo ako sasakay kasama ang sir nila na ngayon ay nakangisi na sa akin. "Saan pa edi sa likod ka ni Sir Lyzander. Oh, paano mauuna na kami sa farm ha. Ingat kayo!" wika ni Itay. Hindi nagtagal ay alikabok na lang ang nakikita ko sa daan. "Are you gonna stand there? Why would you come here and sit behind me or... infront of me, so we can start our journey to Strawberry farm," Napalingon naman ako sa kan'ya. Inismiran ko siya saka walang gana na lumapit rito. Inilahad niya ang palad niya sa akin ngunit hindi ko iyon tinanggap. Kaya kong umakyat sa kabayo na wala ang tulong niya. Journey raw! Heh! "Kaya ko na," ani ko na walang kagana-gana. Nagkibit-balikat naman ito. "Sabi mo, eh." Ngunit naka-ilang subok na ako ay hindi pa rin ako maka-akyat. Pinagpapawisan na rin ako. Mahaba naman ang mga biyas ko pero hindi ko talaga magawang umakyat. Narinig ko pa ang pagtawa niya kaya muli ko siyang binalingan. "Anong nakakatawa?" masungit kong tanong rito. "May regla ka ba ngayon? Bakit ang sungit mo? Just accept my help nang sa gano'n ay makaalis na tayo rito." sabi nito sabay lahad muli ng kamay niya sa akin. Noong una ay nag-atubili pa ako, pero kalaunan ay wala rin akong choice kundi ang tanggapin iyon. "Hiyaaah!" Nang biglang tumakbo ang kabayo ay muntikan na akong mahulog dahil hindi ako nakakapit sa bewang niya. Kaya sa sobrang gulat ko ay napayakap ako ng wala sa oras. "That's it, baby! Come closer and hold me tight!" Alam ko sa mga oras na iyon na kahit hindi ko nakikita ang mukha ng asungot na ito ay paniguradong nakangisi na naman ito na parang aso. Kung may choice lang ako ay hindi ko hahawakan ni dulo ng buhok nito. Pero dahil wala nga ay heto ako ngayon, nakayakap sa matitipuno niyang katawan. In fairness mabango siya huh! Nanunuot sa ilong ko ang panlalaki nitong pabango. Hindi iyon masakit sa ilong, hindi ko pa maiwasang hindi ipikit ang mga mata ko para damhin iyon kasama ng hangin na tumatama sa mukha ko. Hoy, Jenny! Baka malason ka ng pabango niya! Napamulat pa ako sa aking naisip. Inilayo ko ng kaonti ang mukha ko sa likuran niya. Mahirap na baka malason nga ako. Ilang minuto ang tinakbo namin bago narating ang farm. Nang tumigil ang kabayo ay agad bumaba si Lyzander. Muli ay inilahad nito ang palad sa akin upang tulungan akong makababa. Napa-irap muna ako sa hangin bago ko iyon tinanggap. Akala mo naman sinong gentlemen eh, nagnanakaw nga ng halik! "Oh, anak, halika ka na at tulungan mo kaming mamitas. Sama ka na rin, Sir." paanyaya ni Inay sa amin. Tumango naman ako saka akmang kukunin ang basket pero napatigil ako ng sabay namin iyong abutin ni Lyzander. Hindi ko alam pero parang saglit na tumigil ang paligid ko. Tila naging slow motion ang lahat sa paningin ko ng maramdaman ko ang paglapat ng mga balat namin sa isa't isa. May kakaiba akong naramdaman galing sa palad niya. Tila ba may libo-libong boltahe ng kuryente na galing doon papunta sa katawan ko. At nang makarating iyon sa puson ko ay tila ba nakaramdam ako na parang may mga paru-parong nagliliparan doon. Pakiramdam ko ay nahilo ako sa kakalipad nila kaya naman umikot ang sikmura ko at napa-duwal na lang ako bigla. "What the f**k!" Lahat ng mga tao roon ay napatingin sa amin ng marinig ang pagmura ni Lyzander. Sina Inay at Itay ay napatakbo na rin sa aming direksyon upang alamin kung ano ang nangyayari. "Anong nangyari?!" sabay na tanong ng mga magulang ko sa amin. "Your daughter vomit in my own hands! What the hell is her problem? Mukha bang sukahan ang palad ko?" natataranta na sabi ni Lyzander. Agad itong tumakbo at tinungo ang water jug na nakapatong sa silya saka ginawang panghugas ng kamay ang inomin na tubig na laman no'n. Halos makalahati niya ang laman no'n. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa ng mga oras na iyon dahil sa kahihiyan. Bakit ba kasi ako nasuka? At bakit ba kasi sa palad niya pa ako napabuga? Kahit sino naman siguro ay matataranta sa ginawa ko. Nakakahiya as in! "Jenny, anak, okay ka lang ba? Ano ba ang nangyayari sayo huh?" may himig pag-aalala ang boses na iyon ni Inay. Napatingin lang ako sa kan'ya at hindi malaman kung ano ang isasagot. "Anak, bakit mo naman sinukahan ang kamay ni Sir? Nakakahiya ka," mariin namang tanong ni Itay. Malalim akong napabuntonghininga. Kahit ako ay hindi ko rin alam. Kasalanan iyon ng mga paru-paro kanina sa sikmura ko. "Nahilo po kasi ako. Baka dahil iyon kanina sa pagsakay ko ng kabayo. Pasensya na po," iyon na lang ang idinahilan ko. Napailing na lang sila sa sinabi ko. Napatingin ako kay Lyzander na ngayon ay madilim ang mukha habang walang tigil sa pag-i-spray ng alcohol sa palad nitong nasukahan ko. Hindi ko alam pero napangisi ako. Mabuti nga sa kan'ya, at least naipaghiganti ko na ang ginawa niya sa akin last time. Pasalamat pa nga siya at hindi mukha niya ang binugahan ko ng suka. Baka maghilamos siya ng alcohol kapag nagkataon. Tumigil si Lyzander sa ginagawa at binalingan ako. At dahil doon, nagtama ang mga mata namin. Hindi ako bumitaw, nankipaglabanan ako ng titig sa kan'ya. Hindi ko alam kung ilang minuto namin na ginawa iyon. At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko iyon ginagawa. Siguro dahil hindi ako magpapatalo sa kan'ya. Pero ang akala ko ay kaya kong hindi alisin ang mga mata sa paningin niya, ngunit nagkamali ako. Ako ang unang sumuko dahil hindi ko na nakayanan ang klase ng paninitig niya sa akin. At kapag hindi ako umiwas ay baka masuka na naman ako dahil sa sandaling iyon ay naramdaman ko na naman ang pag-ikot ng sikmura ko. Kinuha ko na lang ang basket at nagsimulang mamitas ng prutas at hindi na siya muli pang binalingan. Hindi rin nagtagal ay naramdaman ko na siya sa likuran ko. Hindi ko man siya nakikita ay alam ko na tinititigan niya ako. Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi rin nagtagal ay tumutulong na rin siya amin sa pamimitas ng strawberries.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD