Kabanata-6: The buwesita!

1453 Words
Jenny's Pov Sabado ngayon at walang pasok. Kaya naman naglaba ako ng mga marurumi naming damit. Maaga pa lang ay inumpisahan ko na iyon para naman maaga akong matatapos dahil magre-review pa ako mamaya ng mga pinag-aralan namin this few days ago. Habang naglalaba ay sumagi sa isipan ko ang halik na iyon. Ang pagnakaw ng halik sa akin ng lalaking abnoy na iyon! Muli ay bumalatay ang inis sa dibdib ko. Ang walang hiya! Ang kapal ng mukha na kunin ang first kiss ko! Inis kong kinuskos nang kinuskos ng brush ang pantalong maong ni Itay. At iyon ang naabutan ni Inay kaya nagulat pa ako nang batukan ako nito. "Hoy loka-loka! Kung ayaw mong maglaba ilagay mo iyan d'yan hindi iyong pagbabalingan mo ng inis iyang lumang pantalon ng Itay mo!" Napangiwi ako sa panenermon ni Inay sabay kamot ko sa ulo ko kung saan niya ako binatukan. "Inay naman eh! Nagda-drama lang naman ako rito eh, makabatok naman wagas!" reklamo ko. Pero pinamewangan niya lang ako. "Ano bang nangyayari sayo? Kahapon ka pa wala sa sarili ah? Ano iyong pinabili ng Itay mo? Bakit imbes na gamot sa sipon eh, gamot sa high blood ang binili mo!" Muli ay napangiwi ako sa sinabi ni Inay. Ewan ko bang gamot pala sa high blood ang nabili ko at hindi gamot sa sipon! Hindi ko kasi namalayan eh. Paano mainit ang ulo ko nang pinabili ako ni Itay no'n kahapon. Kaya siguro gamot sa high blood ang nabili ko. "Hoy Jenny, anak! Okay ka lang ba? Ako ang kaharap mo ngayon hindi kaaway! Bakit gan'yan ka tumingin sa akin huh? Parang itutumba mo naman ako sa tingin mo na iyan!" napakurap-kurap ako sa sinabi ni Inay. Pilit akong ngumiti sa kan'ya at iwinaksi ang madilim kong mukha. Kasalanan kasi 'to ang asungot na iyon eh! "Ay, hindi po Inay. Nagpa-practice lang po akong maging kontrabida. Sige po, doon na po kayo. Iniistorbo niyo ako sa paglalaba ko eh." wika ko na ikinataas ng kilay niya. "Hay nakung bata ka! Normal naman kitang pinanganak pero ewan ko kung bakit ka gan'yan!" Parang maiiyak si Inay na iniwan ako sa poso. Nagdadabog itong pumasok sa aming bahay at nagsumbong kay Itay. "Ang arte naman." bulong ko pa. Halos mag-tanghali na ng matapos ko ang paglalabada. Kasalukuyan akong nagsasampay sa likuran ng aming bahay nang marinig ko na para bang may bisita kami. Naririnig ko kasi iyon mula sa likuran ng bahay dahil malapit lang iyon sa kusina namin. Maliit lang naman ang bahay namin. Half semento at half ay plywood. Kahit maliit lang ito ay masaya naman kami. Marami kaming tanin na iba't ibang halaman sa paligid no'n kaya naman kaaya-aya kung ito'y tingnan. Nagmamadali akong tinapos ang pagsasampay dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom. Naririnig ko na naman ulit ang ingay sa loob ng bahay. Ang pagkalansing ng babasaging baso na tinatago pa ni Inay sa aparador at inilalabas lang kapag may bisita. "Hmm. Sino kaya ang masuwerteng bisita na iyon?" wika ko sa sarili. Mabuti pa ang bisita nagagamit ang babasaging baso samantalang kami ni Edmon na anak ay plastik na baso lang! Kaloka naman kasi itong si Inay, bakit kasi kailangan pang itago ang mga basong iyon at ilalabas lang para sa bisita? Hayss... "Jenny, anak!" "Ay anak ng tipaklong naman oh! Si Itay naman eh!" gulat kong bulalas nang tawagin ako ni Itay. "Iwanan mo na muna iyang ginagawa mo anak. Halika't kakain na tayo. Dalian mo na dahil may bisita tayo ngayon na sasabay sa panananghalian," saad ni Itay at muling pumasok sa loob ng bahay. Napailing na lang ako. Tinapos ko na lang muna ang ginagawa ko para naman hindi ko na iyon babalikan mamaya. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob. Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit hindi naman iyon masyadong basa. Inayos ko na lang ang pagkapusod ng buhok ko. Ginawa ko iyong bun at ang sobra no'n ay nakalugay sa pisngi ko. Malaking damit ang suot ko. Oversized shirt na nauuso ngayon sa mga kababaihan. May short ako pero hindi na iyon nakikita dahil hanggang tuhod ko ang shirt. Nang masiguro na maayos na ang itsura ko at hindi naman ako mabaho dahil hindi pa ako naliligo, ay tinungo ko ang balkon dahil doon naglagay ng pagkain si Inay. Subalit nang madatnan ko kung sino ang bisita nila ay agad na natigil ako sa paglalakad. Napakuyom ako ng kamao at handa na sana siyang sugurin pero natigil ako nang magsalita si Itay. "Halika na, Jenny anak! Halika, ipapakilala ko sayo ang amo namin ng Inay mo. Nakakatuwa lang dahil binisita niya tayo rito!" Masayang sabi ni Itay na siyang ikinatigil ko. Pinigilan ko ng mariin ang sarili ko. Ayokong mapahiya ang mga magulang ko kapag inatake ako ng pagiging leon ko. Kaya ng kumalma ang dibdib ko ay taas noo akong lumapit sa kinaroroonan nila. Nakita pa ng gilid ng mga mata ko kung paano ako pasadahan ng tingin ng asungot, nakita ko rin ang pagsilay ng ngisi sa labi nito. Hindi pala 'to bisita kundi buwesita! Buwesit! Naupo ako sa silya katabi ni Edmon at walang sali-salita. Pa-simple akong siniko ng kapatid ko kaya napabaling ako sa kan'ya. "Paki-ayos naman ng gusot mong mukha, Ate. May bisita eh." anito. "Tss. Buwesita kamo!" mahina kong bulong na ikinanganga ni Edmon. "Jenny, anak, siya si Sir Lyzander. Anak siya ni Sander Greyson, ang amo namin ng Inay mo." Pakilala ni Itay sa lalaking panget na kasama namin sa hapag ngayon. Wala akong gana na tumango. Wala akong panahon sa lalaking ito. Kung alam lang nina Itay at Inay ang pagnakaw nito ng halik sa akin malamang lagot 'to! "Nice to meet you, Jenny," anang lalaki na inilahad pa ang palad niyang malapad. Akala mo kung sinong mabait! Parang 'di makabasag pinggan! Eh, kung basagin ko kaya ang pinggan sa mukha nito? Letse! Dahil ayokong mapahiya ang mga magulang ko ay walang gana kong tinanggap ang pakikipag-kamay niya. Wala akong kangiti-ngiti sa kan'ya dahil hindi niya deserve ang maganda kong ngiti. "Mamaya ililibot ka namin, Sir, sa mga taniman ng strawberry. Tiyak na mawiwili po kayo roon. Isasama ko rin si Jenny para may maka-usap kayo. Madaldal iyan at tiyak na hindi kayo mabuburyo." saad pa ni Itay. Gusto kong tumutol pero hindi ko nagawa. Ayaw ko namang mapahiya ang mga magulang ko lalo't amo nila itong lalaking 'to. Malalim akong napabuntonghininga. "Okay. I think this day is very fun. I'm so excited!" ani pa ng asungot. Fun-fun-in ko iyang pagmumukha mo eh! Inis kong wika sa isipan. "Manalangin muna tayong lahat," sabi ni Inay. Nanalangin muna kami upang magpasalamat sa grasya na nasa aming hapag ngayon. Iyon ang nakagawian namin bago kami kumain. Habang nakapikit ang mga mata ko at nakikinig sa padasal ni Inay ay naramdaman ko ang isang binti na tinutulak ang binti ko mula sa ilalim ng mesa. Naidilat ko ang mga mata upang tingnan kung kaninong paa ba iyon. At gano'n na lang ang pag-angat ko ng mabilis ng aking ulo nang makita kung kanino iyon. Sa buwesitang lalaki pala iyon! Nang tingnan ko siya ng masama ay nakangisi lamang ito sa akin. Tinataas-baba pa niya ang malalago nitong kilay. At may pakindat-kindat pang nalalaman na loko-loko niya! Sinipa ko ang paa niya dahil sa gigil. Kaharap ko lang kasi siya at katabi niya si Inay. Si Itay naman ay nakaupo sa pang padre de pamilya na trono, habang katabi ko naman si Edmon. "Aray! Bakit ka naninipa, Jenny?" aniya ni Inay nang matapos ito sa pagdarasal. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napayuko dahil ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Putik! Ang akala ko paa na ng asungot iyon. Hindi pala! "M-may kuwan kasi nay... May pusa sa ilalim at kinakalmot ang binti ko!" palusot ko. Iiling-iling naman akong tiningnan ni Inay. "Anak, wala tayong pusa rito. Hindi ba allergic ka sa balahibo no'n?" Natameme ako sa sinabi ni Inay. Oo nga pala. Kahit aso ay wala kami dahil nababahing ako sa mga balahibo nila! "Alam mo anak, gutom lang iyan. Ikain mo na lang iyan." sabi pa ni Inay. Nakanguso akong kumuha ng pagkain at kumain. May pagkakataon na sinusulyapan ko ang asungot at huling-huli ko siyang nakatitig sa akin. At nabu-buwesit ako sa tuwing ngingisi siya. Kala mo naman guwapo siya! Nakakasira ng araw! Bakit pa kasi ito pumunta sa bahay namin? Binigyan pa ako ng obligasyon na samahan ang lalaking ito mamaya. Pero may magagawa ba ako? Malamang wala. Amo namin ito. Sila ang nagbibigay ng trabaho sa mga magulang ko. At sila rin ang nagpapaaral sa akin. Kaya wala nga akong magagawa! Letse namang buwesita 'to oh! Sigaw kong muli sa isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD