Kabanata-28: Sad and broken

1750 Words

Nang dahil sa insidenteng naganap sa CS ay dalawang araw akong hindi pumasok sa trabaho. Si Ma'am Cecil ay pinili rin na isara muna ang Mini Store dahil nagka-trauma rin ito sa naganap na pangho-hold-up sa amin. Binawalan na rin ako ni Eric na bumalik pa ulit roon, pero wala akong balak na sundin ang kaniyang gusto. "Jen, mas maigi kong sa akin ka na lang magtrabaho, mas mababantayan pa kita. Mahirap na baka bumalik pa iyong holdaper doon. Hindi ako mapanatag eh." pangungulit pa sa akin ni Eric. Naka-upo kami ngayon sa harap ng hapag-kainan at kasalukuyang kumakain ng almusal. Tiningnan ko siya nang hindi sumasang-ayon na tingin. Alam kong hindi siya titigil sa pangungulit niya, pero hindi rin ako titigil sa kakasabi ng ayoko. "Ayoko, Eric. Okay na ako roon. Saka hindi na iyon babalik.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD