1 month later... Jenny's Pov Isang buwan na ang nakalipas, at heto pa rin ako. Parang basang sisiw na nakatayo hindi kalayuan sa puntod ng mga magulang ko. Hindi ako makalapit, hindi ko kasi kaya. Kaya pinagkasya ko na lang ang sarili na panoorin sila mula sa malayo. Pasasaan rin at makakaya ko na silang lapitan. Pero sa ngayon, hindi na muna. Hindi ko pa napapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanila. Malalim akong napabuntonghininga. Muli ko pa silang pinagmasdan bago ko nilisan ang lugar. Kanina ay pinuntahan ko rin ang paaralan kung saan nag-aaral si Enton. Tinatanaw ko na lang rin siya mula sa malayo dahil hindi ko pa kayang kausap siya. At ayokong marinig muli na sumbatan niya ako dahil masakit iyon para sa akin lalo't totoo naman ang sinasabi niya. Gusto ko sanang humingi