Kabanata-11: Lyzander

1409 Words
Lyzander's Pov I walk as I button my suit on the way to the elevator. Medyo tinanghali kasi ako ng gising kaya nagmamadali ako sa pag-alis sa condo ng isang babaeng nakilala ko kagabi lang. Isang sikat na modelo ito. Si Sabrina. Sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko na nagawa pang umuwi kagabi. Kaya nang magising ako kanina at maalala na may mga meeting akong i-attend ay ganoon na lamang ang pagmamadali ko. Iniwan ko si Sabrina sa condo nito na walang paalam at agad akong sumakay ng taxi pauwi sa condo ko sa Makati. May sarili kasi akong condo at doon ako naglalagi. Boring naman kasi sa bahay dahil mag-isa lang ako doon. Lalo ko lang maiisip ang babaeng nakilala ko sa Baguio at kalaunan ay naging kaibigan ko. Si Jenny. That simple but a very attractive woman. I missed her. Ilang buwan na ba akong hindi bumisita sa Baguio? Almost four months na yata. Maliban kasi sa busy ang schedule ko sa mga sunod-sunod na appointment ay sinasadya ko talagang iwasan ang dalaga. Hangga't maaari ay ayaw kong mahulog lalo sa kan'ya. Ayaw kong magkaroon siya ng puwang sa dibdib ko. Nakipagkaibigan lamang ako sa kan'ya dahil sa isang pustahan. One year ago ay nagpustahan kami ni Trevor. Dahil nga likas na mailap sa akin si Jenny at palagi itong galit ay iyon ang naisip namin ng gabing makita niyang magkasama kami ng dalaga. Ang pagpustahan kung makukuha ko ba ang loob ng dalaga o hindi. Kung magiging isa ba siya sa mga babae ko o hindi. At ako nga ang nagwagi dahil hindi nagtagal ay nakuha ko ang loob niya. Pero hindi ang maging babae siya. Eric knows na gusto kong idagdag sa koleksyon ko si Jenny that's why na kinontra niya ako. I know rin na may gusto siya kay Jenny kaya naman hindi ako nagpapatalo sa kan'ya. Dapat ako ang magustuhan ni Jenny at hindi siya. At hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ko iyon ginagawa. Kaya nga iniwasan ko na lang ang dalaga. Pero kahit narito na ako sa Maynila ay naroon pa rin siya sa isip ko. Bakit kaya gano'n? Napailing ako. Katulad ng madalas kong gawin ay iwinaksi ko sa isipan ang dalaga. Pagkapasok ko sa elevator ay agad kong pinindot ang numero kung saan ako tutungo. May tatlong meeting ako na pupuntahan ngayon. At sa susunod na linggo ay kailangan kong pumunta ng America. Bibisitahin ko ang mga parents ko na ayaw na yatang umuwi rito sa Pilipinas. Pagkalabas ko ng elevator ay agad akong sinalubong ng aking personal secretary na si Kherra. "Good morning, Sir! The meeting is ready and of course your very black coffee!" nakangiting wika niya. Kinindatan ko ito kaya namula ang pisngi at tila kinilig pa. "Thanks, Kherra." sabi ko rito. "Ang guwapo mo talaga, Sir! Hay naku!" aniya pa. Matagal ko ng sekretarya si Kherra at kung ibang babae lang ito ay siguro pinatulan ko na. Pero hindi ako pumapatol sa empleyado ko. Malandi ako, oo. Pero pagdating sa loob ng company ko ay seryuso ako. Seryuso raw pero kanina lang kinindatan niya si Kherra! Gago! Hindi naman kasi halata na may gusto siya sa akin. Kung umakto nga siya minsan ay parang nobyo niya ako. Kulang na lang siya ang magpaligo sa akin sa sobra niyang pag-aasikaso. Inaabangan na nga yata niya ako palagi sa labas ng elevator. Parang alam na kaagad niya kung nandiyan na ako. Pagkapasok ko sa loob ng opisina ko ay agad kong kinuha ang kape sa ibabaw ng mesa. Mas nauna ko pa iyong kunin sa mga papeles na nandoon. Pampadagdag lakas ko kasi iyon lalo na medyo marami akong gagawin ngayong araw. "Sir, tara na po sa Conference room," malambing na sabi ni Kherra mula sa likuran ko. I gave her a bossy look. "Who's the boss here, Kherra?" seryuso kong tanong sa kan'ya. Ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong pangungunahan ako sa desisyon ko sa buhay. Nakita ko siyang napatigil sa pagpapa-cute niya sa akin. Namutla rin ito. Alam niya rin kasi kung kailan ako seryuso at hindi. "Y-you, S-sir..." "Mabuti naman at alam mo, Kherra. So huwag mo nang uulitin na utosan ako, understand?" "Y-yes, S-sir. I'm so—" "Okay. Now get out." Mabilis naman siyang tumalikod at lumabas ng office ko. Naparolyo ako ng mga mata. Nasira tuloy ang araw ko. Naupo muna ako sa couch habang patuloy na hinihigop ang kape. Ako ang boss kaya sila ang maghintay sa akin sa Conference room. Tumayo lang ako nang tuluyan ng maubos ang kape na iniinom. Lumabas ako ng office bitbit ang mga papeles na kakailanganin. Pagbukas ko ng siradura ng Conference room ay agad na napaupo ng tuwid ang mga naroon. They know me. I am Lyzander. Kilala bilang malandi, chick boy at kung ano pa ang tawag nila sa akin. But also they know me for being who really am I. Minsan ang nakikita ng mga mata ay hindi lahat totoo. Dahil alam nila kung sino talaga ako. I'm a monster when it comes to business. Kaya nga sa akin pinamamahala ni Dad ang mga negosyo dahil alam niyang maaasahan niya ako. Madalas akong maglakwatsa pero bago ko iyon ginagawa ay sinisigurado ko munang maayos ang takbo ng negosyo namin. Taas-noo akong humarap sa mga kasamahan ko sa loob ng silid na kinaroroonan namin. Isa-isa silang tumango sa'kin bilang pagbati. "Good morning everyone. And the meeting is on." ani ko sabay buklat ng hawak na folder. ... Matapos ang tatlong meeting na in-attend ko ngayong araw ay pagod kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa. Dumiretso na ako ng uwi sa condo at hindi na muling bumalik sa opisina ko kanina. Iidlip na sana ako pero naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng slacks na suot. Wala sana akong balak na pansinin iyon pero sadyang papansin ang tumatawag kaya wala akong nagawa kundi ang kunin iyon sa bulsa ko at mabilis na pinindot ang button na hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. "What the f**k? Istorbo!" inis kong sabi sa kabilang linya habang hinihilot ang sentido ko. Nakakapagod kasi ang araw na ito kaya gusto ko na lang matulog pero inistorbo naman ako ng kung sinong ito—sabay tingin ko naman sa screen. What the... Jenny? Oh s**t! "J-jenny?" Para akong nahimasmasan. Napatayo ako mula sa kinauupuan at napakamot sa aking batok. Ang walang hiya mo naman Lyzander sinigawan mo siya! Aniya ng piping isipan ko. I call her name once again. At sana naman ay magsalita na siya. Natahimik kasi ito. Baka nagulat ito sa inakto ko. "Jen? I'm sorry. I didn't know na ikaw pala ang tumatawag. M-medyo pagod lang kasi ako," sabi ko. s**t hindi ko maiwasang kabahan! "O-okay lang, Lyzander. M-may sasabihin lang sana ako..." "And what is it, Jen? Spill it." Tangina bigla yata ako naging interesado sa sasabihin niya. Four months akong hindi nagpakita sa kan'ya tapos ngayon na tinawagan niya ako ay parang daig ko pa ang sinilaban ng lighter sa puwet dahil sa pagkataranta ko. "B-birthday ko kasi sa lunes...gusto sana kitang imbitahin." Lunes? Eh, iyon ang araw na pupunta ako sa America. Napakagat ako sa hintuturo ko. What to do Lyzander? Matagal akong nag-isip kaya matagal rin akong hindi nakasagot kay Jenny. "O-okay lang k-kung hindi ka makapunta, Lyzander. I understand." Nahimigan ko ang pagkabigo sa tono ng boses niya kaya lalo kong nakagat ang dulo ng hintuturo ko. Tatanggihan ko ba siya? Hindi kaya sasama ang loob niya sa akin? s**t bahala na nga! "Hmm, Jen? Ganito na lang, susubukan kong makapunta riyan sa lunes, okay? Hindi ako mangangako pero susubu–Jen? Hey, are you still there?" agad akong napatingin sa aparato. "f**k! Pinatayan niya ako?" Natapon ko pa ang cellphone sa sofa. Pinatayan niya ako ng tawag ibig sabihin galit siya?! Buwesit namang buhay ito oh! Pero bakit ba ako nagpapaapekto sa kan'ya? Hindi ba mas mabuti nga iyon na hindi ako pumunta para hindi kami magkita? Gago, matitiis mo ba? Sigaw ng isipan ko. Inis kong ibinagsak ulit ang sarili ko sa sofa. Mukhang hindi ko yata matitiis ang dalagang iyon. Birthday niya at tiyak na malulungkot iyon. Kaya nga siya nag-effort na tawagan ako tapos tatanggihan ko lang siya. Aba ang sama naman yata ng ugali ko niyan! Kaya sige na nga, pupunta na lang ako. Bahala na muna ang mga parents ko sa America total malalaki naman na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD