Jenny's Pov
"Jenny, anak, dahan-dahan naman! Baka mabasag iyang mga pinggan!" saway sa akin ni Inay. Pangatlong sabi na niya iyon magmula pa kaninang umaga. Malalim akong napabuntonghininga at binalingan si Inay na ngayon ay nakapamewang na sa akin.
"Dahan-dahan naman, Nay, ah." ani ko at sinadyang hinaan ang tono ng boses.
Ngunit isang batok ang nakuha ko kay Inay. Kaagad akong napangiwi sabay kamot sa aking ulo.
"Anong dahan-dahan? Eh, kanina pa naririndi ang tenga ko sa kakalansing ng mga iyan na parang nag-i-ispadahan! Nagdadabog ka yata, eh?"
"Naku, hindi inay!" Mabilis kong sagot.
Tinaasan niya ako ng kilay at nanunuri ang mga mata na pinasadahan ako ng tingin.
"Dahil kay Lyzander no?" aniya.
"Hindi po!" Namumula ang pisngi na saad ko. Nahuli niya kasi ako kanina na kausap si Lyzander kaya nga kaagad kong pinatay ang tawag.
Ang totoo kasi niyan ay nagtampo talaga ako sa lalaking iyon. Ilang buwan na ngang hindi nagpapakita tapos tatanggihan pa ang imbistasyon ko. Kesyo titingnan lang daw kung makakapunta siya o hindi, tsk!
"Sus, magsisinungaling ka pa. D'yan ka na nga! Paki-tapos na iyang ginagawa mo at manananghalian na tayo." wika ni Inay. Naiwan ako sa kusina at pinagpatuloy ang paghuhugas.
Eh, nakakainis naman kasi talaga. Paningin ko nga sa mga pinggan na hinuhugasan ko ay mukha ni Lyzander kaya naman kinuskos ko nang kinuskos! Kapag iyon talaga ay hindi pumunta, hindi ko na siya papansinin!
Sus, kaya mo? Tanong ng utak ko.
"Kayang-kaya!" biglang sabi ko. Ngunit isang batok na naman ang nagpagising sa diwa ko.
"Kayang-kaya rin kitang batukan ng ilang beses kapag hindi ka pa umayos riyan!" singhal ni Inay Martha sa akin. Saka ako tinalikuran.
...
Nang hapon na iyon ay inaya ko ang kapatid na si Enton upang samahan ako sa bayan. Sabado kasi ngayon at balak kong mamili ng mga kakailanganin ko sa lunes. Para sa kaarawan ko.
"Tara na, bunso." wika ko sa kaniya.
"Oy, si Ate excited! Palibhasa tatanda na siya!" pang-aasar pa nito sabay tawa.
Kaagad ko siyang inismiran at tinaasan ng kilay.
"Hoy, para sabihin ko sayo magna-nineteen pa lang ako no! Batang-bata at walang jowa!" ungot ko sa kapatid ko na ikinatawa lang nito.
"Dapat lang na hindi ka muna magno-nobyo, anak. Kami muna ng inay mo at kapatid mo ang isipin mo. Ang lalaki ay nariyan lang iyan pero kami na pamilya mo ay darating ang araw na mawawala na. Kaya mas maigi na kami muna bago ang iba." wika ni Joselito na nakatayo sa bukana ng pintoan.
Kinilabutan ako sa sinabi ni Itay. Bakit naman kasi gano'n ang pananalita niya? At saka wala naman akong balak na mag-nobyo ah. Pag-aaral ang laman ng isipan ko dahil para iyon sa kanila. Lahat ng pagsisikap ko ay para sa pamilya ko. Dahil pangarap ko na maiahon sila sa kahirapan. Nilapitan ko si Itay saka ito inakbayan.
"Tay, naman. Kung anu-ano ang sinasabi mo. Syempre po kayo talaga ang uunahin ko. Mahal ko po kayo. Mahal ko ang pamilya ko kaya nararapatan lang na kayo ang first sa list ko." saad ko at hinalikan sa pisngi si Itay.
Si Enton na natahimik sa isang sulok sa sinabi ni Itay ay tumayo rin saka nilapitan si Itay at inakbayan rin. Maya-maya ay lumabas rin si Inay mula sa silid nila at nakipag-yakapan rin sa amin.
"Basta sama-sama tayo palagi ay masayang-masaya na kami ng Inay niyo. Huwag niyo lang kaming iiwan." ani pa ni Joselito.
"Ang drama mo naman, mahal. Syempre maaari ba iyon? Pamilya tayo. At ang pamilya ay hindi nag-iiwanan!" saad ni Martha.
"Naku, tama na nga ang drama," ani ko na naluluha sa hindi malamang dahilan. Kumalas ako sa pagyakap sa kanila at pinahid ang luha sa pisngi. Sa isiping iiwan ko ang mga magulang ko ay hindi ko na kakayanin. Kahit pa siguro anon mog mangyari ay hindi ko iyon gagawin. Kahit dumating pa ang araw na magkaroon ako ng sariling pamilya ay kukunin ko pa rin sila sa ayaw at gusto ng lalaking mapapangasawa ko. Baka iwanan ko pa ang asawa ko kapag hindi ito pumayag.
"Tara na, Enton. Baka gabihin tayo." Muling aya ko sa kapatid.
"Mag-iingat kayo anak ha. Nariyan na ang listahan ng mga bibilhin mo kay Enton para wala kayong makalimutan. Malayo pa naman ang bayan." sabi ni Joselito.
"Opo!" Sabay naming sabi ni Enton.
Sumakay ka kami ni Enton sa pampasaherong jeep. At pagkarating namin sa bayan ay agad naming binili ang mga kakailanganin namin. Nag-print rin kami ng mga projects ni Enton para sa school nila. At ako habang nasa bayan ay ginawa ko na rin lahat ng mga projects ko para sa school. Nang sa gano'n ay isahang lakad na lang ang lahat. Malayo pa naman kami sa bayan at medyo may kamahalan ang pamasahi. Kaya sa tuwing makapunta kami sa bayan ay lahat ng puwedeng bilhin ay binibili na kaagad.
Nasa isang foodcart kami naka-puwesto ni Enton nang may sasakyan na kulay itim ang nag-parking sa hindi kalayuan sa puwesto namin. Kasalukuyan akong kumakain ng kwek-kwek nang biglang bumukas ang bintana ng kotse at bumulaga roon si Eric. Ang dati kong professor. At ang manliligaw ko.
"Hi, Jen! Can I join?" anito na nakangiti.
Noon ay crush ko si Eric pero bigla na lang nawala ang nararamdaman ko sa kaniya nang umusbong ang pag-ibig ko para kay Lyzander. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari, basta ko na lamang iyon naramdaman.
"Sure, Eric. Halika ka, baba ka riyan." aya ko sa kaniya. Bumaba nga ito at naki-upo sa tabi ni Enton. Nag-appear pa ang dalawa. Nakakatuwa lang tingnan dahil vibes ang mga ito. Hindi katulad ni Lyzander na parang kaaway lagi si Enton. Hindi kasi close ang dalawa at ewan ko kung bakit.
Ayaw rin ni Eric na tinatawag ko siyang 'sir' kaya naman hindi ko na rin ginagawa.
"Heto oh," sabay lapag ko ng pagkain sa harapan niya. Paborito niya iyon. Isaw ng manok.
"Thanks, Jen!"
"Wow si Ate nilibre si Sir, samantalang ang bill ko ako pinababayad! Ang unfair mo naman ate!" reklamo ni Enton. Binatukan ko naman ito.
"Loko, anong libre? May bayad iyan dahil ihahatid niya tayo pauwi mamaya!" ani ko.
Napakamot sa ulo si Eric at natawa naman si Enton.
Kala yata ng mga ito may libre pa sa mundo.
"Nga pala, Eric, punta ka sa lunes ha,"
"Bakit? Anong meron?" takang-tanong nito.
Si Enton naman ang sumagot sa tanong niya.
"Birthday ni Ate, Sir."
"Talaga? Sige pupunta ako!" tila excited na sagot ni Eric.
Mabuti pa ang isang ito pupunta kaagad na walang pag-alinlangan. Samantalang ang isang iyon ay marami pang dahilan!
Bitter! Aniya ng utak ko.
Dahil sa isiping iyon ay sumama ang tabas ng mukha ko at napansin naman iyon ni Eric.
"Bakit? Ayaw mo bang pumunta ako? Kaka-invite mo lang sa akin ah." anito.
"Wala akong sinasabi. May naisip lang ako. Ano, tara na uwi na tayo? Baka gabihin tayo eh." sabi ko at nauna nang tumayo.
Wala silang nagawa kundi ang tumayo na rin at napasunod na lang sa likuran ko. Nakakasira naman kasi ng araw ang isang iyon. Kung bakit kasi nami-miss ko pa siya eh!
Gaga! Bakit sinabi mo ba sa kaniya na nami-miss mo siya? Tanong ng isipan ko.
Bakit ko naman sasabihin? Edi nabisto ako na may gusto ako kay Lyzander kapag ginawa ko iyon!
Naiinis akong kinurot ang sariling palad. Lalo lamang nasisira ang araw ko kapag naiisip ko siya. Bakit kasi hindi nalang siya pumunta? Edi, masaya na sana ako!
Sa inis ko ay binalingan ko si Eric saka sinabihan ng...
"Eric, pakitawagan naman si Lyzander na pumunta siya dahil kung hindi, hindi ko na siya papansinin kahit kailan!"
Huli na para bawiin ko ang sinabi ko. Nasabi ko na kasi iyon. At narinig na ni Eric at Enton.