Kabanata-10: Jenny

2003 Words
Jenny's Pov Para akong basang sisiw na kaawa-awa habang nakaupo at nakayukong nakikinig sa sermon ng mga magulang ko. Aba malay ko bang sinabi pala ni Joy na kakain kami sa labas at hindi ang pumunta ng Bar. Sa totoo lang ay hindi ko naman kasi narinig kung ano ang ni-rason niya kagabi eh. Akala ko kasi talaga ay sinabi niyang sa Bar ang punta namin. Napangiwi pa ako nang muling kurotin ni Inay ang hita ko. "Gaga ka talagang bata ka! Paano pala kung hindi si Sir Lyzander ang nakasama mo? Edi nadisgrasya kang loka-loka ka!" sabay gigil na kurot na naman sa akin ni Inay. Si Itay naman ay napapailing lang sa isang tabi at walang imik. "Sorry na po. H-hindi na mauu—" "Talagang hindi na dahil hindi ka na makakaulit!" saad pa ni Inay Martha saka ito humikbi at yumakap sa leeg ni Itay. "Ang anak mo, Joselito, pinapasakit ang ulo ko!" sumbong niya kay Itay. Muli akong napangiwi. Ang landi ni Inay hihi... "Nay, Tay, sorry na po... Wala naman pong nangyari sa akin, eh. Heto ako at buo pa rin naman." masigla kong sabi ngunit sinamaan lang ako ng tingin ni Inay. Alam kasi nila ang nangyari kagabi dahil kinuwento iyon ni Lyzander. Hindi naman ako nagalit sa lalaki, pasalamat pa nga ako at nandoon siya. Kahit na mainit ang dugo ko sa kan'ya ay nagpapasalamat pa rin ako at hinatid niya ako pauwi. Lasing kasi ako at walang maalala sa mga nangyari kagabi, maliban na lang sa nangyaring kaguluhan sa Bar. Matapos kong mapakinggan ang mahabang misa ni Inay ay nagpaalam na akong papasok sa eskwela. Absent si Joy kaya hindi ko siya makaltukan ngayon. Hindi bale na magkikita pa naman kaming dalawa ng isang iyon. Agad kong binati si Sir Eric nang makapasok ako sa loob ng room namin. "Good morning, Sir!" masiglang bati ko rito. Tumango siya saka ngumiti sa akin. "Good morning too, sit down." aniya sabay muwestra ng kamay sa upuan. Agad naman akong naupo. Nagsimula ang klase at nakikinig ako ng maigi kay Sir Eric nang makarinig ako ng pagsipol na nagmumula sa bintana ng room namin. Kasabay no'n ay narinig ko ang tilian ng kaklase kong babae sa may likuran ko. Napatingin ako sa bintana at si Lyzander na maharot ang nakita ko. Akala ko naman ako ang tinitingnan niya pero hindi pala. Ang kaklase kong si Scarlett pala iyon. Kaya pala kilig na kilig ang babae, buwesit! Napanguso ako at hindi na siya tiningnan pa. Bakit ba narito siya palagi sa University? Wala ba siyang trabaho? Kung sabagay mayaman pala siya kaya hindi niya kailangang magtrabaho. Hindi katulad naming mahihirap na isang kahig, isang tuka. Kung hindi kakayod ay walang kakainin. Narinig ko muli ang pagsipol, medyo may kalakasan pa nga iyon. Nang muli ko siyang balingan ay nagsalubong ang mga tingin namin. Ewan ko pero biglang tumambol ang dibdib ko. Napahawak pa nga ako roon. Kinindatan pa niya ako kaya agad akong napa-iwas ng tingin dahil ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Bakit gano'n? Pakiramdam ko ay nagha-heart ang mga mata ko sa lalaking iyon. Para yatang maha-heart attack rin ako dahil sa bilis ng pintig ng puso ko. At bakit bigla yata akong nagu-guwapuhan sa mukhang bangus na iyon? Nakainom ka lang ng tequila naging gan'yan ka na gaga! Anang kabilang bahagi ng utak ko. "Assumera!" narinig kong sabi ni Scarlett mula sa likuran ko. Nang sulyapan ko siya ay masama ang tingin niya sa akin. "He's mine." aniya pa. Napakunot-noo naman ako. Ano naman ang pake ko sa sinabi niya? Walang namang nakalagay na pangalan niya sa noo ni Lyzander para sabihin niya na kaniya ang lalaking iyon. Hindi ko na lang siya pinansin. Nang balingan ko si Lyzander ay wala na ito. Nanghinayang pa ako dahil umalis na ito. Teka, bakit naman ako manghihinayang? Ni hindi nga kami close no'n. Napahawak ako sa sentido. Hindi kaya epekto pa ito ng ininom kong tequila kagabi kaya kung anu-ano ang naiisip ko? Kung epekto nga ay hindi na talaga ako iinom ulit kahit na kailan! ... Maghapon akong bored sa eskwela. Paano absent ang hilaw kong best friend. Wala tuloy akong maka-usap. Naupo muna ako sa isang bence sa loob ng stadium habang nanonood ng mga naglalaro ng basketball. Ang mga grupo ni Scarlett ay naroon rin at todo sa pagtitili. Tila kilig na kilig pa ang mga ito sa mga player ng basketball. Wala naman akong hilig sa ganitong klaseng laro pero sa koboringan ko ngayon ay nakikinood na rin ako. Total maaga pa naman kasi para umuwi. "Go, Lyzander, baby!" mabilis akong napatingin kay Scarlett. Nakita ko siyang halos sabunutan na ang katabi sa sobrang kilig. Nang sundan ko ng tingin ang tinitingnan niya ay nakita ko nga si Lyzander. Ibang-iba ang itsura nito kumpara sa kilala kong Lyzander. Nakasuot lamang siya ng jersey at naghihimutok ang kakisigan niya. Pawis na pawis rin siya. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Nauuhaw yata ako. Kaya naman mabilis kong kinuha ang bottled water sa bag ko saka iyon mabilis na ininom. Ngunit nabuga ko ang tubig na iniinom nang tumama sa ulo ko ang bola. Halos magkanda-ubo-ubo ako sabay pahid ng panyo sa ilong dahil doon lumabas ang tubig. Putik! Ang sakit sa ilong! Narinig ko pa ang tawanan ng mga tao ngunit hindi ko na sila binigyan ng pansin. "Let me," aniya ng isang tinig. Napaangat ako ng tingin at si Lyzander ang nakita ko. Seryuso ang mukha nito. Gamit ang sariling panyo nito ay pinunasan niya ang mukha ko. Wala akong nagawa kundi ang mapatuod sa kinauupuan habang pigil ang sariling paghinga. Nakakahiya naman kasi baka bad breath ako at maamoy pa niya. Teka bakit ba bigla akong naging ganito? Ipinilig ko ang ulo at pinilit pakalmahin ang dibdib ko na parang sasabog na sa lakas ng t***k no'n. "Pasensya ka na, Jenny. Hindi ko sinasadyang matamaan ka ng bola," seryusong wika niya. Ibig sabihin siya pala ang nakatama sa akin? Napabuntonghininga ako. "Okay lang. Hindi mo naman siguro sinasadya 'diba?" "Of course not," mabilis niyang sagot. Akmang pupunasan pa niya ng panyo ang dibdib kong nabasa nang mabilis ko siyang pigilan sa braso. "Ako na. Baka ano pa ang mahawakan mo d'yan." sabi ko sabay pahid ng sariling panyo sa dibdib. Natawa naman ito saka tumayo na. "Sus, mukhang wala namang laman iyan kaya ano ang hahawakan ko diyan?" wika niya sabay talikod. Naiwan naman akong namumula ang pisngi. Napatingin rin ako sa sariling dibdib sabay hawak roon. "M-may laman naman ah. Hindi lang kalakihan..." parang sira na wika kong mag-isa. Nagtagal pa ako sa stadium at hindi ko alam kung bakit. Isa lang ang alam ko, si Lyzander ang dahilan kung bakit ako nagtagal roon. Habang tumatagal ay umiiba ang nararamdaman ko sa kan'ya. Kung dati ay palagi akong naiinis, ngayon naman ay lumalambot na yata ang puso ko. Mukhang okay naman kasi siya. Siguro hindi lang talaga maganda ang una naming pagkikita noon. Saka wala rin naman sigurong masama kung maging mabait na ako sa kaniya, isa pa amo siya namin at pamilya niya ang nagpapaaral sa akin kaya nararapat lang na maging mabuti ang pakitungo ko sa kaniya. Nang mag-uwian ay matagal akong naghintay ng jeep sa waiting shed. Halos punuan kasi ang mga dumadaan kaya hindi ako makasingit. Heto talaga ang pinaka-ayaw ko eh, iyong uwing-uwi ka na pero wala kang masakyan. Umiinit na nga ang puwetan ko sa kakaupo ng matagal. "Hi, Jenny." bati ng isang baritonong boses. Nang balingan ko iyon ay agad ko siyang nakilala. At katulad kanina ay bigla na namang lumakas ang t***k ng puso ko. "L-Lyzander..." mahina at utal kong sambit. Naupo ito sa tabi ko. "Why stammering, Jenny? Umeepekto na ba sayo ang kaguwapohan ko?" nakangisi niyang sabi. Agad naman akong nahimasmasan. At walang anu-ano ay hinampas ko siya ng hawak na libro sa ulo. "Gising hapon na," ani ko. Napahawak naman ito sa ulo niya at napangiwi. "Ang hilig mong manakit. By the way, uuwi ka na ba?" nakangiwi ito pero nakuha pang magtanong. "Hindi ba halata?" walang gana kong sagot. Nag-uumpisa na naman akong mainis, hayss. "Ang sungit mo talaga. Hindi ba puwedeng maging magkaibigan tayo? Palagi na lang mainit ang ulo mo sa akin." napakamot pa ito sa ulo niya. Magkaibigan? Nag-isip naman ako. Puwede naman siguro kami maging magkaibigan eh. Hamakin mo siya pa nga ang nag-aalok no'n samantalang siya ang nakakataas sa akin. Pero bakit kaya gusto niya ako maging kaibigan? "Bakit mo ako gusto?" Titig na titig ako sa mga mata niya. "Gustong maging kaibigan, Jenny. Pero kung gusto mong higit pa roon ay puw–aray! Naka-dalawa ka na ah!" Hindi niya matapos ang sasabihin nang muli ko siyang hampasin ng libro. Minsan nagugulat na lang ako sa sarili kong ito. Bakit kaya parang normal lang sa akin na gawin ito sa kan'ya? Parang walang hiya na nga talaga siguro ako. Boss ito ng mga magulang ko ang hinahampas-hampas ko eh! "Bakit nga gusto mo akong maging kaibigan?" ulit ko. Sa totoo lang ay parang matutunaw na ako sa kinauupuan ko dahil hindi ko lubos maisip na ginagawa ko itong ginagawa ko sa kan'ya ngayon. Naku, kapag nalaman ng mga magulang ko na sinisigaw-sigawan ko ang amo nila tiyak makakatikim na naman ako. "I don't know. Dahil siguro naiiba ka?" saad niya. Nagtaas-baba pa ang kilay nito. Naparolyo naman ako ng mga mata ko sabay ismid. Bahala na nga. Siguro kung ano man ang nangyari noong unang tagpo namin ay tapos na iyon. Ililibing ko na lang sa limot ang paghalik niya sa akin noon. Move on na yarn, Jenny? Aniya ng utak ko. "P-puwede naman." wala sa loob na wika ko. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Tila nasiyahan ito sa sinabi ko. "You mean, magkaibigan na tayo?" paniniguro pa niya. Tumango naman ako. "Okay!" masayang sabi niya. Laking gulat ko pa nang bigla niya akong yakapin. Hindi kaagad ako nakahuma kaya napaawang ang bibig ko. Ang ibang estudyante na naroon ay napatitig pa sa amin. Nahihiya kong tinanggal ang braso niyang nakayakap sa akin. "L-Lyzander, a-ano ba..." utal kong sabi habang iniiwas ang sarili rito. "I'm just happy, Jen. Pasensya na," natatawa niyang sabi saka lumayo ng kaonti sa akin. "Tara, Jen, doon tayo," wika niya sabay turo ng food court sa kabilang kalsada. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging sunod-sunuran sa kan'ya. Napatango ako at napatayo nang hindi ko namamalayan. Hinawakan niya ang palad ko saka ako hinila. Tumawid kami sa kabilang kalsada. Habang tumatagal na nakikilala ko si Lyzander ay naging malapit ang loob ko sa kan'ya. Masasabi kong babaero nga ito pero gentleman naman pala. Halos araw-araw ay nakaabang ito sa akin sa waiting shed tapos aayain akong kakain sa iba't ibang klase ng food court. Natutuwa ako at hindi naman pala siya maarte kagaya ng ibang mayayaman. At hindi rin siya mahirap pakisamahan dahil jolly siyang tao. Malakas ang sense of humor kaya madalas niya akong napapatawa. Mahangin rin siya at mahilig magbuhat ng sariling upuan. Pero ang totoo ay guwapo talaga siya. Palagi niya rin akong hinahatid sa bahay at nakikita ko ang kasiyahan sa mukha ni Inay dahil raw masaya ito at naging magkaibigan kami ni Lyzander. Pero kabaliktaran naman ang reaksyon ni Itay. Ngumingiti ito sa amin pero hindi ako manhid na hindi maramdaman na ayaw nitong malapit ako kay Lyzander. Days turn to months. And months turn to a year. Hindi ko namalayan na gano'n na pala katagal kaming magkaibigan ni Lyzander. Nasa second year college na ako at ilang buwan na naman ay mag-ti-third year na. Paminsan-minsan ay bibihira na siyang pumupunta sa Baguio dahil nga busy na ito sa negosyo niya sa Manila. Minsan hindi ko maiwasang malungkot dahil matagal kaming hindi nagkikita. Alam ko kung bakit ako nagkakagano'n. Iyon ay dahil nahulog na ako kay Lyzander. Hindi ko namalayan ang paglipas ng araw, buwan at taon. At hindi ko rin namalayan na mahal ko na pala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD