Minsan sa buhay natin ay hindi natin maintindihan kung bakit kailangan natin masaktan ng paulit-ulit. Katulad ko, hindi ko malaman kung gaano ba ako kasama para kunin na lang sa akin ng gano'n ang mga taong mahal ko. Nagmahal lang naman ako, at dahil sa pagmamahal na iyon ay doon nagsimula ang lahat. Parang nakakatakot na tuloy magmahal. Parang ayoko na sumubok ulit. Nakaupo ako sa veranda habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Hanggang ngayon ay ang sakit-sakit pa rin. Mahirap pa rin tanggapin na may isang tao na naman na kinuha sa akin. Ilang balde pa ba ng luha ang kailangan ko pagbayaran para matapos na ang lahat ng pagpapahirap sa akin? Isang tao lang ang minahal ko pero apat na kaagad ang kinuhang kapalit. Wala na yata akong iiyak pa dahil tila wala ng luha na lalabas sa mga ma