Jenny's Pov Sa sobrang sakit na nadarama ko ay hindi ko na magawa pang humakbang. Nanatili lang akong nakatayo, hanggang sa dumating sina Andrew at Nanay Cecil. Kaagad akong binuhat ni Andrew at dinala sa sasakyan na maghahatid sa akin sa Hospital. At dahil malapit lamang iyon sa lugar ay mabilis kami nakarating doon. Pagkabukas ng pintoan ng sasakyan ay nakaabang na sa akin ang stretcher sa labas na siyang magdadala sa akin sa delivery room. "'Nay-" sambit ko sabay hawak sa palad ni Nanay Cecil. Natatakot ako. Kinakabahan rin. Ngumiti siya sa akin at hinagkan ang noo ko. "Kaya mo iyan, anak. Ikaw pa ba. Alam kong makakaya mong harapin ang lahat, at kailangan mo iyong gawin. Hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo ako, kaya dapat matatag ka, ha." may himig kakaiba akong naramdaman sa si