1
Tori's POV
Minasahe ko ang binti ko dahil kanina pa ito nangangalay sa kaka paroo't parito ko sa pribadong opisina ni Jonas. Pakiramdam ko ay sinasadya niya talaga ako'ng pahirapan bilang parte ng 'paghihiganti kuno' niya.
Napairap na lang ako sa hangin nang muli na namang tumunog ang intercom.
"Ms. Alfonso, kindly bring me another cup of coffee," ana'ng kanyang baritonong boses mula sa kabilang linya.
Tangina, kape na naman? Nakailang kape na ba siya? Kanina pa siya kape ng kape. Kung hindi kape, papeles naman ang isasalubong niya sa akin.
Pero syempre, wala akong choice. Kailangan ko ng trabaho. Kailangan ko ito para malibang ang sarili ko. Para makalimutan ko ang lahat ng masasamang alaala ng nakaraan.
Pero paano ko nga ba magagawang kalimutan ang lahat, kung araw-araw kong makikita ang hudas na siyang dahilan ng lahat?
*************
"Miss, may I ask for your help?" ana'ng isang tinig.
Inayos ko ang suot kong specs at inangat ko ang mukha ko. Sumalubong sa akin ang kulay abo niyang mga mata. Muntik pa akong mapanganga kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko. Hindi tama na hangaan ko ang isang tulad niya.
Siya si Jonas Santiago. Isang dakilang playboy na siyang pinagpapantasyahan ng halos lahat ng mga kababaihan dito sa Wakefield International Colleges, isang prestihiyosong paaralan na ginagawang playground ng mga mayayaman at mahilig magwaldas ng pera. Basta may pera ka, siguradong makakapasok ka.
Pero sa kabila noon, maganda naman ang eskwelahan. Katunayan ay nangunguna ito sa buong lungsod kung pag-uusapan ang kalidad ng edukasyon. The price is right, ika nga nila.
Kung magtatanong kayo kung paanong nakapasok ang isang hampas lupang katulad ko dito, ang sagot ay dahil mayroon akong scholarship na nakuha. Gumraduate ako bilang Class Valedictorian noong High School at kasama sa mga benepisyong natanggap ko ay ang scholarship grant na pwede kong gamitin sa kahit na anong paaralan na gusto ko. May kasama pa itong book allowance kaya kahit papano ay gumaan ng kaunti ang college life ko.
Pero hindi sapat ang scholarship lang kaya naman naging working student ako. Kapag may break time ay nakaduty ako sa Library at mula alas syete ng gabi naman hanggang alas onse ay sa isang coffee shop. Kailangan kong magdoble kayod para may pambayad sa boarding house, at para makabili ng requirements at projects. Kung minsan pa nga ay ako ang gumagawa ng projects ng kaklase ko, binabayaran lang nila ako. Okay na rin yon kasi malaki sila kung magbayad. Mga mayayaman nga naman.
Muli kong tiningnan ang lalaking nakatayo sa harapan ko. He's brutally handsome, I cannot deny that. But he's a playboy and girls are his toys. His perfect face is a warning sign which says "Danger Zone".
"How may I help you, sir?" mahinang tanong ko.
"I'm looking for Strategy and Structure: Chapters in the History of the Industrial Enterprise by Alfred Chandler. Do you have that book here?" Aniya.
Tumango ako sa kanya.
"Please follow me, sir." I motioned for him to follow me.
I led the way. Huminto kami sa Business Section ng School Library. Dito nakalagay ang mga libro na tungkol sa business o may kinalaman sa kursong Business Administration.
Hinanap ko sa Index ang pangalan ng Author at agad na ibinigay sa kanya ang libro.
"Thank you so much, Miss?" tanong niya habang nakamasid sa akin.
Nailang ako sa paraan ng pagtitig niya pero hindi ko iyon pinahalata.
"You're welcome, Sir," saad ko at sinadyang hindi sagutin ang kanyang tanong.
"Please drop the formality. I'm just a student here, and I'm not that old," naiinis niyang wika.
Gusto kong ngumiti nang makita kong medyo nainis siya. But I stopped myself. Hindi ko forte ang paglalandi. Isa lang ang goal ko kung bakit ako pumasok sa eskwelahang ito at yun ay ang makatapos ng pag-aaral.
"Okay." Tipid na sagot ko at naglakad pabalik sa pwesto ko. Pero bago pa man ako makalayo, hinawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Wait, you didn't tell me your name," aniya. Bakas pa ang panghihinayang sa boses niya.
"Victoria. My name's Victoria Leigh Alfonso." Pagkatapos ko'ng sabihin ang pangalan ko ay naglakad na ulit ako.
************
"Are you done daydreaming?" Jonas' cold voice greeted me.
Napakurap ako nang makita ko si Jonas na nakatayo sa harapan ko. He looked so annoyingly handsome. Gusto kong pagalitan ang puso ko nang bigla itong kumabog ng malakas. Mali! Hindi ako pwedeng makaramdam ng ganoon sa taong naging dahilan ng lahat ng mga pasakit ko sa buhay.
"I'm sorry, Sir. I'll just get your coffee," wala sa sariling sagot ko.
Napapahiyang tumayo ako at naglakad papasok sa opisina niya. Dumiretso ako sa pantry para magtimpla ng kape pero agad na umakyat ang dugo sa ulo ko nang makita ko ang isang tasa ng kape na hindi pa nagagalaw.
Talagang ginagalit ako ng lintek na to. Hihingi-hingi ng kape hindi naman iinumin. Ano to? Gaguhan?
Inis na lumingon ako sa kanya at tiningnan ko siya ng masama.
"What? That coffee's already cold," balewalang sagot niya.
Oo, sing cold mo. Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko. Kahit papano ay boss ko pa rin siya. Wala ako'ng karapatang bastusin siya lalo na sa opisina niya.
Naiilang ako nang pasadahan niya ako ng tingin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at ganoon na lamang ang disgustong nakapinta sa mukha niya.
"Cancel all my meetings and my appointments for this afternoon. May pupuntahan tayo," aniya at muling naglakad papunta sa mesa niya.
Agad ako'ng lumabas para muling i-organize ang schedule niya. Tinawagan ko ang mga ka-meeting niya para magreschedule.
Saglit pa ay lumabas na siya sa opisina niya. Agad ako'ng tumayo at isinukbit ang shoulder bag ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero kinakabahan ako.
"S-saan po tayo pupunta, sir?" kinakabahan kong tanong.
"We're going to get you something decent to wear. You're working in a notable and highly-respected company, I don't want to see you coming in the office wearing rags," walang pakialam niyang sagot.
I swallowed hard at his words. Kulang na lang ay isampal niya sa akin ang kayamanan niya! Tiningnan ko ang sarili ko sa elevator. Ano ba'ng mali sa suot ko? Disente naman ito ah?
Nakasuot ako ng itim na slacks, na bagaman maayos at nakaplantsa ay mahahalata mo'ng luma na dahil sa kupas nitong kulay. Ang blouse ko na kulay puti ay medyo na naninilaw na rin. Tanging itim na doll shoes lang din ang suot ko sa paa at isang lumang shoulder bag na nabili ko lamang sa ukay-ukay.
Iba talaga ang mayayaman. Porke't kaya nilang bumili ng mamahaling mga gamit, napakadali sa kanilang magbitaw ng pang-iinsulto. Parang gusto ko'ng maawa sa sarili ko. Hindi ito ang buhay na ginusto ko. Hindi ito ang pinangarap ko. Pero dahil sa nangyari noon, nawalan ng direksyon ang buhay ko. Limang taon akong namuhay sa lungkot, galit at sakit. Limang taon akong namuhay nang puno ng pagsisisi. At ang lagi kong tanong, bakit hindi na lang ako? Bakit hindi na lang ako ang kinuha Niya?
Tumigil ang kotse niya sa isang mall at agad kaming pumasok sa isang boutique. Agad siyang humalik sa pisngi ng isang ginang.
"Hi, Tita. How are you?" bati ni Jonas dito.
"Oh, ikaw pala Jonas. I'm fine. How nice of you to pay me a visit, hmm?" sagot naman nito sa kanya. Pinagmasdan ko siya, bagamat may-edad na ito ay mukha pa rin itong dalaga.
"Uh, Tita do you have some professional corporate attires here?" maya-maya ay tanong ni Jonas.
"For you?" sagot ng ginang.
"No, it's for the lady here," ani ni Jonas sabay turo sa akin.
Agad na nabaling ang atensyon ng ginang sa akin. Mataman niya akong pinagmasdan na para bang sinusukatan niya ako.
"Of course, we do have. Maupo ka muna diyan, ako nang bahala dito sa kasama mo," anito at inakay ako.
Dumiretso kami sa rack kung saan naroon ang sari-saring mga damit na pang-opisina. Mayroong mga skirt at slacks. Long sleeved Polo's and even blazers of different sizes and colors. Namangha ako sa dami ng pagpipilian. Sinukat ko ang ilan at sobrang namangha ako dahil para itong sinukat sa akin. Pero agad ako'ng nanlumo ng makita ko kung gaano ka mahal ang presyo nito. Grabe, ang presyo ng isang pirasong damit ay pang-isang buwan ko na'ng grocery.
I awkwardly smiled as I continued to fit. When I was done, I only got two pencil cut skirts. Ang isa ay kulay itim habang ang isa naman ay nude. Isang short sleeved blouse at isang long sleeve. Kumuha na rin ako ng isang blazer.
Kinwenta ko ang lahat, mukhang kulang pa ata ang savings ko. Pwede bang mag cash advance dito sa amo ko?
Lumapit ako kay Jonas at ipinakita sa kanya ang mga damit na kukunin ko.
"You can take as many as you can," saad nito bago muling ibinaling ang tingin sa binabasang magazine.
"Pero sir, wala po akong pera. Kulang pa po ang savings ko para dito," nahihiya ko'ng sagot.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Why? Did I tell you to pay for that?" nakataas ang kilay niyang tanong.
Ano daw? Kung hindi ako ang magbabayad nito, edi sino?
"Tita, give her at least ten of those. Thank you," aniya habang itinuturo ang mga damit na hawak ko.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ibinigay niya ang card niya.
Walanghiya! Paano ko babayaran iyon sa kanya?
"Uhh, ano sir. Babayaran ko na lang po kayo. O pwede din pong i-awas niyo na lang sa sahod ko," saad ko.
"I don't remember asking for your p*****t. The least you could have said is 'Thank you'," masungit na sabi nito.
Napakasuplado talaga, akala mo naman ikina-gwapo niya iyon.
"I'm sorry. And thank you, Sir," napipilitan kong sagot.
Hindi ako magkandaugaga sa pagdala ng mga paper bags. Akala ko ay tapos na kami pero nagkamali ako. Muli kaming pumasok sa isang store at ngayon naman ay mga designer shoes ang narito. Nakakalula, mga sikat na brands ang narito at hindi ako makapili. Kasi sa sobrang mahal ng mga ito, ultimong ang pinakamura ay talagang mapapamura ka.
"Sir, pwede po bang sa iba na lang. Masyadong mahal ang mga sapatos dito," sabi ko sa kanya.
"If you're gonna buy something that you love, don't look at the price. Yes, it's way expensive but the quality is worth it," he answered quickly.
Hmmp! Ganoon siguro ang motto ng mayayaman, eh papano naman kaya ang mga dukhang katulad ko noh? Na afford lang bilhin eh yung mga sapatos na tig 250 lang? Pinakamahal na nga yung 500 eh. Partida, discounted pa yon!
In the end, siya pa rin naman ang nasunod. He bought me two pairs of high heeled black stiletto shoes. One from Prada and another one from Christian Louboutin. Hindi ko na tiningnan ang presyo katulad ng sinabi niya at baka magsisi lang ako.
Hindi pa kami natapos doon, pumasok pa ulit kami sa isang store kung saan naman may mga bags na ibinebenta. Pagod na ako at hindi rin naman ako maalam sa pagpili. Kaya kung ano na kang ang isinuggest ng saleslady, 'yon na lang ang kinuha ko. Isa iyong maliit na kulay puting leather handbag na may tatak na LV.
Ngayon lang ako nagkaroon ng ganito ka garang mga gamit sa tanang buhay ko. Hindi ko alam kung paano ba ako'ng magrereact kaya naman nagpasalamat na lang ako sa taong yelo na kasama ko.
Hindi ko rin talaga maintindihan ang ugali ng lalaking to. Pagkatapos niyang insultohin ang damit ko, pinagshopping niya ako. Ang gulo!
Pagod na pagod na ako at parang mapuputol na rin ang mga kamay ko sa sobrang bigat ng mga dala ko.
Hmp! Kaya siguro ayaw ako'ng pagbayarin ni Hudas kasi ako naman ang magbubuhat nitong lahat!
Alam kong dapat maging thankful ako pero hindi ko maiwasang mainis. Nakapa gentledog niya!
Hindi naman siya dating ganito. Siya pa nga ang pinaka-gentleman na lalaking nakilala ko.
Napanguso ako nang wala sa sarili. Bakit ba palagi kong naalala ang mga bagay na yon? Huwad lang naman ang lahat ng yon. Lahat ng ipinakita at pinaramdam niya sa akin noon ay hindi totoo. Kasi kung totoo yun, hinanap niya sana ako.
Muli ako'ng nalungkot. Mahirap kalimutan ang mga bagay na siyang nagwasak sa buhay mo. What happened broke me into tiny little parts. And until now, I'm still struggling to put back the pieces to where they belong.
I lost half of my life. Suddenly, my world started crumbling down. My defenses weakened and it felt as though my spirit was taken out of my body. Simula nung araw na iyon, namuhay ako na parang tuod. Humihinga pero walang buhay, nakangiti pero sa loob-loob ay namamatay. Wala ni isang nandoon para damayan ako. Tanging sarili ko lang naging kasangga ko.
At ngayon, bumalik ako sa lugar na ito na nagbabaka-sakali. Hinihiling na sana ay muli kong maramdaman na may purpose ako dito sa mundo. Na may rason kung bakit hindi ako tuluyang kinuha ng Diyos noon.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang bumangga ako sa likod ni Jonas. Pakiramdam ko nagkabukol ako sa ulo dahil sa sobrang tigas ng katawan niya.
"Tori Leigh, will you stop daydreaming? Watch where you're going. Baka sa sobrang tulala mo diyan eh mabundol ka na ng sasakyan," inis niyang wika.
Agad ako'ng humingi ng paumanhin. Iniwasan kong mag-isip ng kung ano man tungkol sa nakaraan. Tahimik lang akong sumusunod sa kanya. Pumasok kami sa isang restaurant.
The restaurant was classy and elegant. The staff here are polite and very responsive. Dumiretso kami sa isang room na nahihiwalay, hula ko ay ito ang kanilang VIP room. Mas maganda sa loob, may chandelier na nakasabit sa gitna at maging ang ilaw ay nakakahalina sa mga mata.
Mabilis akong umupo sa upuan at napahinga ng maluwag.
Ah, heaven!
Pakiramdam ko ay nakaupo ako sa ulap sa sobrang lambot ng foam sa upuan. Hinayaan ko si Jonas na umorder ng pagkain namin dahil wala naman akong alam doon.
He ordered Filipino style beef steak, Charred chicken with sweet potatoes and oranges, and Chocolate covered strawberry mini cheesecake for dessert. Agad akong naglaway nang iserve ang strawberry cheesecake dahil adik ako sa strawberry.
Dahil na rin sa pinagsamang gutom at pagod, nagsimula akong kumain ng hindi siya pinapansin. Iba talaga ang pagkain ng mayayaman. Pero kung titingnan mo, simple lang naman ang menu, bongga lang talaga ang pangalan. Hmp!
I stopped my hand in mid-air when I accidentally threw a glance on Jonas. He's not eating, he's just looking at me the whole time. Halos nangalahati na ang pagkain ko, pero ang sa kanya ay hindi pa rin nagagalaw.
Naiilang ako sa init ng mga titig niya.
"What are you looking at?" matapang na tanong ko. Aba, kapag ganitong gutom ako wag niya akong aawayin dahil nagiging monster ako.
I was stunned when he suddenly gave me a half smile.
"Fiery, you're still fierce when you're hungry. That hasn't changed," he said.
His words caught me off guard. That simple line was enough to make my heart double it's pace. It can't be.
He still remembered.