PROLOGUE

1054 Words
Tori's POV "MISS Alfonso, you're next. Please prepare." I inhaled a deep breath and tried to calm myself. Uminom ako ng tubig mula sa mineral water na binili ko sa baba para kahit papano ay maibsan ang gutom na nararamdaman ko. Hapon na, at pangatlong kompanya na itong pinag-aplayan ko sa araw na ito. Ang dalawang nauna ay nagsabi na tatawag na lamang daw sila pero hindi na ako umaasa. Ganoon naman palagi ang linya nila di ba? Tatawag daw, pero ang totoo, iba naman talaga ang kukunin nila. Inayos ko ang aking sarili nang makita kong lumabas na ang aplikante na sinusundan ko. Nakangiti siya at tila kilig na kilig habang naglalakad. I mentally rolled my eyes. Bakit ba may mga babaeng ganoon? 'Yong makakita lang ng pogi eh parang maiihi na sa kilig? 'Yong tipong tapunan lang ng tingin, eh agad na napapatili. Siguro hindi pa nila naranasang masaktan ng lalaki kaya ganoon. Pumasok ako sa conference room at agad na sumalubong sa akin ang lamig ng aircon. Pakiramdam ko ay napadpad ako sa Antarctica at nagyeyelo ang paligid ko. "Please have a seat," ani ng isang gwapong lalaki na sa hula ko ay kasing edad ko lang. Mayroong dalawang babae na medyo may edad na at dalawang lalaki. Ang isa ay iyong lalaking nagsalita kanina. At ang isa naman ay matanda siguro ng ilang taon sa amin. Sa gitna ay mayroong upuan na bakante. "Please relax for a while Miss. Let's just wait for the CEO. He just took a break to pee," ani ng lalaki kanina. Nakangiti at maaliwalas ang kanyang mukha. There is something familiar in that man's look. Parang nakita ko na siya noon pero hindi ko lang matandaan kung saan at kailan. Ilang sandali pa ay umupo sa harap ko ang isang lalaki. Tall, broad shoulders and muscular body. Biglang nanuyo ang lalamunan ko nang mag-angat siya ng tingin at nagsalubong ang aming mga mata. "Introduce yourself." Cold. That's how he said those words. His eyes are distant and his face is stoic. Wala akong mabasang emosyon doon. Hindi katulad noon. "Are you going to waste our time by staring at me?" He almost shouted at me. I jolted out of my reverie when I heard his thunderous voice. "G-good afternoon everyone. My name is Victoria Leigh Alfonso. Twenty-six years old, and a graduate of Bachelor of Science in Business Administration." I tried to speak confidently even though I can feel my knees shaking. He is the last person I want to see. I was silently praying for him to deny my application so I could go home. Ngayon ako nagsisisi kung bakit hindi man lang ako nagresearch tungkol sa kompanyang ito. Ang totoo ay nagwalk-in lang ako dito. Napadaan lang ako dito kanina at no'ng nakita ko ang posting na mayroon silang Hiring ay agad akong pumasok. Sakto naman at may interview kaya ako nandito ngayon. If I only knew. "You're hired," mabilis niyang sagot. Gulat akong napatingin sa kanya. Maging ang mga panel na naroon ay napatingin sa kanya. "Jonas, the interview has not yet started," maang na sabi no'ng lalaki kanina. "I don't care. She's hired." Nanlumo ako. I can't work for him. Not again. "Everyone, please leave us for a moment," aniya at bigla ay nagsilabasan ang mga tao sa conference room. Lalong kumabog ang dibdib ko nang kaming dalawa na lamang ang naiwan doon. "J-jonas..." "Oh, your voice still sound the same. I wonder, does it still sound that good in bed?" nang-uuyam niyang tanong. Napa-atras ako nang unti-unti siyang lumapit sa akin. "Let's have a deal. From now on, you'll live in my house. You'll follow my rules and do as I say. I will make you fall in love with me until you regret what you did," aniya sa namamaos na tinig. Maang akong napatingin sa kanya. Ako? Bakit, ano ba'ng ginawa ko sa kanya? "That's unfair Jonas. I came here to work, not to be your toy. I can't live with you... Anymore..." nanghihina kong sagot. My voice almost broke. But he didn't listen. Tiningnan niya ako na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya. "You'll do as I say!" Napaigtad ako sa sigaw niya. "You'll live with me and I'll take my revenge. Now, if in case, I will be the one to fall in love with you, I will let you go and never bother you again." "That's crazy Jonas! I can't do that! I'm sorry but I'll need to decline your offer. I'm sure I'll find another job. Thank you Mr. Santiago. I have to go," nanginginig kong sagot. Pilit kong pinatigas ang loob ko. Hindi dapat ako magmukhang kawawa sa harap niya. Ako ang naagrabyado. Wala siyang karapatan na saktan ulit ako. "Leave that f*****g door and you're done for. I will have you blacklisted in all the companies in this country until you come back begging to me," he said with finality. Agad akong napatigil sa akmang paglabas. How come he still hold such power over me? "That's unfair! Why are you even wasting your time on me?" Hindi ko napigilang sumigaw. Pagkatapos ng lahat, ako pa ba ngayon ang may kasalanan kung bakit kami humantong sa ganito? Nakita ko ang pagngisi niya at ang nanunuya niyang tingin. Gusto kong manliit sa sarili ko. Ano nga ba ako kung ikukompara sa kanya? "You're worth wasting every second of my damn time, honey," saad niya habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi na ako nakasagot sa kanya. Muli akong napa-atras nang tahakin niya ang direksyon ko hanggang sa bumangga ang likod ko sa malapad na pader ng opisina. Ikinulong niya ako sa mga braso niya at inilapit ang kanyang mukha sa akin. "And don't f*****g try to escape me because I'm willing to turn this whole country up just to find you. And when I found you, I will f*****g get my sweet revenge!" nanggigigil niyang bulong sa tenga ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko nang umalis siya sa harapan ko. Matagal ako'ng nakahawak sa lamesa para hindi mabuwal. Huh, he's willing to turn the country up just to find me. How ironic, ni hindi man lang niya ako hinanap o pinahanap noon. Kusang kumawala ang luha sa mga mata ko kasabay ng pagbalik ng mga ala-alang pilit ko nang ibinaon sa hukay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD