2
Tori's POV
Akala ko pagkatapos noon ay magiging maayos na ulit ang pakikitungo niya sa akin, but I was wrong. Well, what do you expect from an arrogant and self-centered bastard like him?
After he said those words, we suddenly felt awkward. And he looked like he regret saying those words to me. Mabilis na tinapos namin ang pagkain. Bitbit ko na ulit ang mga damit na pinamili niya sa akin. Pumasok kami sa kotse niya at binigay ko sa kanya ang address ko kahit na ayaw ko. Para namang may choice ako noh!
Tahimik lang kami sa biyahe habang siya naman ay naka focus lang sa pagdadrive. Hindi na rin ako nagsalita dahil wala naman akong dapat na sabihin sa kanya. I let myself drift into my thoughts again.
**********
It's almost midnight pero hindi pa rin ako nakaka-out. Overtime ako ngayon dahil wala ang kasama kong cashier. Pagod na ako at kailangan ko pang mag-aral para sa quiz namin bukas pero parang titiklop na talaga ang mga talukap ko.
Mayamaya lang ay closed na din naman itong cafe kaya ilang minuto na lang ang hihintayin ko. Habang wala pang customer ay inilabas ko muna ang notes ko at nagbasa. Napahikab pa ako sa magkahalong pagod at gutom. Naalala ko, sandwich nga lang pala ang naging hapunan ko kanina. Hindi ako magastos, as much as possible ay nagtitipid ako. Lalo na ngayon. May sakit ang nanay ko. Bata pa lamang ako nang mamatay ang tatay sa isang aksidente sa daan. Naiwan kaming dalawa ni Nanay.
Mahirap ang naging buhay namin. Ni hindi ko naranasang magcelebrate ng bongga sa ika-pitong birthday ko. Tamang pansit lang at isang maliit na cake ang nakayanan ni nanay, pero hindi ako nagreklamo. Mulat ako sa kahirapan kaya imbes na magalit ay naintindihan ko si Nanay. Ang totoo'y masaya ako na kahit simple man ay pinaghanda niya pa rin ako.
Namamasukan si Nanay bilang labandera sa isang mayamang pamilya doon sa barangay namin. Kaya naman pinag-igihan ko ang pag-aaral. Naging competitive ako sa lahat ng bagay. Lahat ng kompetisyon sa paaralan ay sinalihan ko, lalo na kapag mayroong cash prize. Kapag nananalo ako ay binibigay ko kay nanay ang pera. Sa ganoong paraan man lang ay makatulong ako sa kanya.
Naging Valedictorian ako noong Elementary at tuwang-tuwa si Nanay. Maging ang amo ni Nanay ay natuwa rin kaya ibinili nila ako ng cake at ice cream. Nagluto naman si Nanay ng pansit at lumpia. Yun ang pinagsaluhan namin ng mga kapit-bahay. Proud na proud si Nanay sa akin kaya nangako ako sa sarili ko na sisikapin kong makapagtapos ng pag-aaral. Kasehodang gapangin ko ang pag-aaral, basta makatapos lang. Kapag nakapagtrabaho ako sa isang magandang kompanya ay ipapagawa ko ng maayos na bahay si Nanay. Hindi na namin kailangang tumira sa isang barong-barong.
Suportado ni Nanay lahat ng desisyon ko. At kahit masakit sa kanya ang mapalayo sa akin, hinayaan niya ako. Kasi gusto niyang marating ko ang mga pangarap ko. Nag-aral ako sa Maynila sa tulong ng scholarship ko. Wala akong kakilala rito pero madali naman ako'ng nakapag-adjust. Pinatigil ko si Nanay sa paglalabada dahil matanda na siya at kaya ko nang suportahan ang sarili ko.
Fourth year college na ako ngayon at malapit na akong makapagtapos. Pero ngayon naman ay sinusubok ako ng Diyos. May sakit si Nanay, ayon sa kaibigan ko na kapit-bahay namin sa probinsya. Payat na daw siya kaya bumale ako sa amo ko para padalhan siya ng perang pang check up. Hindi bale nang hindi ako makakain ng maayos dito basta mapagamot ko siya. Siya na lang ang mayroon ako at hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawala pa.
Muli ako'ng napahikab. Inunat-unat ko ang mga kamay ko. Napa-angat ako ng tingin ng biglang kumalansing ang pinto, tanda na may bagong customer na pumasok. Agad kong itinabi ang notebook ko. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para matanggal ng konti ang antok ko.
Nagulat ako nang mapagtanto kong si Jonas pala ang pumasok. Ngayon lang siya nagawi dito sa cafe kaya medyo nagtaka ako. At isa pa, late na masyado. Bakit hindi pa rin siya nakakauwi?
Umorder siya ng espresso at cheesecake. Pero habang naghihintay ng order niya ay tumambay pa muna siya sa harap ko.
"Oh, Miss Library Girl. Nagtatrabaho ka dito?"
I rolled my eyes. Nakita na nga niyang andito ako sa harap niya, itatanong pa.
"Mukha bang nakatambay lang ako dito?"
Tinawanan niya lang ako. Hmp, Miss Library Girl daw, if I know hindi niya lang talaga natandaan ang pangalan ko. Sa dami ba naman ng babae nito, tiyak na hindi niya na maalala silang lahat.
"Why don't you sit with me, Miss Victoria Leigh? Hmm?
Parang pumalakpak ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan ko.
"And why would I do that, Mr. Santiago?"
"Para hindi ka mahirapan sa pag-aaral mo?"
Patanong na sagot niya sa akin. The offer was quite tempting. Medyo nangangalay na rin naman kasi ako sa pwesto ko. Mataas ang stool na kinauupuan ko at ang counter kaya naman masakit na rin ang likod ko.
"Come on. Wala na rin naman sigurong customer. It's almost twelve midnight."
I just sat in front of him and read my notes. Jonas on the other hand, drank his coffee and started eating his cheesecake. The heavenly smell of the food and coffee made my senses awake and at the same time, hungry.
I ignored my rumbling stomach and concentrated in reviewing. Mayamaya pa ay may naglapag ng pineapple juice at cheesecake sa harapan ko.
"Eat some. I know you're hungry."
I don't know why, but the thoughtfulness made my heart warm.
"Why are you doing this?"
"I don't know. I just had this weird feeling that I want to know you."
***********
"We're here."
Napaayos ako ng upo at mabilis na lumabas sa kotse niya. Isa isa kong ipinasok ang mga dala ko sa maliit na apartment. Masikip, pero tama lang iyon para sa akin. May maliit na kusina, banyo at kwarto. Malinis naman ito at safe naman. Isa pa, mura lang ang renta ko dito kaya pinagtatyagaan ko na. Hindi ko naman kailangan ng malaking bahay dahil wala naman akong kasama.
Naaalala ko na naman siya. Siguro, kung buhay siya ngayon, tiyak na may kasama ako sa buhay. Hindi sana ako malulungkot. Sana'y mayroon ako'ng inspirasyon.
Napaupo ako sa couch at napatakip sa mukha ko. Hanggang ngayon, ang sakit pa ring isipin na wala na siya. At dahil yon kay Jonas.
Napapitlag ako nang maramdaman ko ang presensya ni Jonas. Hindi pa pala siya naka-alis?
Inilibot niya ang kanyang paningin at napaismid.
"You call this a house?"
Tinaliman ko siya ng tingin.
"Why do you care?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Sa halip ay nabigla ako sa sinabi niya.
"Pack your things, you'll move with me tomorrow."
Napa-awang ang bibig ko sa narinig ko.
"What the f**k? I'm not living in that hell you call house!"
Napatiimbagang siya sa sinabi ko. Hinigit niya ako patayo at marahas na isinandal sa dingding. Napapikit ako sa biglaang pagdadaiti ng mga balat namin.
"You're going to live with me. That's not a question or a request. That's an order!"
Inihirang ko ang magkabilang kamay ko sa dibdib niya dahil sobrang lapit niya sa akin. Hindi ko gusto ang paraan ng pagtibok ng puso ko habang nandito siya sa harapan ko. Masyadong malakas, masyadong mabilis, parang nahuhulog ako.
"You can't just decide for me, Jonas. I have my own mind."
Mahina ngunit madiin kong sagot. Hell no! I will not live in his house again. Lahat ng magagandang alaala ko sa bahay na iyon ay hindi totoo!
"Whether you like it, or you like it, you'll live with me! That's your punishment for leaving me!"
Natigagal ako sa sinabi niya. Iniwan ko siya? Nagpapatawa ba siya?
"What the hell are you talking about Jonas?"
Unti-unting humina ang boses ko. Ano'ng kalokohan ang pinagsasabi nito? Kailan ko siya iniwan?
Nabigla ako ng malakas niyang suntukin ang pader na kinasasandalan ko. Ikinulong niya ako sa mga braso niya at niyuko ang labi ko. We were so close that our lips were almost touching.
"Don't act as if you don't know what you did 'cause I will never buy your excuse. Pack your clothes tonight and I'll pick you up tomorrow."
Napahinga lang ako nang maluwag nang tuluyan niyang lisanin ang apartment ko. Muli ako'ng umupo sa couch para pakalmahin ang sarili ko.
Honey, if you were here, would you give me a hug? I badly need a hug right now.
Mabilis na namalisbis ang luha sa mga mata ko nang maalala ko siya. Bakit parang ako pa ang may kasalanan samantalang ako ang naiwan? Bakit kung umasta si Jonas parang wala siyang kasalanan? Na wala siyang alam sa nangyari sa akin?
Nawalan na ako ng ganang kumain. Nagtimpla na lang ako ng gatas at ininom ito. Sobrang bigat ng dibdib ko, lalo na kapag naaalala ko siya. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko, at sisihin si Jonas.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nag-eempake ng mga gamit ko. Nilagay ko sa loob ng maliit na maleta ang mga damit ko kasama na ang pinamili namin ni Jonas. Inihiwalay ko rin ang mga essentials ko at pang personal hygiene na gamit.
Parang ang bigat sa loob na lisanin ang bahay na ito. For the past six months, this has been my sanctuary. I've been away from this place for a long period of time. Nagsisimula pa lang ulit akong bumangon pero heto na naman si Jonas para sirain ang buhay ko. What did I do to deserve this kind of treatment?
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang umiiyak.
KINABUKASAN, maaga ako'ng bumangon at naghanda ng almusal. Sinangag at scrambled egg na merong kamatis lang ang niluto ko. Naligo muna ako at nagbihis. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Pakiramdam ko ibang tao ang kaharap ko. Hindi ako sanay na nagsusuot ng mga mamahaling damit, kahit noon.
Ilang beses akong binilhan ni Jonas ng mga damit noon pero hindi ko tinatanggap. Ayaw kong baguhin ang sarili ko para lang matanggap ako ng mga tao sa paligid ko. Simple niya akong nakilala, kaya gusto kong mahalin niya din ang kasimplehan ko.
Pero sa kaso ngayon, parang wala na akong karapatang tumutol sa anumang sabibin niya.
Wake up, he's no longer the same Jonas you fell in love with!
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko alam kung ano'ng tumulak sa kanya para maging ganyan, pero ibang-iba siya sa Jonas na kilala ko.
Ipinilig ko ang ulo ko nang marealize ko na puro na si Jonas ang laman ng isip ko. Isang bahagi ng utak ko ang nagsasabi na hindi siya karapat dapat isipin. Na wala siya noong panahon na kailangan ko siya. Kaya hindi ko siya dapat na pag-aksayahan ng panahon.
Huminga ako ng malalim at umupo sa hapag-kainan. Naglalagay ako ng kanin sa plato ko nang makarinig ako ng magkakasunod na katok.
Biglang sumikdo ang puso ko sa isiping baka si Jonas ito. Tumayo ako at marahang binuksan ang pinto.
I was greeted by his masculine smell. He's wearing a three piece suit, leather shoes and a sun glasses. He looked more like a model than a business man.
"Aren't you gonna invite me in?"
This guy is really bipolar. Kagabi lang ay galit na galit siya akin dahil daw sa pag-iwan ko sa kanya. Ngayon naman ay parang batang hindi mapakali.
I opened the door widely and motioned for him to get inside and sit. However, instead of sitting in the couch, he went straight into my kitchen.
Tss. Parang bahay niya lang ah.
"Hmm, this smells good. Just like the old times."
He was smiling again, which is rare. Walang pasabi siyang kumuha ng pinggan at naglagay ng pagkain sa plato niya.
Napailing na lang ako at muling umupo para kumain. Gusto kong matawa sa kanya. Sunod-sunod kasi ang pagsubo niya na akala mo ngayon lang siya nakatikim ng ganitong pagkain.
"Pwede ba Jonas, dahan dahan naman. Baka mabilaukan ka."
Hindi ko napigilang sabihin. Mahirap na no, baka mabilaukan siya at mamatay, kasalanan ko pa.
Hindi siya sumagot pero kita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang mga labi.
Nagpatuloy kami sa pagkain nang walang salitang namagitan sa amin. Pagkatapos ko'ng kumain ay hinugasan ko muna ang mga platong ginamit namin dahil mamaya, hindi na ako uuwi dito.
Nalungkot ako sa isiping iiwan ko na ang bahay na siyang tumulong sa akin para bumangon. Itong bahay na ito ay tanda ng panibagong simula sa buhay ko. The four corners of this house were a witness as to how broken I was when I came back. Pero ngayon, muli na naman ako'ng hinahatak pabalik sa nakaraan na pilit kong kinalimutan.
Kinuha ni Jonas ang maleta ko at nilagay sa trunk ng kanyang sasakyan. Nang makarating kami sa VLS Holdings, Inc. ay agad akong bumaba sa sasakyan niya. Hindi ko na siya hinintay dahil ayokong maichismis sa kanya.
Pagpasok ko sa loob ng building ay sumalubong sa akin ang nagtatakang tingin ng mga empleyado, may ilang nakataas ang kilay habang ang iba naman ay halos lumuwa ang mga mata. f**k, ito ay ang pinaka ayaw ko sa lahat. Ang maging sentro ng atensyon.
I ignored them and went directly to my post. Jonas' office is located at the twelfth floor of the building. I checked his schedule and prepared his coffee. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang mamataan ko si Jonas.
Agad ako'ng sumunod sa kanya sa loob ng opisina niya.
"Here's your coffee, Sir. I'll read your schedule today. At 9:00 am, you will have a meeting with Mr. Valiente of Valiente Group of Companies. And at 2:00 o'clock, you have a meeting with Mr. Justin Villegas and Engr. Axl Ramirez for the updates on the construction of Las Chica's Hotel. That's all for today, Sir."
He just eyed me with his eyebrows raised.
"Why didn't you wait for me?"
Seriously, that's what he's been thinking all this time?
"Were you even listening to your schedule, Sir?" Napipikong tanong ko.
"Yes, now answer my question. Why didn't you wait for me?"
"Am I supposed to wait for you, Sir?"
"Yes! You were supposed to be on my side, but you left me again."
I was dumbfounded and rooted to my place. He sounded so hurt.
Hindi ko na siya sinagot dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Mabilis akong lumabas sa opisina niya. Ramdam ko pa ang mabilis na pintig ng puso ko sa sinabi niya.
When will he stop thinking that I left him?
When will he start to realize, that it was him who left me? In my most difficult and trying time?