KABANATA 03
HINDI KO PINANSIN SI KAWHI sa biro niya sakin kanina habang pababa ako ng hagdanan. Paakyat naman siya sa taas kaya umiwas ako.
" Hey!" Bati niya sakin saka sinundan ko sa may kusina. " Are you mad at me?" Tanong pa niya sakin.
Hindi ako umimik habang nagtitimpla ako ng kape. Mag-meryenda ako ngayun dahil hapon na. Hindi naman ako natulog at nagbasa lang ako ng mga binabasa ko dahil basa ang buhok.
Nang matapos ako'ng magtimpla ng kape saka kumuha ng tinapay ay lumabas ako ng kusina saka pumunta sa labas ng bahay at tumambay s balkonahe.
" Sorry, biro lang naman 'yun eh."
" Bakit close ba tayo para biruin mo ako ng gano'n?" Kapagkuwan ay tanong ko.
" Hindi, akala ko kasi hindi ka magagalit eh." Sagot nito habang nakatingin sakin.
" Kasi may anak na ako kaya gano'n mo ako biruin." Mataray kung sagot sa kanya kasabay ng pagtaas ng kilay.
" Pasensya kana. Gano'n lang talaga ako magbiro. Hayaan mo, hindi na kita bibiruin para hindi ka maoffend." Ani Kawhi sakin sabay upo sa tabi ko.
Malapit na naman maggabi at mamaya ay magluluto na naman ng hapunan. Ganito ang ginagawa ko sa araw araw. Minsan nakakasawa na pero wala eh, ganito na ang buhay ko.
Palaging nasa bahay at inaalagaan ang pamilya. Simula ng mabuntis ako ay hindi na ako nag-aral o nagtrabaho. Tinulungan kona lang ang mga magulang ko sa kanilang babuyan at maliit na gulayan.
" Okey." Sabi ko habang humihigop ng kape at nakatingin sa paligid.
" Pahingi nga ako." Wika ni Kawhi sabay kuha sa kamay ko ang tasa na may kape dahilan para mapalingon ako sa kanya.
Bastos 'din eh. Sabagay may lahing pinoy kaya gano'n.
" Sarap ah?" Komento pa niya at hindi na binalik sakin ang kape ko kaya napabuntong hininga na lang ako. Mabait naman si Kawhi at marunong 'din makisama.
Gustong gusto pa siya ng mamang para sa ate ko. Si Papang naman ay okey lang. Nagbibigay lang siya ng opinyon kapag may nakikita siya.
" Si Uno?" Kapagkuwan ay hanap niya sa anak ko.
" Tulog pa. Mamaya pa gising no'n." Sagot ko sa kanya.
" Hmmm.." Tumatango niyang sagot sakin. Ako naman ay tumayo mula sa kinauupuan ko para magtimpla ulet ng kape. Kinuha kasi ang kape ko ng magaling.
Pagdating sa kusina ay nagtimpla agad ako ng kape. Nang makalabas ako sa kusina ay nakita ko ang anak kung pababa ng hagdanan habang kinukusot ang mga mata. Kaagad naman ako lumapit sa kanya at baka mahulog ito.
" Oh, bakit gising kana?" Anang ko sa aking anak.
" Wala ka po sa tabi ko, Meme eh." Sagot sakin ng aking anak.
" Nagmeryenda lang ang Meme." Inakay ko siya pababa saka dinala sa kusina. " May gusto ka bang kainin?" Tanong ko sa kanya ng makaupo siya sa hapagkainan.
Umiling ang aking anak. Wala pang gana dahil kagigising lang. Hindi kona pinilit dahil ganito naman si Uno kapag bagong gising. Bubuhatin kona sana si Uno ng pumasok sa kusina si Kawhi.
" Hey! Kiddo." Wika nito sabay gulo sa buhok ng anak ko.
" Hello tito Kawhi." Sagot ng anak kona may ngiti sa labi.
" You want to play?" Tanong pa niya sa anak ko.
" Opo."
" Good! Tara."
" Saan kayo pupunta? At anong lalaruin niyo?" Taka ko naman tanong.
" Sa kwarto lang. Maglalaro lang kami ng phone." Sagot ni Kawhi sakin.
" Okey." Sagot ko saka bumaling sa anak ko. " Sige na anak. Laro daw kayo ng tito Kawhi mo."
" Okey po." Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa labi. " I love you, Meme."
" I love you, too." Sagot ko sabay gulo sa buhok nito. Nasundan kona lang ng tingin ang dalawa habang napabuntong hininga.
Inubos kona ang kape saka lumabas ulet ng kusina. Lumabas ako ng bahay para kunin ang mga sinampay ko sa labas.
Magtutupi muna ako ng mga damit bago ako magluto ng hapunan. Naabutan ko pa ang pinsan kung si Lena habang nagpipinaw ng mga damit nila.
Mga kapitbahay namin ay mga kamag-anak lang 'din namin. Kaya naman kapag may handaan ay puro kamag-anak namin ang napunta.
" Saan na 'yung magiging asawa ng ate Berta?" Tanong sakin ni Lena.
" Nasa bahay." Sagot ko habang pinipinaw ang mga damit namin.
" Ang swerte ni ate Berta no? Ang gwapo ng mapapangasawa niya at mayaman pa." Parang kinikilig na sabi nito.
" Hmmm." Wika ko.
" Ikaw? Kailan ka mag-aasawa?" Tanong naman niya sakin. Natawa ako sa tanong niya at napailing.
" Wala na ako'ng balak mag-asawa no! Okey na sakin ang anak ko."
" Wag kang magsalita ng tapos." At kinuhit niya ako sa tagiliran. " Hindi mo ba namimiss?"
" Huh?" Gulat ko naman tanong.
" Painosente pa 'to." Nakangiti nitong sambit.
" Ano ba kasi 'yun?" Irita kung tanong sa kanya. " Mukha ba ako'ng manghuhula?" Dagdag ko pa.
Lumapit siya sakin at bumulong. " Edi iyot. Hindi mo ba namiss?"
Napaawang ang labi ko sabay pukol ng tingin dito. " Ewan ko sayo! Ang bastos mo." Inis ko naman sambit at iniwan na siya doon.
Baliw talaga.
Palibhasa kasi palagi siyang nadidiligan kaya gano'n siya magsalita. Pumasok ako sa loob ng bahay at umakyat sa taas para iligpit muna sa kwarto ko.
Patungo na ako sa aking silid ng makita kung palabas ng kwarto si Kawhi habang nakahubad ng pang-itaas. Hindi ko tuloy naiwasan mapatingin sa katawan niya lalo nasa gitna ng mga hita niya.
" Hi."
Napapitlag ako at napakurapkurap ng mga mata ng marinig ko ang boses ni Kawhi kaya mabilis ako napaiwas ng tingin doon kasabay ng pag-init ng aking pisngi.
Mabilis ako'ng pumasok sa loob ng kwarto ko dahil sa hiya na aking nadarama. Napakagat pa ako sa ibabang labi ng makapasok sa loob at napasapo sa nuo dahil sa ginawa ko kanina.
" s**t!"
Hindi pwede 'to. Buset kasing Lena na 'yun eh. Pati tuloy magiging asawa ng ate ko ay pinagnansaan kona.
Limang taon na ako'ng walang s*x life dahil 'di na ako nag-boyfriend o nag-asawa simula ng ipanganak ko si Uno. Natakot na kasi ako maloko at baka mali na naman makuha ko tapos iiwan lang 'din ako.
Masaya na rin naman ako kahit ganito ang buhay ko at kami lang ng anak ko. Atsaka masaya naman ako dahil kasama ko ang pamilya ko. Kaya hindi na pumasok sa isip ko ang mag-boyfriend o mag-asawa. Kuntento na ako na sila lang ang buhay ko.
Tinupi kona ang mga nilabhan ko saka nilagay sa kabinet ang mga iyon. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto ng mga magulang ko. Pumasok ako sa loob at nilagay sa kabinet ang mga damit nila saka lumabas ulet doon. Sunod naman ay sa mga kwarto ng mga kapatid ko.
Nilagay ko sa kama ang mga damit nilang tinupi ko saka muling lumabas ng kwarto. Pabalik na ako sa kwarto ko ng makita ko naman ang anak ko kasunod ni Kawhi.
" Meme, Meme ang galing ko po." Wika nito sabay pakita sakin ng nilalaro niya sa cellphone ng binata.
" Wow! ang galing naman ng baby ko." Puri ko sa aking anak sabay gulo sa buhok niya at tumingin kay Kawhi. " Wag mo masyado pahiramin ang anak ko ng cellphone at baka masanay." Sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman ito. " Okey lang 'yan. Paminsan minsan lang naman eh." Katwiran niya sakin.
" Ayaw ko lang masanay ang anak ko." Wika ko saka lumakad na papasok sa kwarto.
" Why not? Magiging part naman ako ng pamilya niyo." Sagot nito dahilan para matigilan ako. Pero agad 'din nahamig ang sarili saka tuluyan pumasok sa loob.
Napabuntong hininga ako saka tinapos ang ginagawa para makapagluto na ako ng hapunan. Nang matapos ay lumabas ulet ako saka bumaba at nagtungo sa kusina.
Nakita ko doon ang kapatid kung si Rica habang umiinum ng tubig.
" Andiyan kana pala. Si Ron-ron?" Hanap ko sa isa kung kapatid.
" Nasa labas ate." Sagot nito saka nagpaalam na sakin. " Sige po."
Tumango lang ako saka nagsimula ng magluto. Maaga kami kumakain dahil iyon na ang nakasanayan namin. Alas sais palang ng gabi ay kumakain na kami tapos 7pm ay nagpapahinga na kami para maaga nagigising kinabukasan.
At dahil hindi kumakain ng gulay ang bisita namin ay nagluluto ako ng karne. Tapos may gulay at isda para samin. Palaging masarap at maraming pagkain sa hapagkainan simula ng dumating ang fiance ng ate ko. Ayaw kasi ni ate na tinitipid namin ang jowa niya.
Kailangan ay masarap palagi ang kinakain nito dahil galing state ang lalake. Masyado'ng mahal na mahal ni ate ang fiance niya kung ano ang gusto niya ay sinusunod namin dahil siya naman ang gumagastos.
Nang matapos magluto ay naghain na ako sa hapagkainan saka lumabas para tawagin ang pamilya ko.
Nang matawag kona sila ay si Kawhi naman ang huli kung tinawag sa kwarto niya. Nasa baba na ang anak ko dahil kanina pa ako kinukulet no'n dahil nagugutom na daw siya.
" Kawhi, Kahwi?" Katok ko sa pintuan niya. Kawhi lang ang tawag ko sakanya dahil nahihiya ako kapag kuya.
Bumukas naman ang pintuan at bumungad si Kawhi na may kausap sa phone. Mukhang si ate ang kausap niya ngayun.
" Kakain na." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa binata.
Tumango naman ito habang may kausap.
" Sige, sunod kana lang." Wika ko. Nang akma na akong tatalikod ay biglang hinawakan ni Kawhi ang kamay ko.
" Sandali. Sabay na tayo." Saad nito saka nagpaalam nasa kausp nito. Akala ko si ate ang kausap niya. Kasi tinawag niyang bro ang kausap niya. Meaning lalake ang kausap niya
Mabilis ko naman binawe ang kamay ko sa hawak niya dahil sa may kung anong kuryente na gumapang sa kamay ko.
" Bilisan mo." Saad ko saka tumalikod na at nauna ng maglakad pababa ng hagdanan. Hinabol naman niya ako saka sabay na kaming pumunta sa kusina.
Umiwas ako ng tingin ng makita kung sakin nakatingin ang lahat. Tumabi ako sa aking anak at kumain. Sabay sabay na kaming kumain ng ma-kumpleto na kaming lahat sa mesa dahil iyon ang gusto ng aking ama.