KABANATA 02
SUMAKAY KAMI PATUNGO SA palengke at natawa ako sa binata dahil ang laki niyang tao ay hindi siya mag-kasiya sa loob ng trycycle.
Nauntog pa nga siya kanina no'ng sumakay siya. Pero hindi ko pinakita na natatawa ako at baka magalit sakin si Kawhi.
Pagdating sa palengke ay bumaba agad kami sa trycycle at nagbayad ako sa trycycle bago kami nagtungo sa loob ng palengke para bumili ng talong saka ibang kailangan sa bahay. Samantalang si Kawhi ay nakasunod lang sakin habang nakatingin sa paligid
" Okey kalang?" Tanong ko sa binata at baka naiinip na siya. Mukha pa naman hindi siya sanay sa ganito. Sinama ko lang siya kasi para makita niya ang lugar namin.
" Oo naman. Don't worry about me. Bumili ka lang diyan." Saad nito saka kinuha ang binili ko.
Hindi na ako umimik at bumili na lang ako ng mga kailangan ko. Nang matapos bumili ng kailangan ko ay lumabas na kami ng palengke at pumunta kami sa mga turo-turo sa gilid ng kalsada.
" Manong pabili nga po." Sabi ko kay manong saka kumuha ng baso na plastik at tumusok ng kwek-kwek sabay abot kay Kawhi. " Oh! Masarap 'yan."
" What't that?" Tanong pa niya sakin.
" Kwek-kwek." Sagot ko. " Itlog ang laman niyan." Dagdag ko pa.
" Masarap ba 'to?"
" Oo naman. Try mo." Sabi ko saka nilagyan ng sauce ang baso nito. " Sige, try muna."
Sinunod naman ni Kawhi ang sinabi ko saka sumubo ng isa. At habang ngumunguya si Kawhi ng kwek-kwek ay nakatingin lang ako sa kanya dahilan para ngumiti ang binata saka tumitig 'din sakin.
Kaagad ako'ng umiwas ng tingin sa binata ng uminit ang pisngi ko dahil sa pagngiti niya sakin kaya kumuha 'din ako ng baso saka tumusok rin ng para sakin.
Kumain kami ng kwek-kwek ni Kawhi habang tahimik lang kaming nakatingin sa paligid nito.
" Sarap huh." Narinig kung sabi ni Kawhi kaya napalingon ako sa kanya kaya nakita kung ubos na ang laman ng baso niya.
" Gusto mo pa?" Anang ko sa kanya.
" Hindi, tama na." Sagot nito saka humingi ng palamig kay manong.
Pasimple ko naman tinitignan ang binata. Sarap na sarap siya kanina habang kumakain ng kwek-kwek . Tapos ngayun ang hot niya'ng uminum ng palamig.
Hindi ko tuloy naiwasan mapatingin sa kanya ng simple. Nang matapos kumain ay nagtanong ako kay manong.
" Magkano lahat?"
Sinabi naman ni Manong kung magkano ang kinain namin ni Khawi. Akma ako'ng huhugot ng pera sa bulsa ko ay naunahan na ako ni Kawhi at binayaran si Manong. Hindi na ako nakapalag dahil kinuha na ni manong ang pera. Alangan naman mag-agawan pa kami kung sino ang magbabayad.
Nang makalayo na kami kay manong ay lumingon ako sa binata.
" Bakit mo binayaran? Libre ko 'yun eh." Saad ko sa kanya.
" Okey lang. Ang mura lang naman eh." Sagot niya sakin. Hindi ako nakaramdam ng pagyayabang sa tono niya. Parang gano'n lang talaga siya magsalita.
" Kahit na. Dapat ako ang nagbayad." Saad ko sa kanya.
Natawa naman ito na parang may nakakatawa. Nainis naman ako kasi tinatawanan niya ako.
" Anong nakakatawa?"
" Hey! Wag ka magalit. Natutuwa lang ako sayo." Wika ng binata habang may ngiti sa labi.
" Anong nakakatuwa sakin?" Salubong ang kilay na tanong ko.
" Wala, ang mo cute lang." Nakangiti nitong sambit habang nakatingin kaya umiwas ako ng tingin at palihim na ngumiti.
Sumakay na kami ng trycycle pabalik sa bahay para makapagluto na ako pag-uwe namin.
" Dapat sa likod kana lang ni manong sumakay para hindi ka nahihirapan." Wika ko sa lalake dahil nahihirapan siyang sumakay sa loob.
" Ayus lang. Malapit na naman tayo." Ani Kawhi sakin.
Ang laki pa naman niyang tao kaya nagsisiksikan kaming dalawa sa loob. Nang huminto ang trycycle sa tapat ng bakuran namin ay bumaba agad kami ng binata saka nagbayad kay manong.
Narinig ko agad ang matinis na boses ng aking anak kaya napalingon sa aking anak.
" Baby!" Masaya ko naman sambit at sabay karga sa anak ko ng tumakbo siya palapit sakin.
" Meme may pasalubong po kayo sakin?" Anang agad sakin ng anak ko.
" Nako! Wala anak. Nakalimutan ni Meme." Sabi ko sa aking anak.
Ngumiti naman ang anak ko. " Okey lang, meme. Sunod na lang po." Sagot niya sakin. 5 years old na ang baby ko pero matatas na siya magsalita. Hindi siya bulol dahil hindi ko siya kinakausap ng baby talk.
Kaya naman hindi bulol magsalita si Uno.
" Thank you, baby." Sabi ko saka niyakap ng mahigpit ang anak ko at may kasamang panggigigil.
Tila nakiliti naman ang anak ko sa ginawa ko kaya napahagikgik ang anak ko. Samantalang si Kawhi ay nakatingin lang samin dalawa habang may ngiti sa labi.
" Ang saya niyong tignan." Komento pa niya samin habang nakatingin samin mag-ina.
Napangiti naman ako. " Ganito ang gusto ng anak ko. 'Yung hinaharot siya." Wika ko sa binata sabay baba sa anak ko sa lapag dahil hinihingal na ako sa pagod. At tumakbo siya pabalik sa bahay.
Kami naman ni Kawhi ay naglakad na rin patungo sa bahay habang bitbit ang mga pinamili namin.
" Ang laki niya no? Mabuti nakakaya mo?" Anang pa niya.
" Oo nga eh. Kaya lang hindi ko maiwasan kargahin siya kapag gusto niyang magpakarga. Atsaka kasalanan ko naman dahil pinataba ko siya'ng ganyan." Wika ko.
" Mabuti hindi naghahanap ng tatay ang anak mo?"
Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang tanong niya.
" Hindi, kasi sinabi kona sakanya kung nasaan ang tatay niya." Sagot ko.
" Mukha naman mabait ang anak mo eh, at matalino pa. Kaya siguro hindi na siya nagtatanong." Ani Kawhi.
" Syempre, nagmana sakin." Pagyayabang ko naman saka pumasok sa loob ng bahay. Lumapit ako sa mga magulang ko saka nagmanong sa kanila.
" Anong lulutuin mo anak?" Anang sakin ni mamang.
" Mag-torta po ako, mang. Iyon po kasi ang paborito ni Kawhi." Sagot ko sa ina.
" Talaga? Paborito mo 'yun, iho?" Tanong ni mamang sa binata na nasa likuran ko.
" Yeah." Sagot ng binata saka naupo sa pang isahang sofa.
" Luto na po ako." Kapagkuwan ay paalam ko sa ina at nagtungo sa kusina para magluto na. Tutal nakaligo na si Uno kaya magluluto na ako ng makakain namin ng tanghalian.
Kapag busy ako sa mga gawain ay si mamang ang nagpapaligo kay Uno. Kaya naman malaking tulong sakin ang ina ko.
Habang nagluluto ako ay pumasok sa kusina si Kawhi at sumandal sa pagitan ng kusina saka dinning area.
" Oh? Bakit ka andiyan? Hindi pa ako tapos magluto." Sabi ko sa binata.
" Wala lang." Anito saka lumakad palapit sakin. " Bango ah?" Komento pa niya habang nakatingin sa niluluto ko. Torta ang niluluto kung ulam namin.
Mag-prito 'din ako ng isda para may ka partner ang torta ko.
" Torta lang 'yan." Wika kona may ngiti sa labi.
" Kaya lalo'ng tumataba ang anak mo eh. Kasi masarap kang magluto." Komento ni Kawhi sakin.
" Wala eh. Gano'n ko kasi kamahal ang anak ko." Kibit balikat kung aniya.
" Wala kanang balak mag-asawa ulet?" Kapagkuwan ay tanong niya sakin.
Hindi ako umimik. Pagdating sa gano'n usapan ay ayaw ko ng pag-usapan.
" Sorry." Maya-maya'y sabi ni Kawhi.
" Okey lang." Saad ko saka hinango kona ang huling isda sa kawali. " Maupo kana. Kakain na tayo." Utos ko sa binata.
" Tulungan na kita." Alok pa niya sakin.
" Wag na. Maupo kana lang." Sabi ko. Hindi na naman namilit si Kawhi at naupo na siya sa may hapagkainan habang naghahanda na ako ng pagkain.
After that ay lumabas na ako ng kusina para tawagin ang mga magulang ko at si Uno.
" Kain na po."
" Yehey!" Masayang sambit ng anak ko ng makarinig ng pagkain. " Kakain na."
" Ikaw talaga." Ani Mamang kasabay ng paggulo niya sa buhok ng anak ko. Ngumiti naman ako at tumakbo na si Uno sa kusina. Sabay sabay kaming pumunta sa kusina at naupo sa hapagkainan.
Nakita kung kumakain na ang dalawa. Pinagsandok na pala ni Kawhi ang pagkain ang anak ko.
Tumabi ako sa aking anak at napapagitnaan namin siya ni Kawhi. Nagsimula na rin ako'ng kumain at masaganang nagsalo-salo sa hapagkainan.
Nakita kung sarap na sarap sa torta si Kawhi na tila gusto'ng gusto ang ulam.
" Kamusta ang pagpunta sa palengke, iho? Nag-enjoy kaba?" Maya-maya'y tanong ni mamang sa binata.
" Oho, kaya lang ang baba ng trycycle dito." Nakangiting sagot ng binata.
" Matangkad ka lang." Sabat ko sa kanila.
" Well, yeah." Nakangiti naman sambit nito kasabay ng pagtingin sakin.
Umiwas naman ako ng tingin sa binata at baka makita ng aking ama iba pa ang isipin nito.
Nang matapos naming kumain ay lumabas ng kusina ang mga magulang ko kasama si Uno at naiwan kami ni Kawhi para tulungan ako. Ayaw ko sana dahil kaya ko naman pero makulet ang binata kaya hinayaan kona.
Matapos sa kusina ay tinawag kona ang anak ko para matulog ito ng tanghali. Pinapatulog ko siya ng tanghali para lumaki siya agad. Kaya lang lalo siyang lumulubo.
" Meme pasok na ako bukas?" Tanong ng aking anak ng pahiga na siya sa kama.
" Opo, wala kasi si teacher ngayun kaya wala kayo'ng pasok." Sagot ko sa aking anak.
" Hmm.. edi bukas na po ang pasok namin?" Tanong muli niya sakin.
" Opo. Matulog kana para lumaki ka." Utos ko sa aking anak.
" Opo." Aniya saka humiga ng maayus sa kama.
Tinabihan kona ang anak ko para mabilis siya makatulog. Kailangan pa kasi niya tabihan para makatulog.
Kinantahan ko ang aking anak habang pinaghehele ko siya. Makalipas ng ilang sandali ay nakatulog na ang aking anak sa tabi ko kaya dahan dahan ako'ng umalis para hindi magising. At pinalibutan ko siya ng mga unan.
Nang masiguro kung hindi na siya magigising ay kinuha ko ang tuwalya sa sabitan para makaligo na. Wala pa ako'ng ligo simula kanina kaya maliligo na ako at baka amo'y anghit na ako.
Lumabas ako ng kwarto ko saka napadaan sa kwarto ni ate na nakabukas ng kaunti at nakita ko si Kawhi na nakaupo sa kama saka nakahubad habang may kausap sa phone.
Mukhang si ate ang kausap niya ngayun. Umalis na ako at pumunta sa banyo para makaligo na. May banyo dito sa taas at baba para hindi hirap sa gabi kapag magbabanyo.
Nagsimula na ako'ng maghubad ng mga saplot at naligo. Hubod hubad ako maligo dahil nasa loob naman ako ng banyo. Ang sarap talaga maligo lalo na kapag malamig ang tubig.
Hindi kasi ako makaligo sa umaga dahil maaga ako gumigising at naghahanda ng pagkain sa mesa tapos pupunta pa ako sa babuyan namin para pakainin. After that ay pupunta naman ako sa taniman namin ng gulay at magluluto sa tanghali kaya hindi na ako nakakaligo.
Matapos maligo ay kinuha ko ang tuwalya saka nagpunas ng katawan ng maigi. After that ay tinapis ko sa aking katawan saka lumabas ng banyo. Nagulat pa ako dahil nasa labas ng banyo si Kawhi at mukhang inaantay ako'ng matapos.
" Ang tagal mo naman maligo. Ano bang ginawa mo sa loob." Pagbibiro niya pa sakin at tumingin pa sa loob dahilan para tignan ko siya ng masama.
" Mukha ba ako'ng may ginagawa sa loob? Kapal mo ah!" Inis kung sambit sakanya saka iniwan doon si Kawhi sa may banyo habang naiinis dahil napakabastos ng nasa isip niya hmp.
Kahit limang taon na ako walang sekslife ay hindi naman ako nakakaisip na paligayahin ang aking sarili dahil parang nakakadiri naman iyon kapag ginawa ko 'yun sakin. Magkakamay? Ewww.