KABANATA 04

2129 Words
KABANATA 04 KAWHI SMITH ( POV ) PAG-MULAT NG AKING MGA MATA ay bumangon ako mula sa kama saka naghikab kasabay ng pag-unat ng aking mga kamay. Maliwanag nasa labas. Nalate na ako ng gising dahil napuyat na naman ako kagabi. Kausap ko kasi ang magiging fiance kona si Roberta. Nakilala ko ang dalaga sa state at nagustuhan ko siya dahil sa kanyang ugali. Kaya naman hindi ko napigilan mahalin siya. At tumagal kami ng ilan taon ni Roberta. Ngayun nga ay magpapakasal na kami ng dalaga dahil matagal na kaming mag-girlfriend at mag-boyfriend. Gusto kona rin naman lumagay sa tahimik kaya inaya kona siya magpakasal. Nakakasawa na rin ang buhay binata. Kaya naman naisipan ko ng yayain si Roberta. Atsaka humihingi na rin ng apo ang aking ina kaya naman magpapakasal na kami. Umalis ako ng kama saka nag-unat unat ng katawan. After that ay naglakad ako patungo sa bintana at binuksan ko iyon. Natigilan ako ng makita ko si Rosana sa baba habang nagdidilig ng halaman. Hindi ko siya napigilan titigan mula ulo hanggang paa. Maganda si Rosana. Kahit may anak na ito ay maganda, sexy at malakas parin ang appeal ng babae. Parang hindi nanganak si Rosana dahil balingkinitan parin ang katawan nito at malakas parin ang karisma niya. Kaya naman maraming nanliligaw at nagkakagusto dito. Halos lahat ata ng mga lalake sa lugar nila ay nanliligaw kay Rosana pero hindi pinapansin nito. Sabagay, nakakaakit naman talaga ito at mapapalingon ka talaga. Kahit nga ako ay hindi maiwasan mapalingon at matitigan siya kapag walang nakatingin. Tapos puro pa pang-sexy ang mga sinusuot niya kaya hindi ko maiwasan titigan ang katawan niya. Mukhang magkaka-sala pa ata ako sa fiance ko dahil naaa-akit ako sa ganda ni Rosana. Wala naman sana ako dito at nasa state pa. Sabay sana kaming uuwe ng Pilipinas ni Roberta. Kaya lang pinauna niya ako dahil para daw makilala ko ang pamilya niya. Next month pa ang tapos ng contrata niya kaya hihintayin ko pa. Okey naman ang pamilya ni Roberta. Hindi nila ako pinapa-bayaan dito at asikasong-asikaso nila ako lalo na si Rosana. Lahat ng pangangailangan ko ay binibigay nila kaya hindi ako naboboring na tumira dito. Masarap ang mga pagkain at maganda ang tanawin. Kapagkuwan ay natigilan ako ng makita kung tumingala sakin si Rosana kasabay ng pagngiti niya sakin kaya mabilis ako'ng umalis sa bintana. Naramdaman ko kasing tumigas ang pagkalalake ko ng ngitian niya ako. Mas lalo siyang gumaganda kapag nakangiti. " f**k!" Napamura pa ako at nagtungo sa pintuan ng kwarto ko saka lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa banyo para maligo at mawala ang paninigas ng pagkalalake ko. Mahirap kapag ganito ang pagkalalake. Baka may magawa akong kasalanan. Pagpasok ko sa banyo ay naghubad agad ako ng mga saplot ko saka pumailalim sa dutsa ng shower. Kailangan kung pahupain ang init na aking nadarama ngayun. Hindi ako pwede'ng lumabas ng ganito at baka ano pa ang magawa ko. Ganito na lang palagi ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang babaeng 'yun. Bakit naman kasi ang sexy niya manamit eh. Hindi ko tuloy maiwasan mapatingin sakanya kapag nakasuot siya ng sando at ma-igsing short. Tapos dress na hapit sa katawan niya kaya lalo naging sexy sa harapan ko. Mabilis pa naman ako malibugan sa isang babae kapag nakakakita ako ng mapuputing hita at malalaking boobs. Iyon kasi ang kahinaan ko kaya hindi ako tumitingin sa iba dahil hindi naman ako makakaraos sa girlfriend ko. Ayaw pa kasi niya magpagalaw hangga't hindi pa kami kinakasal. Hindi naman ako naghahanap babae dahil ayaw ko magkasala kaya kamay kamay muna bago ang kasal. Nang matapos maligo ay kinuha ko ang tuwalya saka pinunas sa katawan ko at tinapis sa katawan bago lumabas ng banyo. Natigilan pa ako ng makita ko si Rosana na palabas ng kwarto niya. Nakapagpalit na siya ng damit dahil 'di na siya nakasando. Pero pang sexy parin ang suot niya. Oh come on. Nagkatitigan kaming dalawa at ngumiti siya sakin ng matamis kaya nagreact na naman ang alaga ko at tinakpan ng kamay ko para hindi niya makita ang bukol. " Sasama kaba?" Nakangiti niyang tanong sakin. " Huh? Yeah." Mabilis kung sagot kay Rosana. " Okey. Bilisan mo at kakain na tayo." Wika nito saka naglakad patungo sa hagdanan. Nahabol kona lang siya ng tanaw at hindi ko naiwasan mapatingin sa butt nito dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Shit! pati ba naman siya, Kawhi? Napailing ako saka nagtungo sa kwarto ko para magbihis. Palagi ako sumasama sa dalaga patungo sa babuyan at gulayan nila. Tumutulong 'din ako paminsan minsan sa pagpapakain ng baboy at paglilinis. Masaya naman at nag-eenjoy ako kapag nagpapakain ng baboy sa umaga. At kumukuha ng mga gulay sa gulayan nila. Nakakawala kasi ng pagkaboring kapag sumasama ako doon. Mabuti na lang ay palagi ako sinasama ni Rosana doon kaya hindi ko nararamdaman ang oras. Naiinip kasi ako kapag walang ginagawa. Matagal pa bago umuwe si Roberta ng pilipinas. Nang matapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto saka bumaba at nagtungo sa kusina. Mga simple lang ang mga sinusuot ko dahil sa bukid lang naman. Nakita kung nando'n na ang mag-pamilya at napatingin sakin si Uno. " Hi, tito." Bati pa niya sakin sabay lapit at manong. Ang bait talaga ng batang ito at sweet pa kaya nawiwili ako sa kanya. Pinalaki siyang mabuting bata ni Rosana. " Hey! Kiddo." Saad ko naman sabay gulo sa buhok nito. Pumunta na kami sa hapagkainan saka naupo doon. " Hello po." Bati ko sa magiging biyenan ko. Araw araw ay sabay sabay kaming kumakain dahil ayaw ni Mang Berto na may nauuna at may nahuhuli. Gusto niya ay sabay sabay para makakain ang lahat. " Kumain kana iho. Sasama kaba kay Rosana?" Tanong sakin ni mamang Rosa. " Oho, sasama po ako. Para naman may katuwang si Rosana sa pagpapakain sa mga baboy." Sagot ko kasabay ng paglingon kay Rosana. Tumango lang sakin si Rosana saka kumain. " Baka naman mapagod ka. Nakakahiya naman sayo." Sabi naman ni papang sakin. Ngumiti naman ako sa kanila. " Okey lang ho ako, papang. Nawiwili naman po ako sa pagpapakain sa mga baboy." Sagot ko sakanya. " Ikaw bahala. Nag-eenjoy kaba dito?" Anang pa niya sakin. " Oo naman po. Don't worry about me. I'm enjoying." Nakangiti kung sagot sa kanila. Nang matapos kumain ay lumarga na kami ni Rosana para pakainin ang mga baboy. Naglakad na kami patungo doon habang nagkukwentuhan kami nito. Medyo nagkakapalagayan na kami ng loob ni Rosana. Noong una kasi ay nagkakahiyaan pa at medyo ilang pa kami sa isa't isa. Pero ngayun ay okey na. Nagkaka-kwentuhan kami at nagkakausap ng walang ilangan. Iyon nga lang ay hindi kami pwede masyado'ng close at baka maissue kami. Iyon kasi ang sabi ni Rosana. Baka daw maissue kami kaya hindi kami masyadong close. Maya-maya'y may nakasalubong kami na mga kalalakihan sa daan. Binati nila si Rosana. " Hi, Rosana." Sabi ng isang lalake na medyo may itsura. Ngumiti lang si Rosana sa mga ito saka naglakad na. Sinundan ko naman siya sa paglalakad. Hindi talaga pinapansin nito ang mga lalaking nagpapaligaw tingin. Ayaw na daw kasi niya mag-nobyo at masaya na siya na ganito lang 'yung walang nobyo. " Dami talaga nagkakagusto sayo no?" Komento ko sa kanya. " Ewan ko. May anak na nga ako pero marami parin nanliligaw." Saad naman nito. " Maganda ka naman kasi, tapos sexy pa." Komento ko kasabay ng pagtitig dito. Nakita kung tumawa lang si Rosana na parang hindi naniniwala sa sinabi ko at pumunta nasa kulungan ng babuyan. Nagsimula na siyang magpakain ng mga baboy saka inumin. Tinulungan kona siya magpakain dahil masyadong marami ang mga alaga nila. Benebenta daw nila ito kapag may kasalan, fiesta at birthday. Kaya naman income sila kapag nakakabenta sila ng baboy. Mahal 'din ang presyo ng mga baboy sabi ni Rosana sakin. Appord lang talaga ng may mga pera. Nang matapos pakainin ang mga baboy ay nilinisan naman niya ang mga kulungan para maging malinis ang mga iyon. Muli ay tinulungan ko siya sa paglilinis habang nagbobomba ako sa poso at inaabot ang timba dito. May bombahan do'n para kuhaan ng tubig. Mabuti na lang ay malapit ang kuhaan ng tubig para sa paglilinis ng kulungan. Medyo malayo ang kulungan sa bahay nila Rosana kaya naman may poso dito. Medyo hirap ako sa paglilinis ng kulungan dahil 'di ko naman ito ginagawa. Pero si Rosana ay parang ang dali dali lang. Parang walang kahirap hirap sa paglilinis ng kulungan. Samantalang ako ay hirap na hirap. Napaiwas naman ako ng tingin ng makita kung yumuko ito at nakita ko ang cleavage niya. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim sabay tingin sa ibang derection ang mga mata. Matapos maglinis ng kulungan ay nakita kung pawis na pawis si Rosana kaya medyo nabasa ang damit nito. Nagpupunas na ito ng pawis sa mukha kaya hindi ko na naman naiwasan mapatitig dito ng ilang segundo bago umiwas ng tingin. " Halikana." Narinig ko pang aya niya sakin at lumakad na. Sumunod naman ako sa kanya sa paglalakad. Patungo naman kami ngayun sa gulayan at mukhang kukuha na naman siya. Araw araw na lang kami kumukuha ng gulay sa tuwing pumupunta kami sa babuyan. " Gusto mo maligo sa ilog?" Napalingon ako kay Rosana sa tanong niya. " Naligo na ako eh." Sagot ko. " Okey, ako na lang maliligo." Sabi nito saka nagpatuloy sa paglalakad at hindi kami tumuloy sa gulayan. Dumeretso kami sa ilog kung saan sila naglalaba. Sa ilog sila naglalaba dahil mas mabilis daw doon at hindi kana mahihirapan pa. Nakapunta na ako doon at nakaligo dahil sinama ako ni Rosana ng minsang maglalaba siya. " Wala kang damit maliligo ka?" Anang ko sa sa kanya. " Sus! Problema ba 'yun? Edi maghubad. Nakapanty, bra naman ako." Sagot naman nito sakin saka nagsimula ng maghubad ng damit at short. Hindi manlang nahiya sakin at masyadong tiwala sakin. Umiwas nalang ako ng tingin sakanya at iniba ang derection ng mga mata. Mahirap ng magkasala at ikakasal na ako. Maya-maya'y napalingon ako kay Rosana habang lumalangoy ito sa ilog. Aliw na aliw ito habang naliligo at parang batang naglalaro. Napangiti nalang ako dahil ang cute niyang tignan habang naliligo. Nang makita kung lilingon siya sakin ay umiwas naman agad ako ng tingin pero makikita ko sa gilid ng mg mata ko si Rosana habang umaalis sa ilog. Napalunok ako ng laway ng makita kung naka-panty at bra lang ito kaya litaw n litaw ang ka seksihan nito. Para bang seksi star kung titignan si Rosana habang nakapanty at bra. " Halika na." Maya-maya'y aya nito sakin kaya lumingon na ako sa kanya. Nakabihis na ito at nakaramdam ako ng panghihinayang pero sinaway ko rin agad ang sarili ko dahil kapatid ito ni Roberta. Hindi ko dapat ito naiisip dahil ikakasal na ako. Bakit naman kasi wala dito ang girlfriend ko. Edi sana hindi ko pinagnanasaan ang kapatid niya tsk. Parehas maganda ang magkapatid pero mas hot at sexy si Rosana. Si Roberta naman ay seksi 'din pero hindi pang seksi ang mga suotan ng girlfriend ko. Parang manang kung manamit si Roberta. Isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya dahil hindi siya nagpapakita ng katawan. Kabaliktaran naman kay Rosana. Palaging nakasuot ng pang-seksi kaya maraming naaakit at nakatingin, kasama na ako do'n. Sabagay lalake ako. Hindi ko rin naman maiwasan mapatingin sa kanya tapos ilan taon na ako'ng nagkakamay kaya naman mabilis ako mag-init at tigasan kapag nakakakita ng seksi na babae. Pero kaya kung kontrolin ang sarili. Pag-uwe namin sa bahay ay kaagad siya'ng pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa taas. Ako naman ay naupo sa may balkonahe habang nakatanaw sa paligid. Maya-maya'y may tumabi sakin kaya napalingon ako sa gilid ko. Nakita ko ang tatay ni Roberta. " Kumusta ang pamamalagi mo dito? Nag-eenjoy kaba?" Ngumiti ako sa matanda. " Oo naman po. Masaya naman po dito kahit puro puno at bundok ang nakikita ko dito." " Mabuti naman. Palagi kasi nagtatanong ang anak ko kung nag-eenjoy ka daw ba dito. Kaya nagtatanong ako sayo." Saad nito. " Opo." Aniya saka nakita kung lumabas ng bahay si Rosana kasama ng anak niya. Mukhang papasok na ang anak nitong si Uno sa school. " Pang, alis na po kami." Paalam nito sa kanyang ama. " Sige, mag-iingat kayo'ng mag-ina." Ani ng tatay niya. " Pwede ba ako sumama?" Anang ko kay Rosana at napatingin siya sakin ng ilang segundo bago sumagot. " Sure." Sagot nito. Kaagad naman ako'ng tumayo saka nagpaalam kay mang berto. " Sige po." " Sige mag-iingat kayo." Wika naman nito. Lumakad na kami at nagtungo sa sakayan ng trycycle. Sa bayan pa ang school ni Uno kaya hatid sundo siya ni Rosana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD