KABANATA 01
MATAPOS KUNG MAGLINIS SA kusina ay lumabas na ako ng kusina saka tinawag si Kawhi para isama ito sa babuyan namin at maliit namin farm.
Naglakad kami patungo sa babuyan namin habang hindi kami nag-uusap ng lalake. Simula ng may mangyare kagabi ay nailang na ako sa lalake. Para kasing may iba ako'ng nararamdaman kapag nakatitig ako sa kanya. Ewan ko ba, para kasing nararamdam ko parin sa dibdib ko ang kamay niyang humaplos sa s**o ko.
Sakop na sakop ng kamay niya ang isa kung s**o. Paano ba naman, ang laki ng kamay niya parang kamay ng higante.
" Sorry nga pala ulet, Rosana. Hindi ko sinasadya." Narinig kung sabi ni Kawhi kaya hindi ko naiwasan lingunin siya habang naglalakad kami patungo sa babuyan namin.
" Wag muna isipin 'yun. Lasing ka lang kagabi kaya mali ang napasukan mo'ng kwarto." Saad ko na hindi tumitingin dito.
" Baka kasi iba isipin mo sakin kaya humihingi ulet ako sayo ng pasensya." Wika nito kaya huminga ako ng malalim saka humarap sa lalake.
" Wag na lang sana maulet ito dahil ayaw ko ng gulo. Atsaka kung pwede lang ay dumistansya ka sakin at baka ano pa ang isipin ng pamilya ko." Wika ko saka naglakad ulet.
" Okey lang ba kung makikipag-kaibigan ako sayo? Wala naman siguro'ng masama diba?"
" Okey naman. Ikaw naman ang mapapangasawa ng ate ko." Sagot ko.
" Salamat, Rosana." Wika nito na may ngiti sa labi kaya napangiti na rin ako. Muli ay naglakad ulet kaming dalawa.
" Pwede magtanong?" Maya-maya'y tanong sakin ni Kawhi.
" Ano?" Anang kona bumaling sa binata.
" Nasaan pala ang tatay ni Uno? Bakit hindi ko ata nakikita." Tanong nito dahilan para matigilan ako. Sa totoo lang ay ayaw ko pag-usapan about sa tatay ni Uno dahil ayaw kona siya maalala pa.
Kinalimutan kona ang nakaraan na iyon dahil sa pangloloko niya sakin.
" Ayaw ko pag-usapan 'yan." Maya-maya'y sabi ko matapos matigilan.
" Pasensya kana ah? Iyon kasi ang napansin ko eh. Wala 'yung asawa mo." Saad nito.
" Okey lang. Halikana, nandito na tayo." Wika ko ng makarating kami sa kulungan ng mga baboy.
Marami kaming alagang baboy para ipangbenta kapag may gustong mag-alaga ng baboy saka kapag may fiesta, kasalan at iba pa.
" Ang dami niyo palang alagang baboy." Komento ng binata habang kumukuha ako ng pagkain ng baboy at pakakainin kona ang mga alaga namin.
Ito ang ginagawa ko sa araw araw dahil 'di na pwede sina mamang at papang. Noon kasi ay si papang ang gumagawa nito. Pero ng maistroke si papang ay ako na ang umako sa mga trabaho niya dahil wala naman ibang mag-aasikaso.
" Oo, dati kaunti lang 'yan hanggang sa dumami." Sagot ko habang pinapakain ang mga baboy.
" Mahirap bang mag-alaga ng baboy?"
" Depende." Sagot ko. " Kapag bago kapa lang ay mahirap talaga. Pero kapag sanay kana, maning mani na lang." Nakangiti kung sagot sa binata.
" Pansin ko nga eh. Parang ang dali para sayo."
" Syempre, sa araw araw kung ginagawa 'to? Hindi pa ba magiging madali para sakin?" Naiiling ko pang aniya.
" Oo nga eh. Pwede ko bang subukan?" Kapagkuwan ay tanong niya sakin.
" Sure." Sagot ko saka tinuruan ko siya magpakain ng mga baboy.
" Masaya pala pag ganito." Wika ng binata habang nagpapakain ng baboy. Parang nag-eenjoy siya magpakain sa mga alaga namin.
Pagkatapos namin pakainin ang mga baboy ay nilinisan ko ang kulungan bago ko pinaliguan ang mga baboy. Samantalang si Kawhi ay nanunuod lang sakin habang ginagawa ko iyon.
Nang matapos ko iyon gawin ay nagpunas ako ng pawis saka lumakad na kami patungo sa mga gulayan para mamitas ng lulutuin ko mamaya sa tanghalian namin.
" Ano okey ka lang? Baka pagod kana?" Baling ko sa binata.
" Okey lang, sanay naman ako sa lakaran." Saad nito.
" Talaga?" Tanong ko naman.
" Oo, mahilig kasi ako mag-hiking sa mga bundok kaya wala sakin kung malayo ang lalakarin natin." Nakangiti nitong sabi.
" Edi mabuti." Sabi kona nagkibit balikat.
" Don't worry about me. Sanay na sanay ako sa lakaran." Anito.
Naglakad na nga kami patungo sa taniman namin habang nag-uusap.
" Tumira ba kayo sa pilipinas?"
" Oo, pero saglit lang at bata pa ako no'n." Sagot ng binata.
" Bakit naman?" Anang ko habang napapalingon dito.
" Nasa America ang trabaho ni daddy. At ayaw niya kaming iwan sa pilipinas kaya nagdesisyon si mommy na doon na kami manirahan hanggang sa lumaki na kami." Kwento nito.
" Mabuti marunong kang magtagalog kahit doon ka lumaki." Anang ko sa kanya.
" Oo naman. Nagagalit kasi si mama kapag puro english ang salita namin sa bahay. Gusto niya kasi ay tagalog ang salita namin para naiintindihan niya kami." Wika nito.
" Hindi marunong mag-english ang mama mo?" Taka ko naman tanong kay Kawhi.
" Marunong naman. Pero mga basic lang." Sagot nito.
" Hmmm." Napatango tango ako. " Mabuti marunong ka magtagalog. Kasi kung english ang salita mo. Baka hindi kita kinakausap ngayun." Saad ko.
Natawa naman ito. " Bakit naman? Don't tell me hindi ka marunong mag-english?"
" Marunong naman ako. Pero hindi kasing galing ni ate." Ani ko.
" Ahh.. okey."
Nakarating na kami sa taniman namin kaya pumasok kami sa loob. May bakod ang taniman namin para hindi nakawin ng mga kung sinoman."
" Wow! Ang daming gulay." Komento ng binata nang makapasok na kami sa loob.
" Oo, tanim lahat 'yan ng mamang ko at papang ko." Sagot ko.
Kumuha ako ng basket sa maliit naming kubo saka kumuha ng mga gulay. Kukuha na ako ng mga gulay para ibenta ko sa palengke. Binabagsak ko lang sa mga kakilala ko doon.
" Kumakain kaba ng gulay?" Anang ko sa binata. Kahapon kasi ay walang gulay sa mga luto namin dahil sabi ni ate ay hindi daw nakain ng gulay ang binata.
" No, pero isang gulay lang ang kinakain ko."
" Ano?" Kunot nuo kung tanong sa binata.
" Talong with egg."
" Hmmm.. torta? Gusto ko rin 'yan lalo na kapag may giniling at maraming egg." Saad ko.
" Really?"
" Yeah, masarap kasi." Wika ko habang kumukuha na ng gulay. " Kaya lang walang talong ngayun. Pero bili na lang tayo sa palengke after nito. Gusto mo bang ulamin 'yun ngayun?" Baling ko sa binata.
" Okey lang ba? Hindi ba nakakahiya sayo?"
" Oo naman. Ako ang tagaluto samin." Sabi ko sa binata.
" Swerte ng mapapangasawa mo." Maya-maya'y sabi nito.
" Bakit?"
" Magaling ka magluto at masarap kaya swerte ng mapapangasawa mo." Ani Kawhi na tumitig sakin. Umiwas naman ako ng tingin saka kumuha ulet ng gulay kasabay ng pag-ngisi.
" May swerte bang iniiwan." Hindi ko napigilan sabihin.
" Tanga ng lalake na 'yun. Bukod sa masarap kana magluto ay maganda at seksi kapa." Puri ni Kawhi sakin dahilan para mapalingon ako sakanya kaya nakita kung nakatitig siya sakin. Mabilis naman ako napaiwas ng tingin saka inabala ang sarili.
Hindi ako sanay na pinupuri ako ng ibang tao kahit marami ako'ng manliligaw. Nahihiya kasi ako kapag pinupuri nila ako.
Maganda naman talaga ako. At mas lalo pang gumanda ng magkaanak ako. Kaya naman tawag sakin ng iba ay hot mama dahil bukod sa maganda ako ay maganda ang katawan ko. May malaking boobs at balakang. Balingkinitan 'din ang katawan ko na parang coca cola body.
Dati maliit lang ang boobs ko at balakang pero simula ng manganak ako ay lumaki sila kaya maraming tumitingin kapag dumadaan ako dahil ang laki ng mga 'yun.
Syempre proud ako, kahit may anak na ako at hindi naman ako mukhang losyang kaya marami paring nangliligaw. Kahit nga ang anak ng barangay chairman samin ay nililigawan ako pero hindi ko siya type dahil may pagkamayabang ang lalake na iyon.
Oo nga gwapo siya. Kaya lang ay ayaw ko sa mga lalaking hambog at mayabang dahil naiirita ako. Kaya nga nagustuhan ko ang ama ng anak ko dahil gwapo iyon pero hindi mayabang. Akala ko nga mabait eh. Iyon pala ay lolokohin lang ako.
" Halikana. Umuwe na tayo." Kapagkuwan ay aya ko sa binata ng makakuha na ng gulay saka naglakad na.
" Ako na. Mabigat 'yan." Sabi nito sakin kasabay ng pagkuha sa basket.
" Ako na." Tanggi ko. " Atsaka wag mong sa sabihin na mabigat baka hindi mabenta." Sabi ko.
" Gano'n ba 'yun?"
" Oo, kasabihan ng mga matatanda." Wika ko.
" Hmm.. okey. Pero akina." Ani Kawhi sabay kuha ng basket sa kamay ko.
Napailing naman ako saka hinayaan na siya. Feeling ko ay may pagkamakulet ang lalaking ito.
" Kapag may time isama kita sa may ilog. Masarap maligo doon." Kapagkuwan ay sabi ko.
" Really?"
" Oo." Sagot ko.
" Sabi ng ate mo marami daw magandang tanawin dito?"
" Oo, kapag may time igagala kita dito samin." Saad ko.
" Sige, gusto ko 'yan." Sabi naman nito.
Nang makarating kami sa bahay ay mabilis kaming pumasok sa loob. Nakita ko agad ang anak kona nanunuod ng TV kasama ng lolo niya at lola.
" Nandito na po kami." Wika ko kaya napalingon samin ang tatlo.
" Meme!" Sigaw ng anak ko sabay takbo sakin at nagpakarga. Walang pasok ang baby ko dahil wala ang teacher niya kaya bukas na siya papasok.
" Ang bigat muna anak." Komento ko.
" Big na po kasi ako meme." Sagot naman niya.
" Opo, big kana dahil ang lakas mong kumain." Nakangiti ko naman sagot sa aking anak.
" Meme gutom na po ako." Maya-maya'y sabi ng anak ko sabay hawak sa tiyan niya.
" Kakain lang natin kanina ah? Gutom ka kaagad?" Gulat ko naman anang kay Uno. Ang takaw talaga ng bata'ng to kaya lalo'ng lumalaki.
Hindi ko naman maawat dahil naaawa ako kapag pinipigilan ko siyang kumain.
" Gutom na po ako eh." Nakanguso pa niyang sambit. Kapag nakanguso na si Uno ibig sabihin ay naglalambing na ito. Palagi ako dinadaan sa pagnguso niya.
" Sige, kukuha lang ako ng food sa kusina." Sabi ko sa aking anak kaya binaba kona si Uno at tumakbo ulet pabalik sa pwesto niya.
" Kumuha 'din pala kayo ng gulay?" Tanong naman sakin ni mama. Samantalang si Kawhi ay pumunta nasa kusina para ilagay ang mga gulay na pinitas ko.
" Opo, ma. Ibebenta ko po 'yung iba kay aling Melba." Sagot ko sa ina.
" Wag na. Hayaan muna lang diyan sa kusina."
" Okey po." Aniya saka nagpunta sa kusina. Naabutan ko doon si Kawhi na umiinum ng tubig.
" Grabe ang anak mo no? Kakain lang gutom na agad." Komento nito.
" Oo." Nakangiti kung sagot sa binata. " Sinanay ko kasi siya no'ng bata pa siya. Kaya ayan, ang lakas kumain." Naiiling kung aniya.
" Pero mahirap 'din kapag subrang taba. Baka maging sakitin."
" Hindi naman." Aniya ko. " Hindi naman sakitin ang anak ko. Atsaka naaawa kasi ako kapag pinipigilan ko. Kaya hinahayaan kona." Ani ko saka kumuha ako ng makakain ni Uno sa ref.
Thank god kasi kumakain ng gulay ang anak ko kaya hindi na ako nag-aalala. Halos lahat ng gulay ay kinakain niya.
Bumaling ako kay Kawhi. " Sasama kaba? Pupunta ako ng palengke."
" Oo naman. Ligo lang ako." Sagot naman nito.
" Sige. Asikasuhin ko muna ang anak ko. Maligo kana." Nakangiti ko naman sambit. Ngumiti 'din ang binata kaya naman lalong naging gwapo siya sa harapan ko.
Gwapo na si Kawhi, pero mas lalo pa siyang guma-gwapo kapag nakangiti siya at hindi siya mukhang suplado. Akala nga namin ay masungit at maarte pero hindi pala dahil marunong siya makihalubilo samin.
Pinagluto ko muna ng pancake ang baby ko dahil mamaya pa ako magluluto at pupunta muna ako sa palengke para bumili ng kailangan. Medyo malayo ang palengke dito at kailangan pang sumakay ng trycle.
Nang matapos magluto ay tinawag ko ang aking anak saka pinakain ito dahil 'di ako titigilan ni Uno hangga't hindi siya nakakain kaya pinagluto kona.
Habang inaantay ko si Kawhi ay inasikaso ko muna ang anak ko hanggang sa bumaba na ang binata sa baba.
Napatitig ako sa binata dahil ang gwapo niya sa suot niya at ang bango bango niya dahil bagong paligo. Pero agad 'din umiwas ng tingin dahil fiance siya ng ate ko.