KABANATA 06

1600 Words
KABANATA 06 ROSANA ( POV ) PAGBABA NAMIN NG TRYCYCLE ay agad naman tumakbo ang aking anak pauwe sa bahay kaya naiwan kami ni Kawhi. " Sorry, offend kaba?" Wika nito kaya napalingon ako sa kanya sabay iwas 'din ng tingin. " Hindi, ayaw ko lang sanayin ang anak ko ng mga gano'n bagay. Dahil wala ako'ng ibibigay kapag humingi siya sakin." Paliwanag ko. " Natuwa lang kasi ako sa anak mo. Gano'n kasi ginagawa samin ni Daddy noon. Kapag mataas o may naa-achieve kami sa school ay binibigyan niya kami ng premyo kaya masipag kami mag-aral no'n." Nakangiti naman nitong kwento. " Mayaman naman kasi kayo. Hindi katulad namin, mahirap lang." Komento ko sa kanya. " Hindi naman siguro masama kung bibigyan ko siya ng gift diba? Fiance naman ako ng ate mo eh.". " Kahit na. Ayaw ko! Kapag ginawa mo 'yan. Hindi kona papalapitin sayo ang anak ko." Sabi ko sabay pasok sa loob ng bahay namin. Dumeretso ako sa taas at pumunta sa kwarto ko. Hindi ko naabutan ang anak ko doon kaya pumunta ako sa kwarto nila mamang dahil doon naman palagi ang deretso ni Uno kapag may award siya. Nakita kung hindi nakalapat ang pintuan ng kwarto kaya sumilip ako. Napangiti ako dahil binibida ng aking anak ang kanyang mga star sa kamay. Natutuwa ako kapag nakikita ko siyang masaya. Minsan naman ay nalulungkot ako dahil 'di ko maibigay sa anak ko kapag may pinapabili siyang laruan sakin. Wala naman kasi ako'ng pera at binibigyan lang ako ng mamang kapag may kita sila sa kanilang babuyan at gulayan. Hindi ako humihingi at hinahayaan ko lang na bigyan nila ako dahil dito ako nakatira. Nahihiya kasi ako kapag tumatanggap ako ng pera mula sa kanila. Dito na nga kami nakatira at pinag-aaral pa ng ate ko si Uno kaya hindi na ako humihingi. Paliko na ako para sana umalis ng mabunggo ako sa katawan ni Kawhi. Hindi ko namalayan na sumunod pala siya sakin at nasa likod ko pa. Mabuti na lang ay hindi ako napatili at baka marinig ako ng mga magulang ko sa loob. " Ano bang ginagawa mo diyan?" Mariin na tanong ko sa kanya sabay layo dito ng may naramdaman ako'ng kuryente sa paglapit namin. Napangiti at napakamot naman ito sa ulo. " Akala ko kasi kung anong sinisilip mo." " Tsismoso ka." Sabi ko at lumakad na. " Uy! hindi ah. Nakikitingin 'din lang ako." Pangangatwiran pa nito sakin. Hindi ako umimik at bumaba na lang sa hagdanan para maghanda ng pagkain. Kapag nasa school ako ay si mamang ang nagluluto ng pananghalian namin. Nag handa agad ako ng makapasok sa kusina. Samantalang si Kawhi ay naupo sa hapagkainan at naghahantay ng pagkain. Pumasok na rin ang anak ko sa kusina dahil panigurado ay gutom na gutom na ito. " Wow! gulay." Masayang sabi ng anak ko ng makita niya ang ulam. Syempre may karne dahil 'di kumakain ng gulay si Kawhi. " Mabuti kapa kumakain niyan. Samantalang ako, talong lang." Wika nito sa aking anak. " Masarap po kasi tito, Kawhi. Try niyo po." Alok ng aking anak sa binata. " Nako wag na, Uno. At masasayang lang." Nakangiti nitong tanggi sa anak ko. " Okey po." Sagot ng aking anak at magana ng kumain. Ngumiti naman ako sa binata ng lumingon siya saka naupo na rin ng mailagay kona ang mga kailangan. " Talo pa ako ng anak mo. Biruin mo nakain siya ng gulay." Sabi ni Kawhi sakin habang kumakain. " Sinanay ko kasi siya no'ng bata pa. Para paglaki niya ay marunong siyang kumain ng gulay." Kwento ko naman. " Kaya ang lusog mo eh." Nanggigigil na sabi nito sa aking anak na may kasamang pisil sa pisngi ni Uno kaya nag-react ang anak ko. " Aray ko po, tito." " Sorry, baby. Ang cute cute mo kasi eh." Nakangiting sabi ni Kawhi. " Mahilig ka rin sa bata no?" Puna ko naman. " Oo, wala kasi ako'ng kapatid kaya wala ako'ng malalaruan sa bahay. Yung mga pamangkin kona lang ang pinapaiyak ko. Hindi ko lang mapaiyak si Uno kasi baka magalit ka." Saad pa ng binata. " Sakto, magpapakasal na kayo ng ate ko. Magkakaanak na kayo." Wika ko. " Oo nga eh, miss kona nga siya eh." " Malapit na 'yun. Kalma ka lang." Sabi ko sabay subo ng kanin with gulay. " Brides maid kaba sa kasal namin ng ate mo?" Kapagkuwan ay tanong ni Kawhi sa akin. " Hindi." Mabilis kung sagot. " Why?" " Ayaw ko lang. Atasaka walang mag-aasikaso sa mga bisita." Sagot ko. Pero ang totoo ay nakiusap ang ate kona ang kaibigan nito ang magiging brides maid niya. Umuo na lang ako para ng gulo. " Sayang naman." May panghihinayang na sabi nito. " Okey lang. Mas gusto ko ng gano'n." Nakangiti kung sambit saka pinagpatuloy na ang pagkain ko. Kaya naman ang dalawa nalang ang nag-usap. Pero palingon lingon sakin ang binata kaya umiiwas ako. Kapagkuwan ay dumating ang kuya ko. Mukhang manghihingi na naman ng ulam dahil may dala siyang mangkok. " Anong ulam niyo? Pahingi naman." Inabutan naman ni Kawhi ang kuya ng mga ulam namin. " Oy! ang sarap. Dito na lang ako makikikain." Wika ni Kuya na naupo sa tabi ni Uno at ginulo ang buhok ng pamangkin. Okey naman si Kuya. Masipag siya pero kapag inabot ng katamaran ay hindi ito magtatrabaho kaya minsan ay sa bahay nakikikain kasama ng pamilya kaya nagagalit si ate Roberta. Nang matapos kumain ni Uno ay nagpaalam muna ako sa kanila para ihatid muna sa taas ang anak ko dahil patutulugin ko muna. Pinapatulog ko ang anak ko pagdating ng tanghali dahil wala na siyang ginagawa. " Matulog kana. Magliligpit pa ang Meme sa baba." Sabi ko sa aking anak ng makahiga nasa katre. " Opo, Meme." Sagot sakin ng aking anak at niyakap na niya ang kanyang paboritong unan. Hinalikan ko muna siya sa nuo bago ako lumabas ng kwarto namin. Bumababa ako sa kusina at wala na ang kuya ko doon. Mukhang umalis na siya matapos makikain. Si Kawhi na lang ang naabutan ko doon habang nagliligpit ng mga pinagkainan namin. " Asan si kuya?" Anang ko sa binata kaya napalingon siya sakin. " Umalis na." Sagot naman niya sakin na may ngiti sa labi. " Hmmm.. okey." Sabi ko sa binata sabay iwas ng tingin dito. Lumapit ako sa lababo para maghugas ng pinggan. " Si Uno?" Tanong pa niya sakin. " Sa taas natutulog na." Sagot ko sa kanya habang naghuhugas ng pinggan sabay lingon ko sa kanya. " Magpahinga kana. Ako na lang dito." Taboy ko sa kanya. " Mamaya na. Wala ako'ng kausap eh. Atsaka busy ang ate mo. Mamaya ko pa makakausap 'yun." Wika nito. " Okey, bahala ka." Saad ko saka pinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan. " Tulungan na kita." Alok pa niya sakin. Pero tumanggi ako dahil baka matagalan pa kami. " Wag na. Umakyat kana sa taas. Ako na bahala dito." Pagtataboy ko sa kanya. Kaya lang makulet ang lalaking 'to. " Dito nalang ako. Sabay na tayo umakyat." Nakangiti niyang sambit sakin. " Bahala ka." Tinuloy ko ang paghuhugas para matapos na ako dahil tatabihan kopa ang anak ko sa taas. Nang matapos maghugas ay lumabas na kami ng kusina saka umakyat sa taas. Sabay kaming umakyat sa taas ni Kawhi at naghiwalay lang ng makarating sa taas. " Sige." Nakangiting paalam sakin nito bago pumasok sa loob ng kwarto niya. Pumasok na rin ako sa kwarto namin ni Uno at tumabi sa aking anak para matulog na rin. Wala naman ako'ng gagawin ngayun eh. Kaya matutulog na lang muna ako. Makalipas ng ilang sandali ay nakatulog na ako sa tabi ni Uno. At nagising lang ng may tumapik sa balikat ko. Unti unti kung minulat ang mga mata ko at nakita ko ang aking anak na si Uno ang gumigising sakin. " Meme gising na. Gusto ko po kumain." Wika ng anak ko sabay yugyug sa balikat ko. " Hmmm.. opo, baby." Wika ko saka hindi naiwasang mapatingin sa pintuan ng makita ko doon si Kawhi habang nakatingin sakin. Kaya naman napabalikwas ako ng bangon sabay takip sa dibdib ko dahil wala ako'ng suot na bra. At bumaling sa anak ko. " Sige, baby. Lalabas na si Meme." Sabi ko sa kanya. " Okey po, meme." Aniya saka umalis nasa katre at pumunta nasa pintuan saka sinara iyon. Napabuntong hininga ako ng malalim dahil nakita niya ako'ng natutulog na ganito ang ayus. Wala pa naman ako'ng suot na bra tapos naka-short lang ako ng maigsi tsk. Tumayo ako mula sa katre saka lumapit sa pintuan para i-lock sa ang pintuan dahil maghuhubad ako para magsuot ng bra. Hindi ako sanay na may bra kapag natutulog. Nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto saka bumaba sa kusina. Naabutan ko pa ang dalawa ang habang nakaupo sa hapagkainan. Lumapit ako sa aking anak saka hinalikan ito sa pisngi. " Ikaw talaga, natutulog pa si Meme eh." Ngumuso naman ito sakin. " Nagugutom na po ako, Meme." " Oo na po." Saad ko. " Ano bang gusto mo'ng kainin?" Tanong ko pa sa aking anak at bumaling ako kay Kawhi. " Ikaw? Anong gusto mo?" " Coffee na lang." Sagot nito kasabay ng pagtitig niya sakin ng matiim kaya napaiwas ako ng tingin. Tumalikod na ako saka lumapit sa ref para kumuha ng kakainin ng anak ko. Ang hirap talaga kapag may anak kang mataba palagi na lang gutom. Hay.. Sabagay kasalanan ko rin naman eh. Palagi ko siya pinapakain hanggang sa tumaba na nga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD