KABANATA 05

2002 Words
KABANATA 05 ROSANA GUERRERO ( POV ) SUMAKAY NA KAMI SA TRYCYCLE para pumunta sa bayan at ihatid sa school si Uno. Malayo ang school samin at kailangan sumakay ng trycycle para makarating doon. Kaya hinahatid ko pa si Uno sa school nila dahil bata pa ito at hindi pa marunong bumiyahe. Pero kung malapit lang ang school samin ay hindi kona ihahatid at sundo ang anak ko. Ewan ko ba sa government samin dito at hindi magawan ng paraan para magkaroon ng school samin. Nahihirapan ang mga bata at mga magulang dahil bukod sa mahal ang pamasahe ay wala pa silang pera para ibigay sa mga bata. Kaya ang endi ay hindi na lang pumapasok ang iba at nagtatrabaho lang. Yung iba naman para makapasok ay naglalakad sila araw araw kasi gusto nila makatapos kaya naaawa ako. Ganyan 'din kami dati. Noong elementary, naglalakad 'din kapag walang maibigay samin na pamasahe o baon ay naglalakad na lang kami para makapasok. Masipag pa ako mag-aral noon at hindi ako lumalakwatsa. Deretso uwe agad ako at hindi sumasama sa mga tropa. Noon kasi ay pangarap ko makapagtapos at maghanap ng magandang trabaho kapag graduate na ako kasi mahirap lang kami noon. Kaya nga hindi ako nagkakaroon ng boyfriend noon kasi ayaw ko ng sagabal sa pag-aaral ko kahit marami ako'ng mangliligaw. Pero nagkakaroon naman ako ng crush dati. Pero hanggang crush lang at basted lahat ang magtatangkang mangligaw. Dahil pukos nga ako sa pag-aaral at gusto ko makatapos para makatulong sa pamilya. Kasi hirap na hirap ang mga magulang ko para magtrabaho. Kaya naman hindi ko sila binibigo at nag-aaral talaga ako ng mabuti. Pero nagbago ang lahat ng tumuntong ako ng college. Nabuntis ako at hindi kona natapos ang pag-aaral ko dahil nahihiya na ako sa pamilya ko. Hindi na ako bumalik sa pag-aaral after ko manganak at nasa bahay na lang ako para tulungan ang mga magulang ko. Lalo na ngayun at matatanda na ang mga magulang ko. Kahit ilan beses nila ako pilitin na pag-aralin pero hindi na talaga. Nabigo kona sila kaya ayaw kona mag-aral. Pagbaba ko ng trycycle ay nagulat ako dahil binayaran ni Kawhi ang pamasahe namin. " Bakit mo binayaran?" Tanong ko ng makalapit sa kanya. " Okey lang." Nakangiti nitong wika habang hawak sa kamay ang anak ko. Napatitig at napailing na lang ako sa kanya sumunod. Well, mabait naman kasi ang binata kaya binayaran niya ang pamasahe namin. Mabait na nga, gwapo pa. Pagdating namin sa school ay pumasok na kami saka nagtungo sa room ng baby ko. Pinagtitinginan ng mga tao si Kawhi at maraming napapalingon na girls. Paano ba naman kasi ang tangkad ng lalake at gwapo pa kaya maraming napapalingon. Kapagkuwan ay nakita ko ang pinsan kung may anak na rin at lumapit pa sakin. Panigurado ay makikitsismis na naman ito. Hindii niya kasi alam na mag-aasawa na si ate dahil iba naman ang tirahan nila. Medyo malayo samin kaya pumupunta lang siya sa bahay kapag may party. Hindi lang siya nakapunta no'ng dumating si Kawhi dahil busy siya. " Huy! sino 'yan? Ayan na ba ang tatay ni Uno?" Bulong niya sakin na parang kilig na kilig sa binata. Parang walang asawa kung kiligin ang bruha. " Hindi." Mataray kung sagot kasabay ng pag-irap. " Oh? E, sino 'yan? Bagong tatay ni Uno?" Tanong pa niya sakin habang ay naka-bakas na gulat sa mukha niya. " Gaga! Fiance ni ate Roberta 'yan." Bulalas ko sa kanya. " Talaga? Ang gwapo naman." Kinikilig parin na sabi nito kasabay ng paglingon lingon niya sa binata. Mabuti na lang ay nasa unahan namin sina Kawhi at Uno kaya hindi maririnig ang mga bulungan namin dalawa ng pinsan ko. " Gano'n talaga kapag maganda." Sabi ko. " Bakit maganda ka rin naman ah? Tanga nga lang." Sikmat nito sakin. Hindi na ako nagugulat o nasasaktan kapag sinasabihan nila akong tanga. Immune na ako diyan, halos lahat ata ng kamag anak ko ay sinasabihan ako'ng tanga. Paano daw kasi ay nagpabuntis ako ng maaga at nagpaloko. Hindi ko daw ginamit ang utak ko, kundi ang katangahan ko. Wala naman ako pakialam sa kanila dahil ang importante sakin ay ang napatawad na ako ng mga pamilya ko. Mas gusto kasi nila si ate kasi mabait, maganda, matalino at suma-c*m-laude pa. Kaya mas gusto nila si ate kesa sakin kasi ako ma-attitude ako. Hindi naman ako naiinggit o nakikikumpetensya sa ate ko dahil may kanya-kanya naman galing ang bawat tao. Nagpaalam na sakin ang pinsan ko at uuwe na daw sila ng anak niya. Hinahatid at sinusundo niya rin ang anak niya. Sumunod na ako sa dalawa at malayo na sila sakin. Pagdating sa room ng anak ko ay pinapasok ko agad siya sa loob habang wala pa ang teacher nila. Minsan kasi ay nalelate ang kanilang teacher dahil malayo 'din ang bahay niya. Habang wala pa ang teacher niya ay nando'n lang kami sa labas ng room para bantayan siya. Ando'n 'din naman ang ibang nanay habang binabantayan ang kanilang mga anak. Mabait naman ang anak ko at hindi makulet sa classroom. Hanggang sa dumating na ang teacher ng anak ko. Pumunta naman kami sa court ni Kawhi para doon tumambay dahil bawal sa labas ng room. Hindi na ako umuuwe samin dahil sayang ang pamasahe. Kaya naman inaantay kona lang si Uno dito. " Aantayin na lang natin siya?" Tanong ni Kawhi sakin. " Oo, sayang pamasahe eh." Sagot ko sa binata. " Bakit kasi ang layo ng school? Wala bang malapit sainyo?" Anang pa nito sakin. " Wala, ang babait kasi ng mga government samin." Sarkasmo kung sambit sa kanya. " Kawawa naman ang mga bata. Kanina nga may nakita ako'ng naglalakad na mga istudyante patungo dito." Napalingon ako sa binata. Mabuti pa 'to, may awa sa mga bata. Mga naka-upo? Jusko lord. Wala atang awa sa mga nasasakupan nila. Hindi manlang mapagawang ng isang school malapit samin para naman hindi na mahihirapan ang maliliit na mga bata. " Wala naman tayo magagawa diyan." Kibit balikat na sabi ko. " Kung may school lang malapit sainyo ay hindi mahihirapan si Uno." " Mismo." Sagot ko sa binata. " Baka nga hindi na ako nalalagasan ng pamasahe sa araw araw kung may malapit na school samin." Sabi kona umiiling. Napailing 'din ito habang nakatingin sa paligid ng paaralan. Parang nadidismaya ito habang nakatingin sa paligid. Nakakadismaya naman talaga dahil hindi manlang mapaayus ang eskwelahan ng mga nakaupo. Subrang luma na at ang pangit na ng mga building. Kapagkuwan ay tumaas ang kilay ko ng may mga kababaihan na lumapit kay Kawhi. Mga nanay ng mga batang nag-aaral dito. " Hi, pogi. Anong pangalan mo?" Sabi ng isang babae na parang lahat ata ng make up ay nilagay na niya sa mukha niya. Subrang kapal kasi, akala mo talaga ay bagay sa kanya. Ngumiti lang si Kawhi kasabay ng paglingon sakin na kinataka ko. Bakit siya tumitingin sakin? Hindi naman ako ang girlfriend niya. Oo, magiging bayaw kona siya kapag kinasal sila ni ate. Bigla naman tumaas ang kilay ng babaeng makapal ang kilay. Kaya naman automatic na tumaas 'din ang kilay ko. Akala siguro niya ay papalo ako sa kanya. Di hamak na mas maganda ako sa kanya. Partida ay wala pa ako'ng make up niyan. " Sorry girls. I have a girlfriend." Nagulat ako ng bigla siyang tumabi sakin kasabay ng paghapit sa beywang ko dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko at napalingon sa kanya. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit may suot pa kami. Naalala ko tuloy 'yung pagpasok niya sa loob ng kwarto ko at niyakap niya ako. " Pasensya na, girls. Baka magalit ang girlfriend ko." Wika ng binata kasabay ng paglingon sakin at nginitian ako. Napakurap-kurap ako ng mga mata at kimi akong napangiti sa kanya sabay lingon sa mga babaeng mahadera. Parang nadismaya naman ang mga ito ng malamang may girlfriend na ang lalake dahil nakabusangot ang mga mukha nila. Buti nga. May mga anak na tapos lumalandi pa. Nang umalis na ang mga babae ay mabilis ako'ng lumayo sa binata ng makaramdam ako ng kuryente sa paglapit namin dalawa. Atsaka baka may makakita samin at isumbong pa kami sa mga magulang ko. " Sorry kung ginamit kita ah? Wala kasi ako maisip na dahilan eh." Narinig kung sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. " Dapat kasi hindi kana sumama eh." Wika ko naman sa kanya. " Hindi ko naman kasi alam na ganito eh." Saad naman nito. " Masyado ka kasing gwapo kaya maraming lumalapit sayo." Paismid kung sambit sa kanya. Napangiti naman si Kawhi na tila nasayahan sa sinabi ko. " Hindi ko naman kasi kasalanan kung pinanganak ako na gwapo." Saad nito dahilan para mapaawang ang labi ko sa sinabi niya. " Hambog." Mahina kung bulong dahil may pagkamayabang 'din ang lalaking 'to. " What?" Tanong naman nito. " Wala!" Sagot ko sabay iwas ng tingin. Gwapo naman talaga si Kawhi at hindi yabang 'yun. At may pagmamalaki talaga siya. Hindi na ako magugulat kung maraming babaeng lalapit at magpapa-cute dito dahil subrang gwapo naman ito at hot. Maganda ang katawan nito na minsan konang nakita dahil naligo ito sa ilog. Katawan palang ay ulam na. Makalipas ng ilang oras ay lumabas na ang anak ko sa kanyang room dahil uwean na nila. Tumakbo ang anak ko patungo samin kaya sinalubong ko agad para hindi ito madapa. " Meme!" Sigaw pa nito sabay yakap sakin at pinakita sakin ang braso niya. " Meme ang galing ko po oh? May star po ako." " Wow! ang galing naman ng baby ko." Puri ko sa aking anak. Lumapit pa siya sa tito Kawhi niya para ipagyabang ang star sa mga braso niya. " Tito, Kawhi may star po ako." " Wow! Very good, Kiddo." Saad ng binata kasabay ng paggulo sa buhok nito. Napangiti naman ako habang nakatingin sa dalawa. Natutuwa ako dahil malapit ang dalawa sa isa't isa. At kahit bago palang silang magkakilala ay malapit agad ang anak ko sa binata. Mabait naman kasi ang anak ko eh. Kahit sino ay nilalapitan nito para maging kaibigan niya. Siguro naghahanap lang ng ama ang anak ko kaya lahat ng mga lalake ay malapit siya. " Ang galing ko po no?" Sabi ng anak ko habang naglalakd na sila palabas ng eskwelahan at nasa likod lang ako. " Yes, at dahil magaling ka. Bibili tayo ng laruan.'" Sabi ni Kawhi dahilan para mag-react ako. " Anong laruan? Hindi pwede." Awat ko sa kanya. " Bakit? Nakakuha siya ng star eh." Sagot ni Kawhi na may pagtataka sa muka nito. " Alam ko. Hindi mo dapat sinasanay ang anak ko sa ganyan bagay. Hindi ko nga siya sinasanay tapos ikaw naman." Wika ko kasabay ng paghawak sa kamay ni Uno. " Ako naman ang bibili." Giit nito. " Kahit na." Sabi ko saka naglakad na patungo sa sakayan ng trycycle. Hinabol naman kami ni Kawhi pero hindi na siya nagsalita. Sumakay agad kami sa loob ng anak ko at si Kawhi naman ay sa likod dahil 'di siya kasiya sa loob. " Meme." Napalingon ako sa aking anak. " Bakit anak?" " Galit po kayo? Hindi naman po ako magpapabili eh." Sabi nito sakin. " Alam ko, goodboy ka eh." Saad ko sabay yakap dito. " Hindi galit si Meme huh? Mahal na mahal kaya kita." Wika kona tumingin dito. " Mahal 'din kita, Meme." Malambing na sabi nito sabay yakap sakin ang maliit niyang mga braso. Ayaw kung maging malapit si Uno sa mga nakikilala niya dahil ayaw kung maging malungkot ang anak ko kapag iniwan na siya. Dibale na lang ako ang masaktan wag lang ang anak ko. Kaya nga hindi na ako nag-aasawa dahil baka makuha ko lang ay hindi tanggap si Uno. Ang gusto ko ay matanggap muna nila si Uno bago ko sila sagutin. Ayaw kung iwan ang anak ko. Gusto ko ay palagi ko siyang kasama dahil palagi kung namimiss ang anak ko. Kaya nga palagi ko siyang kasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD