KABANATA 07
NAKITA KUNG KAUSAP NG MGA magulang ko si Kawhi kaya naman naglinis muna ako sa labas namin dahil marami na naman ng mga dahon dahon. Alas quatro palang naman ng hapon kaya magwawalis muna ako sa labas.
Nagsimula na nga ako mag-walis sa labas ng bahay namin habang naglalaro ang anak ko sa may balkonahe.
Abala ako sa pagwawalis ng lumapit sakin ang tita ko. Inabutan niya ako ng ginataang bilo bilo.
" Balik muna lang ang mangkok ko huh?" Bilin niya pa sakin.
" Opo." Magalang kung sagot kay tita na may ngiti sa labi. Palagi kaming binibigyan ni tita kapag nagluluto siya. Hindi kami nakakalimutan. Kami 'din naman. Kapag marami ang naluluto ko ay nagbibigay 'din naman ako sa kanila.
Pumasok ako sa loob ng bahay at sinabi ko sa mamang kona binigyan ako ni tita ng ginataang bilo bilo.
" Masarap 'yan?" Tanong naman ni Kawhi sakin habang nakatingin sakin.
" Oo, iho masarap 'yan. Try mong kumain." Wika ni mamang sa binata kaya tumayo mula sa sofa ang lalake at sumunod sakin.
" Grabe tataba ako dito. Ang dami ko palaging kinakain eh." Reklamo ni Kawhi kasabay ng pagsunod sakin.
" Edi wag kana kumain." Nakangiti ko naman sambit.
" Ang sarap mo naman kasi magluto. Kaya hindi ko mapigilan kumain ng marami." Wika nito naupo nasa may hapagkainan. Habang kumukuha ako ng mangkok at kutsara. Napangiti naman ako sa papuri niya ng palihim.
Nakapag-meryenda na sila ng anak ko kanina. Ngayun kakain na naman siya. Mukhang mahilig kumain si Kawhi.
Sumandok ito ng bilo bilo at nilagay sa mangkok niya. Nakatingin naman ako sa kanya habang kumukuha. At pagkatapos ay tinikman nito ang bilo bilo.
" Hmmm.. masarap ah." Komento nito sa bilo bilo ni tita.
" Tita ko ang nagluto niyan. Masarap talaga magluto 'yun." Sabi ko saka nagpaalam na. " Sige itutuloy ko pa ang winawalis ko."
" Hindi ka kakain?"
" Hindi na. Busog pa ako." Tanggi ko sa kanya. Medyo naiilang pa ako sa kanya kahit isang linggo na siya dito. Ewan ko, bakit ako naiilang. Bahay naman namin 'to.
" Marami 'to, hindi ko kayang ubusin 'to." Sabi naman nito.
" Edi wag mo ubusin. Darating naman 'yung dalawa eh." Wika kona may ngiti sa labi.
" Okey." Saad nito saka humarap nasa pagkain. Ako naman ay lumabas na at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa likod ng bahay para sunugin ang mga dahon na naipon ko.
Ginagawa ko 'yun tuwing hapon para mawala ang mga lamok. Atsaka mainam 'din 'yun sa mga puno para maganda ang mga tubo nila.
At wala naman ako'ng sinampay kaya ayus lang magpausok sa hapon. Pumunta ako sa loob ng bahay para kumuha ng posporo doon. Nang makuha kona ay lumabas ulet ako.
" Meme, natatae po ako." Sabi sakin ng anak ko.
" Sige mag-banyo kana anak at susunod si meme." Tugon ko naman sakanya. Hindi pa kasi marunong maghugas ng pwet si Uno kaya naman ay hinuhugasan ko pa siya.
Siniga kona ang mga naipon kung dahon at iniwan kona iyon. Malayo naman siya sa bahay namin kaya hindi ako mangangamba na baka may masunog. Bumalik ako sa bahay at pumasok sa loob saka nagtungo sa taas para hugasan na ang anak ko ng pwet.
Nagulat pa ako dahil nando'n si Kawhi sa labas ng banyo habang nakabukas ang pinto no'n.
" Ginagawa mo diyan?" Anang ko.
" Natatakot daw siya eh. Kaya sinamahan ko muna." Sagot naman nito. Natawa naman ako dahil nakatakip ang kamay nito sa ilong dahil mabaho ang t*e ng anak ko.
" Sige ako na. Salamat." Saad kona may ngiti parin sa labi. Natutuwa talaga ako sa kanya kahit naiilang pa ako.
Ang bait bait naman kasi niya eh. Palagi niya inaano ang anak ko. Yung anak ko naman tuwang tuwa. Palibhasa walang tatay kaya lahat na lang ay kinakaibigan niya.
Pumasok na ako sa loob ng banyo saka hinugasan ang anak ko ng pwet.
" Meme."
" Hmmm.."
" Ang bait ni tito Kawhi no?" Natigilan ako sa sinabi ng anak ko. Pero agad 'dib nahamig ang sarili ko.
" Oo naman. Kasi mabait kang bata." Wika ko sa aking anak. Natatakot ako na baka masyado siya mapalapit sa binata. Ayaw ko siyang masaktan kapag umalis na si Kawhi dito.
Pero hindi ko naman siya pwede pigilan dahil nakikita ko naman masaya siya sa binata at si Kawhi 'din naman sa anak ko.
" Thank you, Meme." Saad ng anak ko ng matapos ko siyang hugasan. Lumabas na ito ng banyo kaya binuhusan kona ang popo niya sa may inidoro. Nang matapos ay lumabas na ako para lang magulat ng makita ko pa sa labas si Kawhi ng banyo.
Napatitig ako sakanya dahil nakahubad baro ang binata kasabay ng paglunok ng laway. Ang hot talaga ng lalake na ito. May six packs sa kanyang tiyan habang namumutok ang mga braso. Kaya minsan ay hindi ko mapigilan mapatitig sa katawan niya kapag nakahubad ito. Alam ko mali ito dahil pinagnanasaan ko ang mapapangasawa ng ate ko. Pero ang gwapo naman kasi ni Kawhi.
Parang nasalo na ata niya lahat dahil subrang gwapo niya at hot.
" Tapos kana?" Napakurap kurap ako ng mga mata ng marinig ko ang boses ni Kawhi sabay iwas ng tingin at nag-init ang pisngi ko.
" Ahm.. o-oo." Nauutal kung sagot sabay labas sa banyo. Dere-deretso ako at hindi na ako lumingon sa kanya dahil sa kahihiyan na ginawa ko.
My god! Rosana. Fiance ng ate mo 'yan tapos pinagnanasaan mo.
Na starstruck kasi ako sa binata dahil ang gwapo niya at ang ganda ng katawan niya. Wala pa kasi ako'ng nakita sa personal ng gano'n katawan kaya pinagpapantasyahan ko si Kawhi.
Pero hanggang tingin lang naman. Wala naman siguro'ng masama kung humanga ako sa fiance ng ate ko. Subrang gwapo naman kasi eh.
Palabas na ako ng bahay para i-check ang siga ko sa likod ng bahay ng tawagin ako ni mamang.
" Po?"
" Magluluto kana ba?"
" Opo, mang. Check ko lang po 'yung siga sa likod." Sagot ko sa ina.
" Lutuin mo 'yung gusto ni Kawhi para marami makain. Ayaw ng ate muna pumayat ang fiance niya." Wika ni mamang sakin.
" Opo, mang. Mukhang tataba ata dito ang lalaking 'yun dahil ang lakas kumain." Naiiling kung sambit.
" Napansin ko nga. Malakas 'din pala kumain ang batang 'yun." Komento ni mamang sa binata.
" Masarap ka naman kasi magluto kaya palaging maraming nakakain." Sabat naman ni papang sakin.
Napangiti naman ako sa papuri sakin ng ama ko. Mabuti na lang ay maayus na ang pagsasama namin ngayun. Hindi na siya galit sakin ngayun. Pero no'ng malaman niyang nabuntis ako ay hindi na niya talaga ako pinansin o kinibo.
Kinibo niya lang ako ng ipinanganak ko si Uno. Kaya ngayun ay masaya na ako dahil napatawad na ako ng aking ama at masaya na ako na pagsilbihan sila.
" Sige po, labas muna ako." Paalam ko sa aking mga magulang para i-check ang siga sa likod bahay.
Nang macheck konang wala ng apoy ay bumalik ako sa bahay. Mag-aasikaso na ako para makapagluto na. Anong oras na kasi kaya kailangan ko ng magluto. Maaga kaming kumakain para maaga makapagpahinga dahil maraming ginagawa sa umaga. Pero ako, madaling araw na kung minsan matulog kapag hindi pa ako inaantok. Nawiwili kasi ako sa kakanuod sa cellphone ko kaya hindi agad ako nakakatulog.
Nag-asikaso agad ako sa pagluluto. Kumuha ako ng mga lulutuin ko sa refrigerator. Abala ako sa pag-aasikaso ng lulutuin ko ng pumasok sa kusina si ang kapatid ko na si Rica.
Mukhang badtrip ang bruha. Ewan ko kung bakit.
" Ano na naman problema mo?" Anang ko sa kanya.
" Wala." Galit na sabi nito habang nakabusangot ang mukha.
" Nag-away na naman kayo ng jowa mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
" Kainis kasi eh. Palagi na lang busy. Tingin ko may iba na ang hinayupak na 'yun." Gigil na sabi pa nito sakin.
Pinayagan ng mag-boyfriend si Rica ng mga magulang ko dahil kilala naman namin ang lalake. Kababata ni Rica ang boyfriend niya ngayun. Kaya naman pinayagan na siya. Basta wag lang sila gagawa ng milagro.
" Bakit hindi mo tanungin?" Anang ko habang nagluluto.
" Hindi naman niya sasabihin eh. Magsisinungaling lang siya sakin." Irita nitong wika.
" Hiwalayan muna. Niloloko ka pala eh." Suhestiyon ko.
Tinignan naman ako ng masama ni Rica bago umalis. Napailing na lang ako sa reaction niya. Mukhang patay na patay ang kapatid ko sa lalaking 'yun. Kaya nga ayaw kona mag-boyfriend dahil sasaktan lang nila ang puso ko.
Tinuloy ko naman ang pagluluto para makakain na kami ng hapunan. Abala ako sa pagluluto ng biglang may magsalita sa likuran ko.
" Ang sarap naman niyan."
Mabilis akong napalingon sa kanya para lang magulat dahil nasa likod kona pala si Kawhi habang nakatitig sakin. Napatitig 'din ako sakanya habang magkadikit ang aming mga katawan. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa aking katawan. Parang may naramdaman ako'ng kakaiba sa katawan ko. Yun 'din ang naramdaman ko no'ng pumasok siya sa kwarto ko at niyakap ako.
Nang mapansin ko ang posisyon namin dalawa ay agad akong kumawala sa binata at sabay layo dito.
" Gusto mo'ng tikman?" Nahihiya kung tanong sa kanya habang hindi makatingin dito.
" Sana, pwede ba?" Tanong naman niya habang nakatingin sakin.
" Sige." Natataranta ko naman sagot sa kanya saka kumuha ng kutsara sa lagayan ng pingganan.
Nang makakuha ay binigay ko sakanya ang kutsara saka inantay na matikman niya ang ulam na niluluto ko.
Bicol express ang niluto ko ngayun na maraming sili. Hindi ko alam kung magugustuhan niya iyon dahil maanghang. Isa sa mga paborito kung ulam at maraming sili.
Nakatitig lang ako sa binata habang kumukuha na siya ng sabaw sa kawali. Maya-maya'y natawa ako ng makita ko ang itsura ni Kawhi. Nakanganga ito dahil sa naanghangan sa natikmang sabaw ng bicol express at tumakbo sa lababo para magmumug.
Pumunta naman ako sa refrigerator para kumuha ng matamis para mawala ang anghang. Nang makita ko ang minatamis ay kinuha ko 'yun saka binigay sa binata.
" Ayan kasi eh. Katakawan." Natatawa kung sambit habang nakatitig sa binata.
Tinignan naman niya ako ng masama. " Malay ko bang maanghan 'yan. Hindi naman ako kumakain ng may sili." Galit na sabi nito.
" Ang sarap kaya ng may sili. Umay kaya kapag wala." Sabi ko naman.
" Pansin ko nga. Kinakain mo pa nga eh." Wika nito saka binalik sakin ang minatamis.
" Masarap kasi kapag napapaso ang dila ko dahil sa anghang. Try mo minsan." Suhestiyon ko sa kanya.
" No way! Hindi ako kumakain ng may sili." Wika nito.
" Bayan! Ikaw lang ang lalaking hindi ko nakitang kumakain ng may sili na pagkain." Naiiling kung aniya sabay tingin sa niluluto ko.
" Okey lang. Hot naman ako eh." Nakangising sabi nito dahilan para mapaawang ang labi ko.
Sabagay, may punto naman siya. Hot talaga siya si Kawhi. Walang halong kayabangan.