MASAYA ako nang sumapit ang Lunes. Ni hindi ko nga mapigilan ang sarili ko sa pagngiti. Kung hindi ko lamang naalala ang tungkol sa nangyari sa amin ni Cassandra at tuloy sana ang masayang araw ko. Ang mga pumunta sa party ni Cassandra ay napapatingin sa akin. Kaagad naman silang nag-iiwas sa tuwing napapansin nila na tumitingin ako sa kanila. I already learned my lesson; kung ayaw sa akin, ayoko rin sa kanila. Kung aawayin nila ako, papatulan ko sila. Nakita ko ang mga kaibigan ni Cassandra ngunit hindi ko nakita roon si Cassie. Hindi na ako magtataka kung hindi siya pumasok. Hindi iyon magpapakita rito na may sugat ang mukha niya. Pumasok na ako sa klase. Naging payapa naman ang mga oras na nagkaklase ako hanggang sa mag-uwian. Dumiretso kaagad ako sa bahay ng mga Benavidez. Excited p