“OMG! Maybe he’s here to apologize!” Narinig ko ang masiglang boses ni Cassandra. Pinilig ko ang ulo ko at mas pinili na lamang huwag pansinin iyon. Naglakad ako patungo sa pinto nang makasalubong ko si Gareth. Kailangan ko pang tumingala, just to see his face. Masyado siyang matangkad talaga. Around 6 feet siguro? Nakita ko ang malamig na ekspresyon ng kanyang mga mata. Hindi siya nakatingin sa akin ngunit narinig ko ang sinabi niya. “Stay here, Serena.” Hinawakan niya ang aking pulso at walang pasintabi akong hinila pabalik sa kinaroroonan ko kanina; sa harap nina Mayor. Napansin ko na may dalawang lalaki ring kasama si Gareth. Hindi ko sila kilala dahil hindi ko naman nakikita ang mga ito sa bahay nila. Nakaunipormeng itim ang dalawa. Seryoso ang mukha at sobrang intimidating. Nak