KABANATA 22

2348 Words

“H-HINDI!” Sa kaba ko dahil sa sinabi niya ay bahagya ko siyang itinulak. Malalim na tumawa si Gareth habang kinukuha sa akin iyong supot kung nasaan ang kanyang mga bagong damit. Inilagay niya iyon sa isang tabi. “Pagkatapos niyan ay umuwi ka na sa mansyon mo. Hindi ka ba abala sa negosyo niyo at dito ka nagsasayang ng oras?” Humalukipkip ako. Bakit ba naandito pa ako? Papanoorin ko ba siyang maligo? “Bakit? I want to stay here.” Nagpatuloy siya sa paglilinis niya. Ginulo niya pa ang buhok niya kaya’t marahas na pumatak ang tubig mula rito. “Nagkakagulo ang mga babae rito sa palengke dahil sa ‘yo.” Hindi siguro maipinta ang mukha ko ngayon. Hindi ko alam kung kanino ako dapat mainis: kay Gareth ba na dahilan bakit nagkakagulo ang mga babae o sa mga babaeng pinagkakaguluhan si Gareth.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD